Message ni Aerith eonni: So this is the first story na ni-request ni Lealyn my sweet crazy cousin. xD She's obsses with EXO's Do Kyungsoo and she wants to have a short story for it.. So here it is!! ^_^
Hope you like it also guys!! :**
* * *
Blind Date
Hindi ako makapaniwala na gagawin ko to sa buong Buhay ko! Hay! Ganto na ba ako kadespirada? Hindi naman sana ako matandang dalaga pero bakit kelangan ko pang gawin toh?! Nakakainis!! >.<
Kung hindi lang ako pinilit ng mama ko na gawin to.
Lahat kasi ng mga pinsan ko nagsipag-asawa na. Even my three brothers. Ang pinsan kong si Yshanne last week lang kinasal at ang swerte nya dahil isang popular na famous Korean author ang napangasawa nya. Kaya ayun at pinilit ako ng mama ko na mag-asawa na. Like what? Ganon-ganon nalang? Ano to? Pag-gusto nang mag-asawa kukuha nalang basta-basta ng lalaki at hahatakin sa simbahan para pakasalan?! Nasan ang kasabihan ng mga matatanda na 'ang pag-aasawa ay parang pagsubo sa mainit na kanin na kapag napaso ka hindi na pwedeng iluwa pa?' Nasan ang kasabihan nila na 'ang pag-aasawa ay sagrado at kailangan pag-handaan ito ng mabuti?' Nasan?!?!?!?!?!?! At ang mas lalong mahalaga... Nasan ang hustisya para sakin T^T
Ayoko pang mag-asawa!! T^T Madami pa akong gustong gawin sa buhay ko! Magiging stewardess pa ako! Makakarating sa iba't-ibang bansa! Mag-a-around-the-world! Panigurado 'pag nag-asawa ako hindi ko magagawa ang gusto ko. L
Makukulong lang ako sa bahay para maglinis at magluto ng pagkain para sa magiging asawa ko. Maglalaba ng mga damit, mamamlantsa! Pagsisilbihan ang magiging asawa ko!
Hay!! Isipin ko palang ang mga mangyayari sakin hindi ko na kaya!!
Ganito kasi yung nangyari bago pa ako napunta sa gantong sitwasyon.
* * *
"Aba Lealyn! Magmalay ka nga! Lahat na ng pinsan mo pati mga kapatid mo nagsipag-asawa na ikaw nalang ang hindi pa! Ano? Magpapakatandang dalaga ka nalang ba? Wala ka nang gagawin sa buhay mo kundi magtrabaho nalang ng magtrabaho? Ha? Tignan mo ang pinsan mo.. Kinasal na! Hay ikaw bata ka wala ka bang balak baguhin ang buhay mo?! .... ..."
Putak ng mama ko pagka-uwi na pagka-uwi namin galing kasal ng pinsan kong si Yshanne. Hay! Tuloy-tuloy lang ang bunganga ng mama ko kaya hindi ko nalang sya pinapansin at tuloy-tuloy lang ako maglakad sa kwarto habang tinatakpan ko ang magkabila kong tenga.
"Aray!!" binatukan ako ni mama T^T. Hindi ko naman alam na sinundan pala ako ng mama ko ditto sa kwarto para batukan ako -_-"
"Ano?! Kelan k aba mag-aasawa?!" sigaw na tanong ni mama sakin..
"Ma,! Hindi pa naman ako matanda ah! 20 palang ako ano ba kayo? Tsaka isa pa may tamang panahon para dun eh."
"Anong tamang panahon para don? Kung kelan kulubot na ang mukha mo saka k mag-aasawa? Kung kelan puti na lahat ang buhok mo ganon ba? O baka naman kung kelan patay na ako saka ka mag-aasawa. Hindi ko na makikita ang magiging apo ko non!" hay naku nag-drama na naman si mama -_-"
"Ma, hindi pa ba kayo makontento sa mga apo nyo kina kuya? -_- At pati ako pagdidiskitahahn nyo maghanap ng mapapangasawa agad agad??" ibang klase rin ang nanay ko eh nuh :3
BINABASA MO ANG
Requested Short Story Compilation
RomanceThese Short Stories will make you kilig much and will get a chance to be with your dream guy Kung sino man sila :)