Nagising ako sa lakas ng patugtog ni tristan sa baba.
Binunot ko cellphone ko mula sa pagkaka charge lagi nalang over charged phone ko.
1:34pm na pala. Tanghali nanaman ako nagising pero ayos lang wala namang pasok.
Sa mga nagtataka di naman ako mayaman, sakto lang normal na studyante parehong magulang na may trabaho na may kataasan lang ang sahod. Di lahat ng luho sunod. May bahay na may sari sariling kwarto na di aircon may maid at boy.
Di ako kasing yaman tulad ng iniisip nyo. Sakto lang yung chill na makakasurvive sa araw araw na kaartehan at pangangailangan.
Chineck ko inbox ko.
28 unread msgs.Puro GM.
Si Kimchi at Trixie nagyaya ng stroll naka mention pa ako sa gm nila.Tumawag ako kay trixie.
"Hello 4pm nalang tayo stroll ha? Mainit pa eh" Sabi ko kay trixie
"Okay, sabihin ko kay chi nalang bye"
*Call ended*
Binusy ko muna sarili ko tutal may 2 and a half hour pa ko bago kami mag stroll.
Naisip kong mag gitara muna.
3months na akong walang boyfriend ah? Himala.
Si pol? Ayun crush ko parin. Kaso wala kaming communication ni hindi nga ako kilala nun.
Madami rin namang nanliligaw sakin.
Choosy lang talaga ako. Hahaha!
Hay maka basa nga muna.
After 2 and a half hour.
May bumusina na sa harap namin. Alam kong sila chi at trixie na yon.
Di na ako naligo kahit hapon na. Bakasyon kase. Pake nyo ba? On vacation din yung trip ko sa paliligo.
Nilabas ko yung mio namin.
Nag stroll kami kung saan saan.
Di naman kami takot mahuli kahit minor kame yung daddy kasi ni trix may kakilala na hepe.
Pumunta kami sa Palremah Homes para bumili ng chicken skin sa tindahan na sinasadya talaga namin dun.
Habang kumakain yung dalawa ako nagyoyosi na.
"Be wala naman yung pol eh! Hahaha pinagloloko nyo ko eh" Sabi ko kay trix
"Tanga meron! Classmate ko nga dati yon kulit" Sagot ni trixie sakin
"Huhuhu wala na ang gwapo nya talaga! Please naman sana magkaron ng himala!" Sabi ko ng parang nababaliw.
Tawa ng tawa yung dalawa.
"Oy may liga sila Christian at kapatid mo mamaya ah nuod tayo?" Pagputol ni kimchi sa tawanan namin.
Tumango tango kami ni trixie na parang aso.
"Pag may bola? May lalake!!!" Sabay sabay pa kaming tatlo.
7pm na andito kami sa court.
"Be peram ako motor, may bibilin lang kame sa winniestop wala na kasing gas yung akin" Sabe ni trixie.
Binato ko sa kanya yung susi.
"Oh! Bat pati si chi kasama? Pano ko dito?! Noooo" Sabi ko sa kanila na parang galit na nagpapaawa.
"Dibale may pasalubong kaming dessert sayo" Sabi ni kimchi sakin.
7:30pm na ang tagal nila! Makauwi nga muna sa bahay.
BINABASA MO ANG
Unpredictable
RomanceIt was just a curiosity. It changed me. Alot. Made me different now. A/N: Ang mga pangalan, lugar ay likha lamang ng malikot kong imagination. Hindi perfect tong story na to typo/grammar/spelling errors. Kaya kung perfectionist reader ka. Gomor...