"Bye Sexytary! Ingat sila sayo." Paalam sakin ng mga kasama ko sa student council.
"Matagal ko nang alam yan. Charot! Babush na!" Kumaway ako sakanila at dumiretso na sa sakayan ng jeep. Pagtingin ko sa relo ko, past seven na pala.
Buti nalang talaga at meron agad maluwag na jeep ang dumaan kaya nakasakay ako. Pinakapaborito ko talagang puwesto yung dulong-dulong upuan ng jeep at doon ako pumwesto.
Napatingin ako sa harap ko nang biglang kumanta yung lalaking naka-earphones. Grabe, feel na feel niya ata yung kanta at may papikit-pikit ng mata pa.
Maya-maya lang may mukhang adik na lalaki ang sumakay. At kung minamalas ka nga naman, sa tabi ko pa talaga tumabi samantalang ang luwang-luwang naman ng jeep. Wagas lang kung makasiksik. Ang kapal pa ng mukha niya dahil halos nakapatong na sa akin yung napakalaki niyang bag. Kung alam lang niya, kanina ko pa siya minura sa isip ko.
Umusog siya ulit palapit sa akin muntik ko na ngang kantahin yung commercial ng Camella Homes, yung Bulilit, Bulilit sanay sa masikip. Buti nalang talaga at napigilan ko ang sarili ko. Tumingin ako sa labas at ganun nalang ang pagkadismaya ko ng makita kong malayo pa pala yung bababaan ko.
Muli na naman siyang umusog kaya pagsasabihan ko na sana siya nang bigla kong maramdamang may kung anong tumama sa dibdib ko. Napatigil ako at napalunok. MANYAK ang isang to!
Patuloy ko pa ring nararamdaman yung kamay niya dun. Hindi na ako mapakali. Gusto ko siyang sitahin pero kinakabahan ako. Tumingin-tingin ako sa loob ng jeep na maaari makakita sa ginagawa niya pero nabigo ako. Puro busy sa pagse-cellphone yung mga tao sa jeep.
Napatingin ulit ako sa harapan ko nang mapansin kong tinatanggal na niya yung earphones niya. Tiningnan ko lang siya ng matagal baka sakaling makaramdam siya. Maya-maya lang, napansin niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Nagkasalubong ang mga mata namin. Pilit kong pinapahayag yung nais kong iparating sa pamamagitan ng tingin ko sa kanya. Nginunguso ko sa kanya yung kamay ng lalaking nasa dibdib ko. Sana lang makita niya yun kasi natatabunan yun ng bag niya. Napatingin ang lalaki sa pilit kong tinuturo sa kanya. Sunod naman niyang tiningnan yung lalaking katabi ko. Nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas! Meron ng tutulong sa akin. Pero ganun nalang ang gulat ko nang bigla niya akong kinindatan. Biglang gumuho yung pag-asa ko. Gusto ko na lang umiyak ngayon. Pilit ko ring hinaharang yung braso ko pero nakakagawa siya ng paraan para mahawakan ulit yun. Napapikit na lang ako ngunit sumabay dun yung luhang kanina ko pa pinipigilan. Gustong-gusto kong sapakin yung lalaking katabi ko pero baka lalo lang akong mapahamak. Naisipan ko na ring bumaba na lang pero pagkatingin ko sa lugar, sobrang dilim at wala masyadong dumadaan na jeep.
"Hon, galit ka pa rin ba sa akin?" Napalingon ako sa lalaking kaharap ko nung bigla nalang siyang nagsalita. Nakatingin siya sa akin na para bang ako talaga yung kinakausap niya. Hala! Anong trip neto?
Hinihintay kong may sasabihin ulit siya pero mukhang wala na siyang balak magsalita ulit. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumingin na ulit sa labas.
"Hon, sorry na. Patawarin mo na ako please." Hindi ko na sana siya papansinin kaso bigla niya nalang akong hinila at pinaupo sa tabi niya. Napatingin ako dun sa lalaking katabi ko kanina, gulat na gulat ang itsura niyang nakatingin sa lalaking nanghila sa akin. Napatingin din ako sa katabi ko at nakangiti na siya sa akin ngayon.
"Alam ko namang hindi mo ako matitiis eh. Mahal na mahal mo kaya ako." Pagmamayabang niya pa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Magsasalita na sana ako nang bigla niya nalang pinisil yung ilong ko sabay tawa ng mahina. Ang akala ko'y titigil na siya ngunit parang biglang tumigil ang mundo ko pati na rin ang tibok ng puso ko sa susunod niyang ginawa.
BINABASA MO ANG
Fated To Know You (One Shot)
Short StorySa dinami-dami ng panahong pwede tayong magkita. Malas dahil napakawrong timing lang talaga. "Arrgh ! Bwisit. Daming manyak sa mundo."