Chapter 3

30 0 0
                                    

Chapter 3

Daddy Mar: “Anak anong problema??” Lumapit siya sakin to check kung ok lang ako.

“Ah Pa, wala.. nakalimutan ko po kasi… ~KASI PO ANG GWAPO NG LALAKING NAKIKITA KO!!   loko pa cute ka na naman ha~”

Mr. Dy: “Anong nakalimutan mo anak?”

“Ah.. ~anak? Bakit niya ko tinawag na anak? Tatay ko rin ba siya??~ yun po kasi..”

Nakatingin lang sakin yung lalaking yun, siguro iniisip niya na mukha talaga akong tanga at bobo dahil simpleng bagay lang hindi kaagad ako makagawa ng excuse.

Mrs. Dy: “Bianca, anak, may problema ba?” 

“Anak..” Mahina kong sinabi. “Ah, nakalimutan ko po kasing.. mag…..toothbrush?”

Nagtawanan silang lahat pagsabi ko nung “magtoothbrush”

~Ang tanga mo talaga Bianx!! Bakit mo makakalimutang mag toothbrush?? Baka isipin nila hindi ka talaga sanay mag sipilyo! Tsktsk stupid! stupid!!~    

Mrs. Dy: “Ah oo nga pala, Bianca meet Dylan, Dylan, meet Bianca.”

“Magkakilala na kami niyan, in fact nagkasalubong kami kaninang uwian eh” Sabay tingin sa akin.

Daddy Mar: “Schoolmates kayo Bianca??”

I just nodded my head.. na medyo wala sa mood yung itsura..  ~stress naman ‘tong lalaking to! Kahit saan ako mag punta paniguradong andun na rin yan, akalain mo ba namang family friend!? Haay! Kung alam ko lang na family friend sila, edi sana hindi ko na siya naging crush!!! Pero.. hindi mo naman mapipigilan yun eh..gwapo kasi talaga eh ~ 

*sigh*

Mr. Dy: “Mar, kelan ba mag 18 si Bianca? Para maasikaso na nating yung mga dapat asikasuhin..” 

Daddy Mar: “Sa September 20 na.”  

Mr. Dy: “Ahh..malapit na pala, bukas lumipt na kayo sa bahay.” Tapos tinuro kaming dalawa ni Tofer. “Bianca, alam mo naman yung tungkol sa kasunduan diba? Matalik kong kaibigan ang Papa mo at ang Tita Kristy naman ay matalik na kaibigan ng iyong Mama, habang nagbubuntis ang mga Mommy niyo, nagkasundo kami na kapag lalaki ang anak namin  at babae naman ang sa iyong Mama ay ipapakasal namin, at ayun na nga ang nangyari.” Then ngumiti siya sa akin

“S-s-siya yung papakasalan ko?! Si Tofer yung papakasalan ko??!”   

Mr. Dy: “Tofer? Nakakatuwa naman. Ikaw lang ang tumatawag sa kanya ng Tofer, pero maganda pakinggan kesa sa Dylan.”

Mrs. Dy: “Oo anak, ang Baby ko nga ang mapapangasawa mo, bagay na bagay kayo! Ano nga bang section mo, hija?"

“Section ko po? Ah..-“

“Class F yan.”

Mr. & Mrs Dy: “F?!”

*nodded* ~pakyu ka Tofer! Grrrr! Hindi porket crush kita pwede mo na kong ganyanin! kung pupwede lang kitang sapakin ngayon eh ginawa ko na!! pero.... ano ba to, pacute pa rin ako ng pacute..  nakakagigil! ~

Mr. Dy: “Aba’y bagay nga talaga kayo! Si Dylan naman ay nasa section A. Oh diba Mar, bagay sila?” 

Umoo na lang ang Papa ko kahit alam kong nahihiya siya dahil mana sa kanya yung anak niya. OO mana ko sa tatay ko! tanungin mo tungkol sa math nako! nakakatuwa yan, titingnan niya muna yung problem pero pag nakita niya na sasabihin niya sayo na "ANAK MASAKIT ULO NI PAPA, WALA AKO SA KONDISYON MAG SOLVE EH." Hay nako, excuses! Ayaw niya lang aminin na LIKE FATHER LIKE DAUGHTER! Pagsamasamahin mo man utak naming dalawa, kulang parin para maka kuha kami ng 85%! 

My Girl and I ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon