Napatango ako at mas lalo pang kinagat ang pang-ibabang labi. Nag-iwas na lang ako ng tingin at sa kabilang direksyon pinukos ang atensyon. Matapos no'n ay hindi na 'ko nakatanggap pa ng kung anumang salita sa kaniya, pero alam ko namang nasa tabi ko pa rin siya.
"Suot mo," he broke the groundbreaking silence between us. Mayamaya pa'y napatayo ako nang hinimas niya nang marahan ang ulo ko. Kinakabahan akong tumawa at muling umupo. Nalilito niya 'kong tinaasan ng kilay at ang mga mata ay nasa tuktok pa rin ng ulo ko.
"Ito?" I whispered. Tinuro ko ang ribbon na suot-suot ko. Feeling ko ay bagay sa 'kin ang ribbon na 'to. Aside kasi sa attractive ang color nito, which is red, may maliliit ding porcelain na nakapalibot sa bawat side nito. Halatang mamahalin talaga. "Salamat pala rito. Ano... Nakalimutan kong magpasalamat sa 'yo noong una mo 'tong binigay sa 'kin. "
"You're welcome," he answered silently. Nakatitig pa rin siya sa ribbon. "Bagay sa 'yo. Akala ko, 'di mo magugustuhan. Sana pala dalawa ang binili ko."
"Okay lang. Sapat na ang isa."
"'Pag balik ko roon, bibilhan kita ng bago. 'Yung iba na naman ang kulay. Nice idea, 'di ba?"
"Oo," natatawa kong sabi. Halata namang pinapagaan niya lang ang loob ko.
Hindi ako sanay sa ganitong side niya, sa totoo lang. Parang eclipse ang ganito niyang pag-uugali; minsan lang kung mangyari. At, masaya naman ako kasi may katulad niya na nasa tabi. Akala ko, mag-iisa na naman akong masasaktan.
"Okay ka na?" he said, his voice shaking. Ba't naman kinakabahan ang lalaki na 'to? Parang sa 'ming dalawa ay siya 'tong labis na nasasaktan. "Kasi kung 'di pa, I can make you laugh, actually."
"Seryoso ka?" ang naging reaksyon ko kaagad. Hinarap ko siya nang mas maayos. Nakita ko naman na namula ang mga tenga niya. Nagsimula na naman siya sa pag-iwas ng tingin sa 'kin. "I mean, ikaw ba 'yan?"
"Ako 'to," he said using his shy voice. Mayamaya ay tumingin na rin siya sa 'kin gamit ang pulang mga mata. Hindi naman talaga sobrang pula, medyo pinkish lang, kasing color ng mga pisngi niya ngayon. "Nevermind. Okay ka na?"
Bumalik sa pagkaseryoso ang mukha ko matapos marinig ang huli niyang sinabi. Dahan-dahan na ring napalitan ng pag-aalala ang kabuuan ng mukha niya. "Hindi pa ako okay," I surrendered. "Pero at least, medyo gumaan na ang pakiramdam ko..." dahil sa 'yo.
"Hindi kita pipilitin na maging okay," sabi niya at hiniga rin ang likod sa plywood na nasa likuran. Nakadirekta ang mga mata niya sa kalsada, habang ang kamay ay dahan-dahang hinaplos ang kanan kong kamay. Gulat akong napalingon dahil sa ginawa niya, at nang makita ang pagiging kalmado niya ay napaayos ako ng upo.
"Sometimes, it's okay not to be okay," sabi niya na naman. "Hindi mo naman ginusto 'yan. Kaya... kung nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon, okay lang 'yan." Sandali niya 'kong binigyan ng nag-aalanganing tingin, at dama ko sa tingin na 'yun ang pag-iingat niya. "Masyado ka pang bata para pagdaanan ang mga ganiyan--"
"Hindi na po ako bata," I cut him off.
"Yeah, yeah," nag-aalala niyang tugon. "Dapat sa 'yo, nag-eenjoy. Alam mo na, marami akong kakilala na kasing-edad mo, and they are enjoying their life by doing the things that they love. Ikaw, gusto rin kitang makitang masaya sa isang bagay. Right now, I want to see your... Genuine smile. "
"'Yan lang ba?" hamon ko. Nagtataka niya 'kong tinanguan. "Gusto mo 'kong ngumiti ngayon din?" I smiled genuinely, not because he told me to but because I felt genuinely happy right now.
"Ihahatid na kita," dali-dali niyang sagot. Kaagad naman siyang tumayo, kaya napatingala ako sa kaniya. Mas lalo kong pinigilan ang tawa ko. Nakakamangha siya ngayon. Sana'y araw-araw ko siyang makitang ganito. Kahit araw-araw na akong umiyak, basta'y nasa tabi ko lang siya parati.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Teen Fiction"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.