Chapter 6
Ghost
"Ano ba naman Karsy!" hingal na tanong ko sa kaibigan ko "Ba't ba kasi tayo tumatakbo ha!" reklamo ko pa dito
"Mamaya ko na lang sasabihin sayo! Putcha naman ba't kasi ngayon ko pa" wika nito habang hila hila na naman ako patakbo
Parang walang pakialam si Karsyn sa mga estudyanteng nababangga nya sa loob ng campus.
Nagtatakha ako sa kanya bakit bigla nya na lamang akong hinila patakbo kanina.
Hinihintay ko sya sa parking kanina dahil chinat ako nito na sabay na daw kaming pumasok, nahihiya daw ang gaga na mag isang maglakad sa corridor.
While patiently waiting at the parking lot napansin ko naman ang pagparada ng dalawang Ducati. Lulan nito si Axton at si Keylore na sabay pang naghubad ng kanilang helmet.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at pasimpleng tintignan ang aking cellphone, naiinip na ako dahil ang tagal ni Karsyn
Ilang segundo lamang ay narinig ko na ang malakas nitong boses na tila naka microphone sa lakas ng kaniyang boses, bumalot sa buong Parking ang lakas nito kaya napatingin sina Axton sa gawi ni Karsyn.
"WINOOOWAAAA I MIIISSS YOOOUU" Malakas na sigaw nito habang nakabuka ang kamay na tila handa na ito para yakapin ako.
"Huy, mag hunos dili ka babae" wika ko habang sinuklian ang yakap nya.
"Whatever best friend, let's go" wika nito habang may pa-flip pa ng kanyang buhok
Akmang hahakbang na ito paharap ngunit bigla na lamang itong tumigil at tumingin muli sa akin na nanlalaki ang kanyang mga mata. Animong gulat na gulat ito sa kanyang nakita.
"Bakit?" nagtatakhang wika ko
"OMG!" sambit nito habang nakatakip ang kanyang palad sa kanyang bibig "Best pwede bang lumakad kana, yung mabilis sana. Gusto ko ng makaalis dito" bakas sa boses nya ang pagmamakaawa kaya ginawa ko na lamang.
Matapos kaming makalabas sa parking lot ay hinila ako nito papasok sa loob ng campus at nag umpisa na nga syang magtatakbo.
Nakarating kami sa loob ng Cafeteria kakatakbo. Bumili muna ako ng tubig at naupo na. Napagdesisyunan ko ng magtanong kung bakit ang wirdo ng galawan nya kanina
"Hoy K, bakit ka ba tumakbo bigla ah? Takte ka umagang umaga pinagpapawisan ako" wika ko habang nagpupunas ng pawis
"Putek, nakita ko kasi doon yung nighost ko, nakakahiya" sambit nito habang tinatakpan ang kanyang mukha.
"Ayan, 'di mo kasi panindigan yang kalandian mo. Bagay lang 'yan sayo" nakangising sabi ko
"Palibhasa 'di ka crush ng crush mo" wika nito habang pinaikot ang kanyang mata
"Anyway, chat mo na si Cartero, dito na lang kamo siya dumiretso para sabay sabay na tayong pumasok sa room. Maaga pa naman" sambit ko habang tinitignan ang mga taong pumapasok sa loob ng canteen.
Dumako ang mata ko sa entrace ng Cafeteria, pagtingin ko ay papasok si Kaiden kasama ang iba pa nyang kaibigan.
Para namang nabuhayan ako ng dugo ng magtitigan kami. Ultimate crush ko sya since Junior High kaso, nga-nga. Hanggang do'n lang talaga ako.
Sinundan ko lamang ito ng pasimpleng tingin. Masaya na ako sa pasulyap sulyap, inspirasyon ko lang naman sya sa buhay ko.
"Hoy babaita, kanina pa ako talak ng talak dito, ano tulaley ka Kaiden ? So F.O na tayo ?" OA na wika ni Karsy habang hawak ang kanyang dibdib

BINABASA MO ANG
Our Last Chapter
Action#1 TEEN SERIES Xiahmara Winowa Gutierrez, the only child of Acosta. A normal teenage girl from Pampanga. She used to be with her friends and active in social life. She's good in taekwondo and acads. Kindness is one of her amazing personality. But...