A SIDE STORY OF THE FAMILY MILES☆PROLOGUE :
Bloods...
Alas-dose ng madaling araw...
Bawat sulok ng mansyon ay may mga bakas ng dugo. At maraming nagkalat na bangkay.
Ngunit sa gawing kaliwa nito kung nasaan ang grand staircase, may apat na paslit na nakaupo at tahimik na pinagmamasdan lang ang mga namatay.
Walang takot na makikita sa kanilang mga mata. Walang pag-aalinlangan nilang sinusuri kung may natitira pang may buhay sa mga nakahandusay sa paligid nila.
Ang mga batang ito ang may-ari ng mansyon na nilusob ng humigit kumulang na isang libong mga armadong tao. Mag-isang namumuhay ang mga batang ito, wala na silang mga magulang.
Diamond Miles.◇
Ace Miles.♧
Spade Miles.♤
Heart Miles.♡
Ang magkakapatid na, sa murang edad pa lang, ay bihasa na sa pakikipaglaban. May armas man o wala, kaya nilang tumagal sa pakikipaglaban sa kahit ilan pang armadong tao.
At ang isang libong tao ay hindi pa sapat para hamunin ang apat na magkakapatid na ito.
"Don't mess with the Miles... or you'll be gory DEAD." -Heart Miles♡
XOXO
REDvhie
BINABASA MO ANG
♚♔DASH : Kings and Queens♕♛
Teen FictionSiblings that sticks together, kills together.