#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinggan na pinagkainan namin. Habang si Yohan naman ay pinapanood ang ginagawa ko.
"Kumusta si inay? Hindi ba malala ang kaniyang kondisyon?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman, nadala lang siya sa emosyon" mahinahong sabi niya. Napabuntong-hininga naman ako.
"Tulungan na kita" wika niya at aakamang tatayo na sana pero tinuro ko siya sabay sabi "Diyan ka lang trabaho ko to" matalim ko siyang tinignan. Ngumiti lang siya ng kalahati at umupo. Binalik ko ang tingin ko sa paghuhugas ng pinggan pero napatigil ako ng maalala ang nangyare kahapon.
Ibig-sabihin magkapatid kami Jandrick at ang pangalan ng ama ko si Fernando Fuentevel.Pero paano? Half-brother ko ba si Jandrick?Nilingon ko si Yohan agad na nagtagpo ang tingin naming dalawa.
"Yohan may alam kaba sa relasyon ni inay at ni Fernando Fuentevel?" tanong ko sa kanya.
"I'm sorry Lindsy pero wala akong alam" sagot niya sa akin. Nang maatapos na ako sa paghuhugas ng pinggan ay may bigla kaming narinig na kotse na papasok sa mansion. Pumunta kaming dalawa ni Yohan para tignaan kung sino ang dumating. Si Ma'am Ciel at si Sir Ysmael lang pala.
Ewan ko pero bigla akong kinabahan kung sakaling ang ama ko ang dadating. Si Fernando, hindi pa ako handa na makilala at sumama sa kanya lalo na't may masamang nangyare kay inay.
"Welcome back kuya" nakangiting sambit ni Yohan kaya natauhan ako. Ngumiti ako at binaling ang tingin sa kanila.
"Maligayang pagbabalik po Mr and Mrs Del Luna" nakangiting sabi ko. Ngumiti naman si Ma'am Ciel sa akin. Tinulungan ni Yohan si Mang Kanor na buhatin ang mga bagahe nila.
"Nag-almusal na ba kayo Ma'am, Sir?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman silang dalawa bago sumagot ng "Hindi pa".Napatingin naman ako sa kamay ni Sir Ysmael na nakahawak sa beywang ni Ma'am Ciel. Minsan talaga nagtataka ako kung bakit pinili ni Maam Ciel si Sir Ysmael.
Mabilis akong pumunta sa kusina para ipaghanda sila ng agahan.Pagkatapos nun ay kumain na sila.Nakatayo lang ako sa gilid at hinihintay na matapos sila. Ilang saglit ay dumating si Sir Yohan at umupo sa upuan.
"So, how was your honeymoon?" nakangiting sabi ni Sir Yohan. Nagkatinginan sila ni Sir Ysmael at Maam Ciel. Tila nagulat sa tanong ni Yohan. Naka-move on na kasi si Sir Yohan sayo Ma'am Ciel. Kainis!
"Actually it's fine" nakangiting sambit ni Sir Ysmael.
"Nag-enjoy ka ba Ciel?" ibinaling niya ang tingin kay Ciel. Napatingin ako sa kamay ni Sir Ysmael na pinulupot sa beywang ni Ma'am Ciel.
"Of course, Ysmael is with me kaya mag-eenjoy ako" nakangiti sambit ni Ma'am Ciel.
"Nasaan nga pala si Manang Lucia, Bakit wala siya?" tanong ni Sir Ysmael. Yumuko naman ako dahil sa tanong niya. Hindi nila alam na may nangyaring masam kay inay.
"Na hospital si Manang Lucia" malungkot na sabi ni Yohan.
"What happened? Is she okay?" may pag-alala sa tanong ni Ma'am Ciel.
"Long story pero okay na siya" wika niya. Napabuntong-hininga naman ang mag-asawang Del Luna.
Halos buong araw ay nasa isip ko si inay. Gusto ko siyang bisitahin sa hospital. Kaya noong natapos na ako sa pagdidilig ng halaman ay kaagad kong pinuntahan si Yohan para sana sabihin sa kanya na gusto kong bibistahin si Inay.
"Sigeh Bibisitahin natin siya, mag-bihis ka muna" wika niya. Kaya napatango ako. Hindi ko tuloy maiwasan maging excited lalo na't makikita ko na si Inay.
Nang matapos na akong magbihis ay naghinatay ako sa sala, hinintay ko ang pagdating ni Yohan. Mahigit isang oras na pero hindi parin siya bumababa kaya umakyat ako sa taas para sunduin siya.
Nang nasa harapan na ako ng silid niya ay napansin kong nakaawang ang pintuan. Kaya naman binuksan ko nalang ito.
Ngunit ang pagiging excited ko na makita si inay ay napalitan ng sakit. Nang makita kong kahalikan ni Yohan si Ate Fely. May namuong luha sa mata ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak lalo na't ayaw kong ipakita sa harapan ni Yohan na nasaktan ako.
"Sir Y-Yohan" sambit ko dahilan para magulat si Yohan at mabilis na tinulak si Ate Fely.
"Lindsy i can explain" mabilis na lumapit sa akin si Sir Yohan pero umiling ako at umatras.
"Akala ko ba ako ang nililigawan mo!" sigaw ko sa mukha niya. Pumikit siya ng mariin at lumapit sa akin.
"You misunderstood it, hindi ko siya hinalikan siya ang nanghalik sa akin" mahinahong sabi ni Yohan. Nilingon ko si Ate Fely na nakataas ang kilay.
"Matagal na kaming may relasyon Lindsy noong hindi ka pa dumating" wika ni Ate Fely at tinignaan ako ng masama. Umiling ako at hindi namalayan ang luhang kumawala sa mata ko.
"Shut up!" sigaw ni Yohan sa mukha ni Ate Fely. Pumikit siya at kinalma ang sarili niya. Umiling ako at nilisan sila. Husto na! Husto na! Ang sakit na naranasan ko!
Naglakad ako papalabas ng mansion nila habang hindi maawat ang luha sa mata ko. Siguro nga malayo ang agwat naming sa isa't isa para magkatuluyan kami ni Yohan. Kahit may paulit-ulit na bumubulong sa tenga ko na hindi totoo ang nararamdaman niya sa akin ay pinili ko maging bingi.
Nang makalabas na ako sa gate ay nagulat ako ng biglang may kotse na tumigil sa harapan ko. Binababa niya ang salamin sa kotse, pinunasan ko ang luha ko at sinalubong ang tingin ni Jandrick.
"May masama akong balita Lindsy" malungkot na sabi ni Jandrick.
"Siguro alam mo na" malungkot na sabi nito. Lumabas siya sa sasakyan at hinawakan ang magkabilang pisnge ko at pinunasan ang mga luha sa mata ko.
"A-Anong ibig mong sabihin" utal na sabi ko sa kanya.
"Patay na ang mama mo Lindsy" malungkot na sabi nito. Napakagat ako sa pang-ibaba labi ko at may luhang kumawala sa mata ko nag-uunahan na parang mga ulan sa kalangitan.
Bakit ako pinaparusahan ng ganito! Bakit doble-doble ang sakit na naranasan ko.
"Lindsy we need to talk" nagulat kami ng biglang bumukas ang gate at binungad nito ang mukha ni Yohan. Umiling ako at hindi siya pinansin. Naglakad ako papasok sa kotse ni Jandrick. Si Jandrick naman ang nagsara ng pinto.Napatingin ako sa labas kung saan kinakausap ni Jandrick si Yohan.
Nakatingin siya sa binatana kahit na tinted ang binatana ng kotse ay parang tumatagos ang titig niya sa akin. Sumakay na ng kotse si Jandrick at tinignan ako ng malungkot. Sinimulan na niyang paandarin ang kotse at mabilis na pinaharurot ito.Nilingon ko si Yohan sa may side mirror.
Unti-unti na siyang lumiliit at lumalayo sa akin. May luhang kumawala sa mata ko ng ma-alala ang nangyare kanina. Siguro ito na ang huling pagkikita namin ni Yohan, dahil hindi ko masikmura ang sarili ko na umiibig kang Yohan habang siya naman ay walang nararamdaman sa akin.
Aayusin ko muna ang sarili ko at para maayos ang sarili ko ay kailangan kong dumistansiya sa kanya kahit pa ikawawasak ng puso kong malayo sa kanya,kahit pa mahirapan ang puso ko.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...