Chapter 30

1.3K 47 0
                                    

[Chapter soundtrack: Beautiful Soul]

Chapter 30

Ikaw lang

I never had sacrificed such important things in my entire existence. Hindi ko alam kung ano o kung papaano ang sakit at hirap nang magsakripisyo.

Lumaki akong laging may suporta galing sa parents, kapatid at mga kaibigan ko. Wala pa rin akong bagay na nagustuhan na kinailangan kong mag sakripisyo ng malaki para makuha ito, kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam.

Matapos kong marinig ang mga sinabi ni Kuya, bigla kong naisip si Jasper at nakaramdam ng takot sa kalooban ko. Takot na hindi ko maipaliwanag. Paki-usap, huwag naman sanang dumating ang ganoong sitwasyon sa amin ni Jasper. Hindi ko alam kung kakayanin kong magdesisyon kagaya ng ginawa ni Kuya or magpapaka selfish nalang ako.

Mahal na mahal ko si Jasper at ang isiping pakawalan siya ay parang patalim na unti-unting humihiwa sa aking dibdib.

Bumuga ako ng hangin habang pinagmamasdan si Kuya na natutulog sa kaniyang kama. May bakas pa ng luha ang kaniyang pisngi.

Iniligpit ko ang mga kalat sa mesa bago naligo. Paglabas ko ng cr ay nakita kong may text message si Jasper sa akin.

[From: My Engineer

'Hey, I'm at the beach, I'm waiting for you.']

Napangiti ako ng wala sa oras. Tss. Ano na naman kaya ang ginagawa niya duon.

Kaagad akong nag tungo sa beach. Ang malamig na simoy ng panggabing hangin ang sumalubong sa akin nang makarating ako roon.

Naka khaki shorts ako at white linen long sleeve ngunit dama ko pa rin ang lamig. Luminga ko sa beach na mayroon pang iilang tao. Naglakad-lakad pa ako para mahanap si Jasper.

Sa hindi kalayuan, may nakita kong tent at maliit na bon fire. Sa harap noon ay may nakita akong nakalatag na carpet, parang katulad noong set na naood kaming movie sa rooftop ng apartment building namin. Nakatayo roon si Jasper na ngayon ay natitig sa akin habang nakangiti.

Ngumuso akong lumapit sa kaniya.

"Ano na naman to?"

Tanong ko habang iniikot ng tingin ang paligid. Kumunot ang noo ko. Parang ilang oras palang kami nagkahiwalay ah. Saan niya nakuha ang mga iyon?

"I just want to celebrate the one hundredth day, ng pagkikita natin ulit."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. One hundredth day? Binibilang niya ang araw nang mag kita kami?

"Binibilang mo ang araw simula nang magkita tayo?"

"Yeah of course. Everything about you, is important to me. Bawat araw at oras na magkasama tayo, lahat ng bagay na ginagawa mo inaalala ko..."

Magkatabi kaming nakaupo sa harap ng bon fire.

"... because you are the best thing that ever happened to me Ryu." He held my hands and planted a soft kiss on it.

I smiled.

"Ikaw din ang pinaka magandang bagay na nangyari sa akin, Jasper." Sabi ko.

Bahagya siyang lumayo sa akin at kinuha ang gitarang nasa kaniyang gilid na hindi ko napansin kanina. Nakatitig lamang siya sa akin nang mag simula siyang mag strum.

'I don't want another pretty face

I don't want just anyone to hold

I don't want my love to go to waste

The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon