Hi po :) ito po yung first story nung isa sa members ng Star Kiss.. bale, itong story po na ito ay umiikot sa buhay high school.. nabasa na po ng mga bestfriends ko (PAPS) ito, at kinababaliwan na po nila ang mga lalaking characters dito .. hehe ^_^ nakakaadik daw po kasi eh, haha pero kayo na lang po ang humusga, kung tama po ba yung mga sinasabi nila, kung talagang nakakabaliw nga ang stories ko ..
yung Star Kiss po ay isang banda .. kwento po ito ng mga magbabarkada .. na kahit ano mang problema at pagsubok ang dumating, ay sama-sama pa rin, haha
CHARACTERS:
^Austine Shawn Caleb Alvarez- ^Eiddryssia Garcia
^Francis Lanz dela Vega- ^Breis Montecillo
^Kris Ryan Montecillo- ^Marj de Castro
^Enderson James Reyes- ^Forever Alvarez
^Tyrone Fernandez- ^Yesha Rivera
sila po yung mga characters :) .. pero friend din po nila si Migz de Castro at Eia Theresa Reyes ng HonNhie-licious Love Craze .. Si Migz po ay kuya ni Marj de Castro ..
---
PROLOGUE
naranasan mo na bang ma-inlove sa taong kina-iinisan mo?
yung feeling na..
.
.
di mo naman ini-expect....
.
.
basta mo na lang mararamdaman na..
mahal mo na pala siya...??
.
.
ang masaklap pa..
kahit anong pagpipigil ng puso mo na wag syang tuluyang mahalin...
di mo pa rin magawa..
kasi nga...
di mo na kayang mawala siya...
--
hayyy buhay! pag-ibig nga naman! napaka-saklap! </3
pero wag matakot magmahal...
kahit na alam mong masasaktan ka lang..
face the truth na..
lahat ng nagmamahal..
NASASAKTAN...
dahil LOVE without PAIN is only a GAME .. ^_^
---
Chapter 1
Maagang gumising si Eidryssia. Unang araw ng klase. Bagong lipat siya sa Bradsville Academy.. She is a transferee for short. Fourth year na siya ngayon. Ayaw
niyang ma-late sa unang araw ng klase, kaya nagmadali siyang nagtungo sa banyo upang maligo. Nagbibihis na siya nang marinig niya ang tawag ng kanyang ina mula sa kusina.
"Yssia! Bumaba ka na riyan at kakain na.." sigaw ng kanyang mama.
"Opo. Andyan na po. saglit lang!" sagot niya.
Nagmadali siyang bumaba upang makapag-almusal na.
"Good morning ma!" masiglang bati niya sa kanyang mama. "Nasan po si papa?" aniya.
"Nauna na siyang umalis." sagot ng mama niya.
"Ay ganun po ba? Kain na po tayo ma." at saka yumakap sa ina.