One - Hyron Dominguez

22.5K 435 8
                                    

One

Dedicated to @parisbeauregard,  thanks in advance 💝💝

Hyron Dominguez

Nica Hermoine Belle POV

                                        

Nagising ako sa liwanag ng araw na tumatama sa aking mata, unti-unti kung idinilat ang mata ko at napaupo at nagbalak na isarado ang kurtina. Sakto naman na biglang tumunog ang cellphone ko. Inaantok pa akong kinuha ito sa ibabaw ng mesa.

"Hello!" pambungad ko.

"Nica, nakaayos na ba ang gamit mo. Nakalimutan mo bang pupunta ka ng Palawan ngayon? You need to persuade our investor there."

"Ngayon na ba yun Mom?"

"My God, don't tell me- God, dalian mo na diyan at baka maunahan tayo ng iba'ng competitors."

"Ok Mom." Pagkahang-up pa lang niya ng cellphone ay mabilis kung tinawagan si Rozen.

"O hello, bakit ba? Istorbo ka talaga, natutulog ang tao." Reklamo niya

"Hoy! huwag kang mag-inarte, pumunta ka ngayon din dito sa kwarto ko, tulungan mo akong mag-empake."

"Ha! May lakad ka ba? Hindi mo ba kayang maghubad mag-isa at kailangan may katulong ka pa? Girl, hindi ako interesado sa katawan mo. No thanks."

"Gaga hindi yun! Pupunta ako ng Palawan nagyon. Dalian mo na!" bulyaw ko sakanya, ang aga aga pinapainit na naman niya ang ulo ko.

"Ok. Relax, ang ganda pa naman ng araw sinisira mo na naman."

"Sino kaya satin dalawa." Bulong ko.

"Ou na! aakyat na ako, My God Nica, hindi pa ako nakakapag-hilamos at ang baho pa ng hininga ko." Dugtong niya pa.

"Hindi naman kita pagnanasaan no' at tsaka dati pa mabaho hininga mo. Ano ba pupunta ka ba dito o papalayasin kita dito sa bahay ko?"

"Ikaw naman ang init kaagad ng ulo mo, Ou na!" matapos niyang sabihin iyon ay ibinaba ko na kaagad ang tawag. Pumunta ako sa may closet ko, kinuha ang isang maleta. Isang lingo rin ako doon kaya kailangan magdala ako ng maraming damit.

Habang namimili ng masusuot ay napalingon kaagad ako sa may pintuan ng kwarto ko, may kumakatok. Baka si Rozen na 'yan. Pagkabukas ko ay isang nakangiting babae kaagad ang bumungad saakin, Its Bernice! May dala siyang isang supot, mukhang puro mga pagkain ang laman noon.

"Ang aga-aga nandito ka?" sabi ko habang pinapapasok ko siya sa loob.

"Maaga kasi umalis si Reyner and beside na-mi-miss kita. Dinalhan kita ng food, for sure di ka pa kumakain." Nakangiting sambit niya habang inilalapag sa mesa ang dala niyang pagkain.

"Naku Bernice, sigurado akong kulang pa sayo iyan. Nagpapalusot ka pa, alam ko naman na gusto mo lang tumambay dito." Ngumisi na lamang siya at nagpa-cute saakin. Kung hindi lang talaga to buntis, naku!

Nang maanalisa niya ang ginagawa ko ay nagtanong kaagad siya saakin.

"Saan ka pala pupunta? Bakit parang lalayas kana?" nagtatakang tanong niya, hindi ko siya pinagtuunan ng pansin, pero sinagot ko ang tanong niya.

"Palawan, may hinahabol na investor." Tipid na sagot ko.

"E bakit parang maglalayas kana? Ang dami mo naman yata'ng dalang damit."

"Anu ba Bernice, kumain ka na nga lang diyan. Psh!" sakto rin naman ang pagdating ni Rozen na ngayon ay nakatuon kaagad sa pagkain na dala ni Bernice.

One-Night stand with a HEARTBREAKER | HINOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon