"Its good to be back" sabi ko pagkalapag ng chopper at nakababa ako, nakakamiss lang ang lugar na to.
Dumeretso na ako dito sa Valley cove i mean sa malapit sa bahay na pinagdalhan sakin ni Jilmar noon. Andoon pa kaya sila manang? Kitang kita ko ang bahay mula dito.
Gusto kong lumapit pero baka andoon si Jilmar eh bahay pa naman niya iyon baka makasuhan pa ako.
"hija?" napatingin ako sa likod ko nang may tumawag sakin i smiled and its manang she came and hug me.
"kamusta ka na? Ang tagal mong nawala"
"okay lang po ako bumalik lang po ako sa pamilya ko" nakangiti kong sabi, kating kati na akong tanungin kung nasaan si Jilmar but i refuse.
"halika muna sa bahay Hija at nang makapagpahinga ka" inakay niya ako papunta doon, malakas parin si Manang.
Pagkapasok ko walang nagbago sa bahay maaliwalas parin at malinis.
"nung bumalik si Jilmar dito akala ko kasama ka niya pero nagulat ako ay bakit umiiyak?" sabi niya mula sa kusina. Napatitig naman ako sa likod niya, umiiyak? Kailan yun?
"kailan yun manang?"
"hindi ko na maalala eh" sabi niya at umupo ma sa harap ko, habang nagkakape kami ay nagkwekwentuhan kami.
Nang maalala ko gusto kong pumunta sa bahay ni Jilmar kamusta na kaya sila March doon nagtatrabaho?
"Manang pwede bang sumilip sa bahay ni alam mo na" ngumiti siya sakin saka tumango, tumayo na kami then we lock the door.
Nilakad lang namin dahil mahangin naman at sakto lang ang init dahil sunset na, i admire the beauty of the place ni hindi ko napansin na nakarating na kami, but i stop nang malapit na.
Sumilip lang kami at sinamahan naman ako ni manang. Then i saw Jilmar walking out from the house aalis na sana ako pero napako ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang tingin namin.
Nagulat siya pero ngumiti rin ng pilit saka bumalik sa loob ng bahay. Hinabol ko siya wala na akong pakealam basta hinabol ko na siya papunta sa loob.
"Jilmar can we talk?" he looks at the time then nodded may pupuntahan ba siya?
Pinaupo niya ako ang awkward sana di nalang ako suminod but its now or never.
"kamusta ka na?" tanong ko sa kaniya.
"im good" ang tahimik ng paligid nakakaloka.
"how's life?" gusto kong malaman kung may iba na ba.
"its good. You?"
"ah im fine, thank you pala for helping us in our company" ngumiti ako not the fake one.
"welcome. You know i always do the things that can help you"
"a-aah" gusto ko nang magtanong kung meron na ba siyang iba. Kasi ako walang iba siya parin ang mahal ko eh. Kung sasagot siyang may iba aalis na ako at hindi ko na siya guguluhin.
"wala akong iba kung yan ang gusto mong tanungin ikaw parin hanggang ngayon" deretsang sabi niya napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya.
Naiiyak na ako nakangiti lang siya habang papaiyak na ako. Tinakbo ko ang pagitan namin saka siya niyakap habang nakasandal siya sa sofa, hinawakan niya naman ang bewang ko at hinigpitan.
"im sorry dahil tinaboy kita noon" umiiyak na na sabi ko habang nakayakap sa kaniya, he gently brush my hair at inamo niya ako.
"gulong gulo lang ako noon hindi ko sina-" pinutol niya ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"shh i deserve that, kaya lumayo muna ako sa iyo para makapagisip ka. Ang hirap pala kapag malayo ka sa taong mahal mo pero okay na sakin kahit tinitignan kita mula sa malayo"
Umiiyak lang ako habang niyayakap ko sya ng mahigpit at ganun din siya sakin.
"kaya tahan na ikaw parin ang mahal ko hmm?" hindi na ako umiiyak pero nakayakap lang ako sa kaniya, then moments later sa pagod ko siguro nakatulog akong kayakap siya.

YOU ARE READING
Escaping The Reality (Cagayan Series #1) [COMPLETED]
Teen Fiction"Layuan mo ako" -Mari Joe Magno