Sa lumipas na mga taon hindi ko alam kung saan ako nun nagsimula.
Sa paglipas ng panahon akala ko buo na ako, sobrang saya at maayos na ako.
Hindi pa pala dahil lagi ko siyang inaalala. Lagi ko siyang iniisip kung makalipas ba ang ilang taon ay maging maayos ba ulit kami?
At sa tingin ko ngayon, malabo ang naiisip ko dati.
“ Hoy? Ano nakahanap kana ba ng asawa diyan sa pagtulala mo?” sigaw ni Kaye. Nasa bar kami nag-aya silang mag-asawa kasama si Cohen.
“ Nagka-asawa ka lang, pag-aasawa ko na laging pinapakelaman mo” saad ko at kunot noong tinignan ang taong nagsasayawan sa gitna.
Tumabi naman siya sa akin at dinantay ang ulo niya sa balikat ko.
“ Pasensya kana, ayoko kaseng mauna akong magka-anak kesa sayo.” bulong niya at humagigik.
Hindi ako makapaniwalang umiling. Seryoso? Tungkol lang sa pag-aanak niya kaya atat siyang magka-asawa ako?
“ Prolemahin mo nalang lovelife ni Cohen.” mataman kong sagot.
Agad namang umalma si Cohen at pinagdudulan na ayaw niyang magka-asawa natrauma daw siya sa aming dalawa.
“ Ang kapal ng mukha, balita ngang ang dami mong flings sa site ng kompanya ni Jace” saad ko at siningkitan siya ng mata.
Iling na inalis niya ang mata sa akin at ininom ang alak na hawak niya.
Tulala nanaman ako habang nakatingin sa bote na nasa harap ko. Okupado pa rin ako sa pagkikita namin. Literal na nagulat ako dahil sa tagal ng nakalipas, ngayon ko nalang siya nakita.
He looks unreachable. He's good in our field. Maingay ang pangalan niya sa field namin dahil sa mga case na nahawakan at napanalo niya.
Even we're in same field, I didn't encounter once in the court? celebration? perhaps in the hallway.
He's too private now and i can't do anything except of admiring and cheering him on his back, from afar.
“ Among problema mo, Cassie? May murder case ka bang hawak?” tanong ni Cohen ng mapansing kanina pa ako hindi nakikisabay sakanila.
Umiling ako at uminom ng alak sa harapan.
“ I saw him.” mataman kong saad at tipid na nginitian siya.
Bahagya siyang nagulat kaya natawa ako.
“ Sino nakita mo?” tanong niya. Napataas ang kilay ko at kumurba ang noo ko.
“What? You didn't get what im saying?” tanong ko at tumango naman siya.
Naparami ata nasinghot nitong buhangin sa site kaya lutang.
“ I saw him. Travis your friend.” saad ko at pagod na inihilig ang batok sa sofa.
“ Really?” saad ni Kayerix kaya nilingon ko ito.
“ Yeah. Don't asked me for more. We didn't talked to each other” saad ko at ipinikit ang mata.
How can i permanently rest? yung bawat pag-gising ko ay wala na akong aalahanin. Hindi na ako tumatakbo sa lahat ng problema ko. Hinaharap ko ito lagi pero pagdating sakanya napapatigil ako.
“ You came.” boses ni Kairus yun. Naramdaman kong may umupo sa harap ko.
Hindi rin nagtagal ay iminulat ko ang mata ko at saktong tumama ito sa lalaking pinag-uusapan lang namin kanina.
Napatuwid ako at agad na kumuha ng alak pero sa kasamaang palad ay sabay pa kaming nag-abot nito.
Bumitaw ako at tumingin sakanya. “ You can have it first.” mataman kong sagot. Hindi siya kumibo at agad niyang ininom ang alak.
Nag-iwas ako ng tingin at bumaling sa mag-asawang kaibigan. “ I'll go now.” saad ko at nginitian sila.
“ Saan ka pupunta?” tanong ni Kairus kaya napailing ako. Paniguradong hindi nila ako papayagang umuwi unless ihahatid ako or hindi ako lasing.
“ Lilibot lang.” saad ko at tumayo. Bago pa man makalakad paalis ay tumingin ako sakanya pero hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
Lihim akong ngumiti ng mapait bago umalis at makahanap ng panandaliang diversion.
I drink and danced a lot with random people, random shots. Unti unti na akong nahihilo dahil sa mga iyon.
“ Hey? What are you doing here!” sigaw ko sa lalaking nakahapit sa bewang ko.
I'm still awake and little aware on everything.
“ Having fun. Do you want some fun with me?” sigaw niya kaya wala sa sarili akong tumango.
Umalis kami sa lugar na iyon at pumunta sa second floor ng lugar. Tahimik ako bahagyang napapahawak sa ulo dahil sa hilo.
Bago pa man makapasok isa sa mga kwarto ay may humatak na sa lalaki at sinapak ito. Daglian naman akong nahimasmasan sa nangyari.
“ What are you planning to do? Gago ka ba?” singhal ng lalaking sumapak sa kasama ko.
“ Having fun with this sexy one?” asar na saad nung lalaki at sinulyapan ako.
Naguguluhan akong tumingin sa lalaking nanapak at bumuntong hiningang inakay siya pababa.
“ Tara na Cohen. Baka uuwi na tayo.” saad ko pero matalim pa rin itong nakatingin sa lalaking sinapak niya.
“ Kahit bar toh! Marunong ka sanang lumugar. Putulin ko yang ari mo ng maramdaman mo ang kasiyahang hinahanap mo!” ani Cohen kaya tinakpan ko ang bunganga nito bago inakay siya pababa.
Hindi ako makatingin sakanya ng naglakad kami pabalik sa table namin.
“ Ryle.” pagtawag ko sakanya pero hindi siya sumagot.
“ Sorry.” masuyong saad ko at hinawakan ang braso niya. Hindi siya kumibo sa halip ay nagpatuloy siya sa paglalakad.
Napanguso ako at nanahimik nalang. “ Please Cassie, huli na yun. Ayokong may mangyaring masama sayo.” saad niya biglaan, tumango ako at tinapik ang braso niya.
“ We should go now.” bungad ni Cohen ng makarating kami sa table namin.
Tumango ako at nag-iwas ng tingin. I felt different eyes on me.
“ Can someone drove Cassie?” Kayerix said. Kunot noo akong lumingon sa kanya.
“ Cohen? Hindi mo ako maihahatid?” saad ko agad namang napatango ang kausap.
Napatingin rin ako sakanya ng tumingin ang kaibigan sakanya. Agad akong umiling at kinuha ang bag ko.
“ Travis, Can you drove her home?” Kayerix asked the guy but he just shook his head. I dismayed look at him as when he looks at me.
“ I'll go home on my own.” saad ko at naglakad paalis.
“ Cassie! Anong oras na at baka may mangyaring masama sayo!” paghabol ni Kaye sa akin.
Umiling ako at tipid na ngumiti. “ Kung may mangyari man kargo ko yun. I don't want someone drove me home. I'm not a minor Kayerix.” mataman kong saad bago tuluyang umalis sa lugar.
Expectation hurts me again. Same expectation with the same guy.
Truth hurts.