I Had To Let Her Go

382 5 1
                                    

This was just a story I created for one of my subjects.  I placed something here, a moral lesson. I hope you’ll get it.

I Had To Let You Go

By IhEaRtZeRoThEhErO

“I let go of those hands, those hands that used to be mine. I let go of his hands, though I know it was for a lifetime…”

***

Two years ago, sabi ko, di ko siya iiyakan. Sabi ko, magiging isa lang siya sa milyun-milyon kong babae. Sabi ko, isa siya sa mga babaeng hahabol sa akin at iiyakan ako. Pero bakit parang nabaliktad ‘ata, bakit parang ako ngayon ang umiiyak? Bakit parang ako ang naging isa sa mga koleksyon niya? Bakit kahit almost a year na kaming hiwalay, mahal ko pa rin siya? Bakit nasasaktan pa rin ako ngayon? Bakit ‘di pa rin mawala sa puso ko ang pangalang Cera?

High school kami no’ng una ko siyang makilala. Siya ‘yong tipo ng babaeng, ‘di dapat nilalapitan, dahil once na tumapak ka sa buhay niya, di ka na basta-basta makakaalis pa. Kakaiba talaga siya. Pero ‘yong mismong pagiging kakaiba niya, ‘yon din ang naging dahilan kung bakit kahit na dalawang taon na ang lumipas, mahal ko pa rin siya.

Tandang-tanda ko pa noong isang hapon. Pauwi na ko galing sa eskwelahan nang may biglang nakiangkas sa aking bike. Medyo awkward pa no’n kasi ‘di naman kami close. ‘Di nga kami halos nag-uusap sa school tapos bigla na lang siyang makikiangkas?!

Kaya tinanong ko siya kung bakit. Pero binigyan niya lang ako ng isang makahulugang ngiti. Tapos tinakot niya ko, “Patakbuhin mo na lang kasi, dami mo pang arte e, kung ayaw mong isumbong kita sa tatay ko,” wika niya.

Paki ko sa tatay niya? Atsaka ba’t nasali rito ‘yong tatay niya?

“Patakbuhin mo na nga kung ayaw mong sabihin ko sa lahat na ikaw ‘yong naglagay ng chewing gum sa upuan ni ma’am Doris kanina.”

Pa’no niya nalaman ‘yon? Hindi kaya stalker ko ‘to.

Tapos, nakita namin ‘yong iba naming classmates. Baka ano pang isipin nila kaya, “Baba na kasi!” Wika ko sa kanya.

“Ayoko nga.” Then she circled her arms around my waist then rested her head on my back.

Nakakaasar naman ‘tong babaeng ‘to, pa’no kung naririnig niya ‘yung malakas na tibok ng puso ko?

“Ayaw mo talagang patakbuhin ah,” wika niya. Alam kong may binabalak siya, “Euphy, lika, may sasabihin ako sayo.”

Pero ‘di ko hahayaang malaman pa ng iba ang sikreto ko, kaya uunahan ko na siya. Pinatakbo ko na ‘yong bike.

Nang makalayo na kami, malayu-layo na talaga sa school, in-interogate ko na si Cera. Alam kong ‘di lang free ride ang habol niya. Alam kong may iba pa.

“Baba.”

Bumaba naman siya tapos nginitian niya ko. Napipikon na talaga ako sa babaeng ‘to pero dapat, relax lang. Baka may maganda siyang rason.

“Anong kailangan mo?”

“Pwedeng number mo?”

Bakit naman niya kakailanganin ang number ko?

“Bakit?” Kakaiba talaga siya.

“Kasi sa lahat ng classmates natin, ikaw lang ang wala sa phonebook ko.”

“Eh, ba’t kailangan mo pang umangkas? Ambigat mo kaya.”

“Kasi dinadaanan mo naman ‘yong bahay namin palagi.” Wika niya sabay ngiti. “Kaya naisip kong makisabay na lang sayo, bukas ulit ah…”

I Had To Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon