Chapter 10

327 32 2
                                    

Azam watching every attack and move from their new agent.

That boy who wants a friendship to his beloved Sanya.

Mula sa pangalawang palapag ng Arena kung saan ginaganap ang pagsasanay ng mga agent lalo na sa mga baguhan na recruit.

Mahusay at mabilis ang bawat galaw ni Ismail. Tatlo na ang napabagsak nito kaya masasabi niyang mahusay din. Sabagay,hindi naman basta-basta tumatanggap ang Prinsipe ng alam nitong walang ibubuga.

Napangisi siya ng sa pang-apat na pagkakataon ay bumagsak muli ang katunggali nito.

May ibabatbat nga naman pero sa kanya pa rin ang prinsesa.

He want to try him.

Lumundag siya mula sa kinaroroonan pababa sa arena.

"Mahusay na atake,bata.."bungad niya rito.

"Ayaw kong biguin si Boss Aquilles, "tugon nito.

Paimpress huh..

"May lakas pa ba?"nakangisi niyang tanong rito.

"Oo naman,"agad nito tugon.

"Umatake ka na,"hamon niya rito at agad naman ito umatake pero tila siya hangin na bigla na lang nawala sa kinatatayuan niya kaya naman muntikan na iyun hindi maibalanse ng binata ang sarili sa ginawa niyang iyun.

Nagulat ito sa bilis niya. Kitang-kita sa panglalaki ng mga mata nito ng lingunin siya nito.

"Kaya mo kaya makipagsabayan sakin?"usal niya sa tonong may paghahamon habang nakahalukipkip ang mga braso niya.

"Bakit hindi mo subukan?"seryoso na nitong turan.

Napangisi siya. Mukhang sa hamon niyang ito ay malalaman niya kung ano ang tinatago nitong persona.

Iba ang pakiramdam niya rito. Napukaw siya ng bigla ito sumulpot sa harapan niya at ang tangka nito pagsuntok sa kanya ay sa hangin na lang tumama at isang segundo, Ismail fell down on the ground with his one hand.

Sabay-sabay na napareak ang naroroon sa bilis ng kanyang ginawa.

Naipilig niya ang ulo ng mabilis niyang nakita ang pagpula ng mga mata nito at mabilis din ang mga iyun nagbalik sa kulay brown nitong mga mata.

Binitawan niya ito at inilahad ang kamay rito upang tulungan ito ibangon na inabot naman nito at may ngiti sa labi na tumindig sa harap niya.

"Hindi ko...damn! Ang bilis nun ah!"untag nito.

"Mahalaga ang bawat segundo ng buhay kaya sa susunod..huwag ka lang basta aatake,"payo niya rito.

"Tatandaan ko yan!"

Tinanguan niya ito saka tinapik sa braso.

Azzam feel something wrong in the hallway going to his room unit. He know there's...someone watching him.

Pinakiramdaman niya ang tahimik na hallway at tinuro siya ng guts niya sa fire exit door.

Mabilis na binuksan niya iyun at napadungaw sa mahabang hagdanan pababa at makitang may isang lalaki na mabilis na bumababa patalon sa mga bariles.

Hindi siya naging mandirigma para hindi maging imposible sa kanya ang gagawin niya pagtugis sa kalaban.

Isang iglap lang ay nasukol niya ito at malakas na binalya ito sa pader.

Napaangil ito kasabay ng pagdaing tanda na nasaktan ito. Gumawa ng pagguhit sa pader sa lakas ng pagkakabalya niya rito.

"Sinusundan mo ako? Gusto mo mamatay?"saad niya.

Napaigik ito ng idiin niya ang braso sa leegan nito at umangat ang mga paa nito.

"M-may..may m-mensahe para sayo,"nahihirapan nitong usal.

Dumilim ang mga mata niya sa sinabi nito.

Napapasag-pasag ito ng mismong palad na niya ang nakasakal sa leeg nito.

"Sabihin mo,"aniya.

"M-m-mamatay..i-isa k-ka s-sa m-mamatay,"hirap na hirap nitong wika.

"Sino nag-utos para bantaan ako?"

Dumiin ang kamay niya sa leeg nito na siyang dahilan upang muling magpupumiglas ang lalaki.

"H-hindi k-ko a-alam..aaahhh,"wika nito.

Padarag na binitawan niya ito at muling sinukol habang nakalupasay ito sa sahig.

Noon lang niya napansin ang unti-unti pagtuyot ng katawan nito.

Ang paggapang ng itim sa balat nito. Dumaing ang lalaki.

"Sino ang nag-utos?!"

Ngunit hindi na nito nasagot ang tanong niyang iyun dahil may usok na lumabas sa bibig nito at buto't-balat na lang ng bumagsak ito sa sahig.

"ISang poison na pinainom sa kanya..aabot ng kalahating oras bago iyun umepekto at tuluyan mamatay ang makainom,"saad ni Sanya ng masuri nito ang katawan ng lalaki na dinala niya sa labatoryo nito sa basement ng bahay ng magulang nito.

"Ito ba ang unang beses na makaengkwentro kang ganito?"tanong nito sa kanya na siyang pumukaw sa pagtitig niya sa bangkay.

Bumaling siya sa dalaga. She's wearing a red silky robe na mas nagpakintab ng ganda nito at ng kaputian nito.

"Ito ang unang beses,"sagot niya at hindi na niya babanggitin pa na may banta na sinabi ito sa kanya.

Tumango ang dalaga. Humakbang ito palapit sa kanya at yumakap sa kanya na agad naman kinangiti niya.

"Patawad at nagambala ko ang pagpapahinga mo,"saad niya at masuyong hinaplos ang mahaba nitong buhok.

Sinubsob niya ang mukha sa gilid ng ulo nito at nilanghap ang mahalimuyak na amoy ng buhok nito.

"Nakakalason din ang bango ng buhok mo,"usal niya.

Humigpit ang yakap nito sa kanya na kinatawa niya ng mahina.

Nag-angat ito ng mukha sa kanya. "Talaga?"

Agad na tumango siya.

"Ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng naimbento ko,"sabi nito.

"Gusto ko ang amoy.."saad niya.

"Gagawa ulit ako para iyun na ang gagamitin ko,"anito.

Hinaplos niya ang makinis at mapula-pula pisngi nito gamit ang likod ng mga daliri niya.

"Minsan hinangad ko na sana mahawakan kita na walang suot na gloves sa mga kamay ko,"usal niya habang nakatitig sa maiitim na mga mata nito.

"Pwede mo naman subukan gawin,"anito na agad niya kinailing.

"Hindi. Hindi ko itataya ang buhay mo para lang dun,"agad na kontra niya sa sinabi nito.

"Hindi mo pa naman nasusubukan,"may panghahamon na sabi nito.

"Hindi. Ayoko. Para sakin isa itong sumpa kahit napakalaki ng pakinabang ko sa mga kamay ko,"mabilis niyang sabi.

Hindi na umimik pa ang dalaga. Masuyo niyang pinatakan ng halik ang noo nito.

"Kahit anong mangyari hindi ko gagamitin ang sumpa ito sa pinakamamahal kong prinsesa,"saad niya at kapwang pinakiramdaman ang higpit ng yakap nila sa isa't-isa.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon