Chapter 39

24 2 0
                                    

Akihiro

"Alexis! Galit ka pa rin ba sa'kin?" napabuntong hininga nalang ako matapos ako nitong talikuran at umalis ng bahay.

Limang araw na ang nakalipas mula nang magkaroon ng event sa Waseda at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinikibo ni Alexis.

Flashback

"Oh my gosh!" sigawan ng mga estudyante pero ni isa sa mga sumigaw ay hindi ko pinansin.

"Ang kapal ng mukha mo!" sa isang iglap ay hinila ni Hana si Alexis at agad na sinampal, "Lahat nalang inaagaw mo! Gusto mo ikaw lagi ang bida! Oh, ito! Gusto mong sumikat 'di ba?"

"Hana!" may diin kong sigaw sa kanya nang muli n'yang sampalin si Alexis.

"Bakit?" natawa ito, "Wala kayong alam gawin kundi ang ipahiya ako, pinahiya mo na ako Akihiro sa tatay ko, pati ba naman dito sa Waseda ipapahiya mo ako?!" nanahimik ang buong paligid matapos nitong isigaw ang huling salita n'ya.

"H-hana, huminahon ka-"

"Hindi! Hindi ako hihinahon, sinong hihinahon sa mga ginawa n'yo?" naglakad ito sa gilid kung asan ang mga emcees at inagaw nito ang mic, "Itong babaeng 'to ay nakatira sa bahay nila Akihiro!"

Nanlaki ang mata ko at agad na napatingin kay Alexis na nakayuko, "Hana!" muli kong sigaw.

"Kasambahay sila ni Akihiro, ang balita ko ay taga-Pilipinas 'tong babaeng 'to at galing sa mahirap na pamilya, bakit nakapasok dito sa Waseda ang isang hampas lupa?! Malamang ay ginayuma ng babaeng ito si Akihiro," akma akong susugod kay Hana pero naramdaman kong umalis si Alexis kaya mas pinili ko nalang itong habulin.

"Alexis!" sigaw ko ngunit hindi ko na ito nakita pa.

Nalaman ni Seiko ang nangyari sa school kahapon dahil kumalat ito sa social media, sa instagram at twitter lang active ang mga tao dito sa Japan kaya doon nila hinanap si Alexis. Nag deactivate s'ya sa lahat ng accounts n'ya at naka-block rin ako sa calls.

Masyado akong nadala ng emosyon ko, sa buong buhay ko ngayon lang ako gumawa ng gantong eksena at, hindi ko pinagsisisihan 'yon.

Kung bakit sa dinami-daming babae dito sa Japan sa Pinay pa ako nagkagusto, o dahil lang talagang may lahing Pinoy din ako at mas gusto ko ang ugali ng Pilipino?

"Akihiro! Anak!" napabangon ako sa boses ni Mama. Marahan akong tumayo at pinagbuksan ito ng pinto.

"Nand-" (Translation: why-)

"Uuwi si Alexis ng Pilipinas!" pagputol ni Mama sa tanong ko, nanlaki ang mata ko at tila nanlamig sa kinatatayuan ko, "Ilang beses ko s'yang pinigilan pero iniyakan n'ya ako, parang takot na takot s'ya anak! Ano bang nangyari sa inyo ni Alexis ha?!" halos pumiyok si Mama sa pagsigaw at pag-iyak n'ya pero hindi ako makapagsalita, parang may bumabara sa lalamunan ko, "Akala ko ba mahal mo si Alexis ha?! Ano pang inaantay mo?!" tanging buntong hininga lang ang naging sagot ko kay Mama. Tinalikuran ko ito at umupo sa study table, "Kahit kailan 'di mo iniisip yung nararamdaman ng tao, kahit kailan makasarili ka at kahit kailan wala kang pake sa mga taong nakapaligid sa'yo!" may diing sambit ni Mama bago nito ibagsak ang pinto.

'Uuwi si Alexis ng Pilipinas!'

'Kahit kailan 'di mo iniisip yung nararamdaman ng tao, kahit kailan makasarili ka at kahit kailan wala kang pake sa mga taong nakapaligid sa'yo!'

"Ate, uuwi ka na ba talaga?" nagtago ako sa lagayan ng libro dito sa sala habang nakikinig sa usapan nila ni Aiyumi.

"Oo,"

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon