Chapter Fourteen

6 0 0
                                    



-


Kagaya ng ginawa namin ni Patricia at mga kaibigan kong mga babae, nagkaroon din kami ng kwentuhan ni Patrick. May kaunting ilangan lang pero nakaya naman. Nang mapansing halos dalawang oras na kami ay pumunta kami sa PlayHouse dahil muntikan na naming makalimutan na kasama namin si Kael.


Nang makarating kami sa PlayHoude ay nakaupo sa isang gilid si Kael, kumakain ng chocolate at nakabusangot. Napaka-cute, parang babae talaga e. Ngayon ko lang napansing panglalaki pala ang pormahan niya.


"Ayaw mo nang maglaro?" Tanong ni Patrick. Sinamaan siya ng tingin ni Izkael na ikinatawa ko.


"Do you think I can still play? I've been playing the same thing for how many hours? Just pay what I ate and let's go."


Binayaran namin ang oras ng paglalaro ni Kael at ang chocolate. Mabuti na lang at may pagkain din na para sa mga bata.



-



"Grabe kang bata ka. Akala ko sa paglalaro mo ako mapapagastos, sa pagkain pa lang kinain mo." Tawang-tawa ako sa sagutan ng dalawa habang naglalakad kami.


Akala talaga namin na naglaro lang siya sa mga oras na nawala kami. Thirty minutes lang daw siya naglaro tsaka lumabas din at kumain ng kumain. Siya pa itong nagrereklamo kaninang umaga sa Jollibee, ngayon ay halos isa't kalahating oras pala na kumain siya ng matatamis. Ang ending, uuwi na kaming para makapagsepilyo ang bata. Ang dungis din ng damit niya.


Pumunta kami sa bahay nila. Hindi na ako tumanggi dahil mananghalian daw kami sa kanila at tumawag din sa amin si Patricia.


Kompleto sila sa bahay nila nang makarating kami.


"Magandang tanghali po. Ako po si Cass." Pagpapakilala ko.


"Ako si Tita Patrice. Just call me Mama."


"Ma!" Natawa sila nang sumabat si Patrick.


"Char. Tita na lang, hija. This is the twins' father. Just call him Tito."


Ngumiti lang ako sa kanila at nagmano. Kumaway sa akin ang sigurado akong Ate nila. Ngumiti naman ako pabalik.


"Ay siya, Izkael, let's go upstairs na. Huwag niyo na kaming hintayin at baka matagalan pa ako sa pag-aayos sa maarteng bata na 'to." Nakita ko ang pagsimangot ni Izkael bago nila kami talikuran. Natawa na lang ako.



-



Sinabihan nila akong manatili muna pero tumanggi na ako. Bukod sa nakakahiya ay mayroon pa akong planong gawin ngayong araw. Ang kausapin din ang mga magulang ko. I actually... It's not on my plan. I never thought na makikipag-usap ako sa kanila. But thinking about everything that happened, isa sila sa mga dahilan kaya ako nakakatayo sa sarili kong paa. If they didn't treat me that way, I should've been living with them, hindi ko siguro malalamang gumalaw ng mag-isa.

Blue And Grey [COMPLETED] • mistikenigmaWhere stories live. Discover now