Twenty five

30 6 1
                                    


"Happy Birthday
Happy Birthday
Happy Birthday to you..."

Matapos ang kanta ay agad na nilapitan ni Rich si Gab hawak ang cake na ginawa niya na may nakasinding kandila.

Kitang kita ni Rich ang pagkagulat sa mga mata ni Gab at nananatili lang itong nakatayo na tila ba may bigla nalang na kung anong ala-ala ang bumalik sa isip nito.

Napatigil nalang si Rich sa paglapit ng makita niya na tila nanginginig ang mga kamay ni Gab at biglang nag iba ang ekspresyon nito sa mukha.

"Gab?" pagtataka ni Rich ng makita na may dumaloy na luha sa mga mata ni Gab at tila nakatanaw ito sa kawalan kahit ito ay nakatingin paharap sa kaniya.

"nako, mukhang na touch ata si sir sa surpresa natin" bulong ng katulong kay manang Dely.

Mas lalo pang ikinagulat ni Rich ng kumuyom ang mga palad ni Gab at tinignan siya ng masama.

"Wala kang alam!!! pare-parehas lang kayo!!" sigaw ni Gab na agad hinablot ang kwelyuhan ni Rich para mapalapit ito sa kanya.

Dahil sa biglang paghablot sa kanya ni Gab ay nahulog at nawasak ang cake na ginawa ni Rich sa sahig.

Nagulat naman ang mga kasambahay at ng akmang lalapit sila ay tinignan sila ng masama ni Gab.

"nako po Rich!" pag aalala ni manang Dely na talagang kinakabahan sa susunod na mangyayari.

Pero sa ngayon, ang labis na ikinangangamba ni Rich ay si Gab na nanlilisik ang mga mata sa kanya habang hawak hawak ang kanyang kwelyuhan na nagbibigay sakit sa leeg ni Rich.

"wala kang alam sa sakit na nararamdaman ko" mahinang saad ni Gab ng itapat niya ang kanyang bibig malapit sa tenga ni Rich.

Habang nagkakagulo sa ibaba ay masaya naman na pinanonood ni donya Carmela ang nangyayari mula sa itaas ng hagdan.

"yan ang bagay sayo" saad ni donya Carmela kasabay ng malademonyo nitong pag ngiti.

"Gab please, nasasaktan na ako" pagmamakaawa ni Rich dahil mas lalong hinigpitan ni Gab ang pagkakakwelyo sa kanya at sinakop ng kabilang kamay naman ni Gab ang pang ibabang mukha ni Rich na naging sanhi upang matigil ito sa pagsasalita.

"mukhang masarap yung cake, tikman mo nga!" si Gab at bigla niyang nginudngod ang mukha ni Rich sa nawasak na cake na nasa sahig.

Napasigaw naman ang mga kasambahay pero wala naman silang magawa dahil tiyak na sila naman ang pagbubuntunan ni Gab at tiyak na sesesantihin sila sa trabaho oras na makialam sila.

Naghabol naman ng hininga si Rich ng iangat muli ni Gab ang kanyang ulo mula sa pagkakasubsob sa kanya sa cake na nasa sahig.

"nagustuhan mo ba? HA?!!!" si Gab na gigil na gigil sa mukha ni Rich.

Dumaloy nalang ang luha sa pisngi ni Rich.

Labis na di na mapigilan pa ni Gab ang galit at poot na kanyang nararamdaman, kaya naman inambahan na niya si Rich ng suntok na tiyak sasakop sa mukha nito.

Pero bago pa man sumapol ang suntok sa mukha ni Rich ay mabilis nahawakan ni Jeric ang kamao ni Gab.

"Sir Gab! tama na ho, ako nalang po ang suntukin niyo wag na po si mam Rich" pagpigil ni Jeric at agad binawi ni Gab ang kamay niya sa pagkakapigil ni Jeric dito.

"ganon ba (itinulak si Rich palayo na napalugmok sa sahig) o eto! (sinuntok ng malakas si Jeric sa mukha na ikinatumba nito malapit sa kinalugmukan ni Rich) o ayan! magsama kayo!!! AAAAAARGGGGHHHH!" sigaw ni Gab sabay suntok sa may pintuan at padabog nitong nilisan ang mansyon.

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon