MNB25- University

1.2K 31 1
                                    


Isang linggo ang nakalipas.

"Sierra dali malalate na tayo first day pa naman." huminga ako ng malalim panibagong kabanata nanaman. Ipinaliwanag ko na din kay Anessa lahat lahat at naintindihan naman nya ako. Isa iyon sa gusto kong ugali ni Aness kahit na maarte syang manamit maintindihin sya.

Hindi ko alam itong nararamdaman ko simula ng iniwan ko si Julian sa condo hindi na naging maayos ang pagtibok nitong puso ko pakiramdam ko lagi akong kulang.


"Di mo suot eye glasses mo?" tanong ni Sierra habang nakasakay kami ng bus papuntang university.

"Nakacontacts ako." sagot ko sa kanya.

"So the old you is back?"

"Manahimik ka nga dadag sa polusyon yang ingay mo." pambabara ko dito ang ingay kasi eh.

"Bitchy." nanahimik na ito hanggang makarating kami ng University si Julian pa din ang nasa isip ko. Nakakapagod syang isipin. Papasok pa lang kami ng campus nang daanan kami ng apat na sunod na sunod na sasakyan una ang sasakyan ni Julian ni hindi man lang kami hinintuan ang pangalawang sasakyan ay kay Julia na kasakay si Hyo si Julia nagdadrive binabaan nya kami ng bintana ganun din si Ace kasabay si Eli pinayagan na kasi itong magkotse ng dad nya at Greg si Addison. They ask them to ride but we refuse malapit lang naman ang building namin.

"Hi Girls!" Eli greeted us.

"Hi Aness see you later." sabi ni Ace kay Anessa sabay kindat.

"Hay buo na ang araw ko." sigaw ni Anessa na halatang kilig na kilig kay Ace.


"Ang landi. Tara na nga." hinatak ko ang buhok nya.


"Ouch ang extension ko." daing nito. Tinuturing ko si Anessa na bestfriend ko sya yung taong nandyan sa akin ng panahon kailangan ko ng masasandalan kahit hindi nya alam ang pinagdadaanan ko.

Past 11am ng matapos ang dalawang subject may ilang subject kaming magkaklase ni Anessa. Lunch break na kaya dumiretso ako ng cafeteria may isa pa akong subject after lunch. Hindi pa man din ako tuluyang nakakapasok may tumawag na sa akin "Sierra here!" si Julia kasama si Hyo, Julian, Eli, Ace, Greg at Add. Wala akong magawa kung hindi ang pumunta sa kinaroroonan nila. Pero sinenyasan ko muna silang oorder muna ako.


"Chant Carlos texted me already imemeet daw nya ang grupo this Saturday. Dumating na yung letter ng hearing." sabi ni Add.


"Okay Add."


"Magaling ba talaga yang abogado na yan? ayoko pang makulong hindi pangkulungan tong kagwapuhan ko." pagbibiro ni Eli.

"Ew lang ah." Sabi ni Julia habang kumakain ng buko pandan.

"Bakit ang gwapo ko kaya? palibhasa koreano tipo mo eh." hindi na sumagot si Julia at sunod sunod na sinubo ang kinakain.


"Thanks dearie." bulong ni Greg kay Add.


"Baka langamin kayo." pangiinis ni Eli sa kanila. Tahimik lang si Julian na nakatitig sa cellphone nya. Baka katext si Syris. Pake ko ba.


"Ingit ka lang!" sabi ni Greg sabay bato ng tissue dito.


"Guys una na ko walang klase si Anessa." oo nga pala half day lang si Anessa.


"Isa ka pa eh."sabi ni Eli kay Ace. Nagdirty finger lang si Ace dito.

"Tahimik mo Julian." bati ni Greg kay Julian. "Hindi ako nakatulog."


"Nanood ka siguro ng porn." sabat ni Eli. "Gago."


"Yuck. Bibig mo nga Eli." maarteng sabi ni Julia. Natawa naman si Hyo ako tahimik lang.

"Bago yan Brad." nakangiting sabi Greg. "How's you and Syris pala?" doon ako nasamid.

"Hey okay ka lang?" tanong ni Add sakin sabay abot ng tubig.

"Friends." maigsing sagot nito. "Eh bat di ka nakatulog?"

"Someone still mad at me and said she's no longer part my of  life." pagkasabi nito ay agad syang tumayo at umalis.

"Problema nun?" tanong ni Julia.


"Oh ow someone is in love." pasaring ni Eli. Hindi ako umiimik.

"Kanino naman? friends nga daw sila ni Syris di ba?" nagisip muna si Julia. "Gosh Sierra ikaw bang tinutukoy ng magaling kong pinsan?" natameme na ako ng tuluyan tawa naman sila ng tawa. Pinaguusapan nila kami ng parang di ako nageexist.

"Mauna na ako may klase pa ako." nagtatawanan pa din sila. Hay na ko Sierra wag kang magpaapekto hindi sya inlove sayo nakokonsensya lang ang ugok na yun.


"HAYST." naipilig ko na lang ang ulo ko.


MY NERDY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon