Si Magda na ayun sa kanta mababa ang lipad. Ngunit sa kwentong ito ako si Magda na may mataas na lipad. Bata pa lamang ako ng iparamdam sa akin ng mundo ang realidad. Ako ay ulilang lubos. Magisang hinarap ang buhay, ngunit sa tulong ng mga madreng kumupkop sa akin matapos kitilin ng aking sariling Ina ang kanyang buhay dahil sa maagang pagkawala ng aking Ama na dulot ng aksidente. Lumaki akong may takot sa Diyos at madasalin. Matapos ang aking pagtatapos ng kolehiyo agad akong lumisan sa kumbentong kinagisnan. Nakipagsapalaran sa totoong mundo ng maynila. Naging maswerte ang aking paghahanap ng trabaho dahil agad akong natanggap bilang isang sekretarya ng boss ng isang kompanya ng mga cellphone. Sinimulan ko ang mangarap ng mataas sa bago kong mundo. Kayod kalabaw ang aking pagtatrabaho. Ginalingan ko ang pagtatarabaho sa kompanya. Pinakita ko ang ang aking husay sa pinaka magaling na paraan. Hanggang nagbunga ang aking pagsusumikap at pagsisipag. Dumating ang araw ng promosyon. Tumaas ang aking posisyon at nailipat ako sa mas mataas na trabaho, ang maging sekretarya ng mismong may-ari ng kompanya. Ang may-ari ng kompanya ay ulilang lubos katulad ko kaya mas mabilis nagkapalagayan ang aming loob. Tulad ko galing din siya sa hirap at dahil sa pagsusumikap at pagtitiyaga naging isa siyang milyonaryo at nagmamay-ari na ng isa sa kinikilalang tatak ng cellphone sa buong bansa. Naging inspirasyon ko din siya sa buhay na aking tinatahak. Lumipas ang mga taon ng aking pagtatrabaho sa kompanya. Sa kabila ng lahat hindi ko na namamalayang malayo na pala ako sa buhay na aking pinanggalingan. Mataas na ako. May sariling bahay, sasakyan at may sarilng ipon sa bangko. Sobra ang pagpapasalamat ko sa aking sarili dahil sa mga pagtitiis na aking ginawa. Sinubukan kong dagdagan ang aking trabaho, bukod sa pagiging sekretarya sinubukan kong magtayo ng isang maliit na negosyo upang mas mapalago ko pa ang aking ipong pera. Naghanap ako ng mga tatao sa aking tinayong negosyo. Sa umpisang taon nakabawi agad sa puhunan na aking inilaan, at sa mga dumaan pang mga taon nagpatuloy ang paglago nito. Lalo kong naramdaman ang tagumpay ng buhay. Mas lumaki ang aking sariling bahay. Naging dalawa ang aking sasakyan at halos nalibot ko na sa pamamasyal ang buong pilipnas. At napuntahan ko na din ang iba pang parte ng mundo. Sobrang malayo na ako sa Magda noon. Malayo na ang narating ko. Ngunit isang pagyayari ang sisira ng lahat ng pinaghirapan ko sa mahabang panahon. Nadiagnos na ako ay may tumor sa utak. Nagsimula ito sa pagsakit ng aking ulo binalewala ko lamang dahil sa akalang wala lamang ito. Naging mabilis ang pagkalat ng sakit ko sa aking buong katawan. Mabilis humina ang aking resistensya. Napilitan akong bitawan ang aking trabaho. Dahil dito naipagbili ko ang aking isang sasakyan upang matustusan ang aking gamutan. Dahil sa aking karamdaman napabayaan ko na aking negosyo. Marami ng tauhan ko ang umalis at humanap ng bagong trabaho. Hindi ko sila masisisi dahil kailangan nilang kumita ng maayos para sa kani-kanilang pamilya. Tanging ang matandang katulong ko na lamang ang natitira sa akin. Isang gabi sa ospital lumabas ako ng aking kwarto at napagawi sa bandang kanan. Sa lugar na maraming upuan at ang tanging liwanag lamang ay nasa harapan na kung tawagin ay altar, may nakasabit na krus na nakapako ang Diyos. Tahimik akong pumasok at umupo sa may gawing harapan. Biglang bumuhos ang aking mga luha. Bigla akong sinampal ng aking mga pagkukulang sa kanya, ang aking mga pagkakamali sa kanya. Nanghina ako at nagsisisi. Sa loob ng maraming taong lumipas nakalimutan ko siya. Nakalimutan ko ang mundong bumuhay sa akin ang mga taog nasa likod na tagumpay na narating ko. Nakalimutan ko ang magpasalamat sa Diyos. Na siya ang dahilan ng lahat ng ito. Ang nagbigay ng buhay sa akin. Lumuhod ako at nagmakaawang patawarin ako sa aking mga pagkakasala. Binulag ako ng makataong mundo. Ang mundo na ang kayamanan ang iniikutan. Binulag ako ng pangarap kong dadalhin ako sa ginhawa na nais kong maranasan. Matapos ang gabing iyon Nangako ako sa Diyos na babalik ako. At kinaumagahan kinausap ko ang dati kong kasamahan sa kompanya kung maari niya ba akong ihatid sa kumbento na aking pinanggalingan. Inutusan ko din siyang ipagbili ang lahat ng aking ari-arian at dadalhin ko ang pera sa mga taong pinanggalingan ko. Araw ng linggo kami nakarating sa kumbento, ibang iba na ang lugar na aking kinamulatan. Mukha na itong napaglipasan ng taon. Luma at halatang wala ng pagaalaga. Tinanong ko agad ang nangangalaga neto, “Asan po si Sister Tina?” Sagot neto marahil anak ikaw si Magda. Halika’t pumasok ka. Ikinuwento sa akin ng matandang nangangalaga ang nangyari sa kumbento. Halos 5 taon na ang nakaraan ang pagkamatay ng madreng nagalaga sa akin. Tanging luha ang aking naisagot na punong puno na paghingi ng tawad. May iniabot sa aking sulat ang matanda mula daw ito kay Sister Tina dahil alam daw neto na ako ay babalik. “Magda anak, mahal tayong lahat ng Diyos. Labis akong nalungkot sa iyong paglisan ngunit alam kong karapatan mo ito sapagkat may sarili kang buhay. Ilang taon akong nagantay sa iyong pagbabalik. Paumanhin hindi na kita maaantay anak. Paalam sa iyo Magda. Nawa’y sa iyong pagbabalik alagaan mo ang lugar kung saan ka lumaki at nabuhay.” –Sister Tina. Nabalot ang lugar ng lungkot at tunog na mula sa aking pagluha. Labis labis ang aking pagsisisi sa pagtalikod sa mundong bumuhay sa akin. Ngunit pagsisihan ko man ang lahat hindi na maibabalik ang buhay ni Sister Tina. Kailangan kong bumawi, kailangan kong ibalik ang lahat sa Diyos. Alam kong nangyari ang lahat ng ito hindi upang sisihin ako sa pagkukulang ko o iparamdam sa akin ang aking mga pagkakamali. Alam kong may magandang dahilan ang Panginoon.
BINABASA MO ANG
Magdalena Siya ay Hindi Sawing Palad
Short StoryFlash Fictional :) My first ever short story. Hope you guys like it. and Learn from this :))