Its been 10 months matapos naming mag usap ng gabing iyon, hindi ko na siya mahagilap tulyan na nga siyang nawala sakin na wala man lang akong ginagawa.
"Ma'am may customer po tayo VIP po at magpapatahi ata ng dress" sabi ng assistant ko. May ari na ako ngayon ng isang sikat na botique dito sa Baguio.
Tumayo na ako at lumabas na and i found out its Kyros kahit nakatalikod siya alam kong sya yun.
"Kyros what are you doing here?" nakangiting tanong ko saka ako lumapit sa kaniya ngumiti naman siya sakin at kinamayan ako.
"ahm Ate i want to buy a dress yung bagong design sana ang gusto ko eh" ngumiti ako sa sinabi niya, he seems nervous bakit kaya?
"alam mo ba ang size niya bakit hindi mo sinama?" sabi ko habang kinukuha ang notebook ko na pinaglilistahan ng oorder.
"its my gift for her upcoming birthday" may naiisip na ako sa sinabi niya. Mukhang alam ko na kung sino iyon.
"and who is the lucky girl?"
"Ate its Rina please dont tell her ayaw niya kasing tumanggap ng mahal na regalo sakin eh kaya sayo pa ako magpapatahi dahil alam kong hindi ko na kailangan ng size niya" napatawa ako sa sinabi niya so its true.
"Ate kunin ko mismo sa birthday niya kahit magkano babayaran ko te"
"silly haha kahit huwag na brother in law" nakangising sabi ko.
"ate nililigawan ko palang hehe" sabi niya na nahihiya, nagpaalam na siya dahil may pupuntahan pa siyang magorder ng cake. Ang effort lang nitong lalaking to, saka ko naalala si Jilmar kamusta na kaya siya? I hope he's doing okay.
The day comes at birthday na ni Rina konti lang ang dumalo dahil ayaw niyang maraming tao hindi siya sanay na naeexpose. Natapos ko narin ang dress niya alam ko ang gusto niya kaya agad agad kong nagawa.
"ate tapos na?" pauwi na ako dahil mag uumpisa na ang dinner sa bahay, may mga kaibigan at katrabaho no Daddy ang imbitado.
Tumango ako saka nilabas ang isang maliit na box ako na mismo ang nagwrapped dahil naeexcite ako kung ano magiging reaction niya.
Nauna akong nakarating sa bahay dahil kukuha pa siya ng cake kinasabwat din pala niya ang nga kapatid ko.
"Dad" bati ko and i kiss his cheeks nang makita ko siyang kausap ang kumpare niya sa tabi.
"you're here come let me introduce you" pinakilala niya ako at tinawag pa ang tatlong kapatid ko.
We just ate dinner at nagung masaya iyon pero parang walang mood si Rina pagkatapos magsiuwian ang mga bisita ni Daddy ang tanging naiwan lang ay mga classmate at barakada ni Rina sa UST.
Nagiinuman sila sa baba ng pumunta na akong kwarto, Dad came to company dahil may aayusin lang daw.
Naupo ako sa tabi ng bintana at kita ko ang nasa labas kung saan nandoon sila Rina. Napangiti ako nang makita ko si Kyros na humihinga ng malakas na parang kinakabahan sa labas ng gate.
Tumingin lang ako sa kanila and i saw how Rina happy kaya pumasok na ako sa loob ng banyo.
Kinabukasan nagising lang ako ng maaga dahil ang sama ng panaginip ko, Jilmar has his own Family now and he's very happy.
Napailing nalang ako possible namang mangyari yun eh, pinagtabuyan ko siya noon kaya naghanap na nang iba. Napabuntong hininga ako habang nagaayos papuntang trabaho.
"i want a vacation" sabi ko sa sarili ko saka pumunta sa office ni dad.
"Dad" kumatok ako sa office niya and he opened it habang may hawak na papers.
"Dad i want to go on a vacation kahit 1 week lang" sabi ko kumunot ang noo niya saka umupo sa upuan niya.
"saan ka naman pupunta?" sabi niya sakin.
Napaisip ako sa tinanong niya and something came up in my mind saka ako ngumiti.
"Cagayan Dad"
-----------------
Malapit na matapos guys! Thank you sa sumusuporta!❤ ginagawa ko na po ang next series po!
Hintayin niyo po sa pagpublish ng 2 ng book😘
Also thank you sa nga nagbabasa ant nagfollow po sakin maraming salamat ng marami! Stay safe!❤
YOU ARE READING
Escaping The Reality (Cagayan Series #1) [COMPLETED]
Ficção Adolescente"Layuan mo ako" -Mari Joe Magno