"Shaila" napatingin ako kay miss Kath dahil sa pagtawag niya sakin. Nandito ako ngayon sa ShowBT dahil bibisitahin ko si Justin.
Ngayon kasi ang last day nila dito dahil napag-usapan na nilang nila na mag disband. At sa susunod na linggo gaganapin ang last concert nila sa Philippine Arena.
"Bakit po?" Tanong ko. Tumingin siya sa paligid. Nang makita na walang tao ay lumapit siya sakin ng konti.
"Nasabi na ba ni Justin ang tungkol sa offer ng management ni Carlene?" Tanong niya.
"Opo, pag-iisipan pa daw niya." I answered. Bumuntong hininga siya saka ngumiti sakin.
"Shaila, convinced him to accept this. Ayaw kong maging hadlang sa balak niyong magpakasal pero Shaila if you love him, huwag mong hahayaan na i-give up yung matagal na niyang pangarap." She said.
"Ano po ang gusto niyong gawin ko?" I asked. Kinakabahan ako sa kung ano man ang sasabihin niya.
Ayaw ko yung idea na nandito sa isip ko. "Hiwalayan mo si Justin. Kung sakali man na magbago ang isip niya at tanggapin ang alok ng management sa kanya." Sagot niya. Tinignan ko siya ng blangko.
"I don't think he want that idea." Sagot ko at nilampasan siya.
Where the hell she get the guts to tell me that shit?
Napabuntong hininga ako at napaupo sa mga bench na nandito sa hallway.
Pero kasi, paano kung hindi niya tanggapin yun just because of me? Ayaw ko naman na i-give up niya yung pangarap niya dahil sakin.
Wala pa ako sa buhay niya nandun na yung pangarap niya yun. "Shai!" Napabalik ako sa reyalidad dahil sa pagtawag niya sakin.
Hindi ko namalayan na nandito na siya sa harap ko. Ngumiti ako sa kanya ng tipid. "Okay ka lang?" Tanong niya.
"Oo naman, t-tara na." Sagot ko at pinilit na magmukhang okay.
"Shai," hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon. "May problema ka, ano yun?" Patuloy niya. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.
"Sa condo ko nalang sasabihin, tara na." Sabi ko at nauna nang maglakad.
---
"Shai, ano ba kasi yun? Kinakabahan naman ako sa mga kinikilos mo ngayon." Sabi nito pagkarating namin sa condo unit ko.
"Hindi mo ba talaga tatanggapin yung offer nila sayo?" Tanong ko. Umupo siya sa gilid ng kama ko at bumuntong hininga.
"Shai, sinabi ko na sayo, ayaw kong tanggapin." May konting inis na sa tono ng boses niya.
"Pero bakit?" Tanong ko ulit.
"Dahil gusto ko na ng tahimik na buhay kasama ka, dahil gusto kong bumuo ng simpleng pamilya." Sagot niya.
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at lumapit sakin.
Unti-unti niyang inilapit ang mga labi niya sa mga labi ko. Hindi ako gumalaw. Hindi ako tumutol sa ginawa niya.
Gusto ko din namang magkaroon ng pamilya na kasama siya. Pero paano naman yung mga pangarap niya?
"Mahal na mahal kita, Shaila. Kaya kong isakripisyo ang lahat para sa'yo." Sabi nito sa pagitan ng mga halik namin.
Hanggang sa hindi ko namalayan na lumalim na ang mga halik namin. Marahan niya akong binuhat papunta sa kama at inihiga doon nang hindi pinuputol ang halik.
The next thing I knew. We did that thing with love.
Handa din akong isakripisyo ang lahat para sa'yo Jah, kahit masakit para sakin na iwan ka. Tama si Miss Kath, mahal kita kaya gagawin ko yung alam kong tama.
---
Kinabukasan, maaga akong nagising. Pinagmasdan ko si Justin na nakahiga sa tabi ko.
Pinunasan ko yung luha na pumatak sa mga mata ko.
Ito na yung huling beses na matititigan ang mukha niya.
I made my decision.
Alam kong hanggang nandito ako, hanggang kasama niya ako, hindi niya tatanggapin yung offer nila sa kanya na project. Kaya naisip ko na ako na lang ang lalayo sa kanya.
Masakit, pero ito nalang yung alam kong tama para sundin niya yung pangarap niya.
Tumayo na ako at kumuha ng papel sa bag ko at nagsulat doon.
Justin,
Sa oras na binabasa mo 'to wala na ako. I'm sorry. Sorry kung gagawin ko 'to. Mahal na mahal kita Justin, maniwala ka man sa hindi. Kung kaya mong magsakripisyo para sakin, kaya ko din mag sakripisyo para sa'yo.
Tanggapin mo yung offer nila. Alam kong matagal mong pinangarap yun. Huwag mo na akong isipin. Kaya ko na ang sarili ko, malakas ata 'to. Hindi mo man ako kasama, I will always support you.
Sa malayo, naroon si Shaila para suportahan ka.
Hindi na ako aasa na ako parin ang pangarap mong makasama na bumuo ng pamilya matapos 'tong ginawa ko. Okay lang, Jah. Okay lang sakin na magkagusto ka sa iba, wala naman na ako sa mga oras na yun.
Kahit anong mangyari, kahit na magalit ka sa akin. Kahit na hindi mo ako mapapatawad, hindi magbabago yung pagmamahal ko sa'yo.
Ang tagal mong isinakripisyo ang lahat para sakin noon, and really really appreciated all your efforts. I really appreciated the love that you gave to me.
Ito na yung tamang oras para ako naman ang magsakripisyo para sa'yo.
Magiging masaya ako kapag maaabot mo yung mga pangarap mo, kahit hindi na ako ang kasama mo sa pag-abot 'nun.
Mahal kita Jah pero hanggang dito nalang siguro ito. Paalam.
- Shaila
Pinunasan ko ang luha ko bago ko tanggalin yung singsing na bigay ni Justin. Nanginginig ko itong ipinatong sa papel na naglalaman ng huling mensahe ko sa kanya.
Tumayo na ako at kinuha yung maleta na naglalaman ng mga gamit ko. Nag empake ako kagabi nung natutulog na siya.
"What?! Shaila, are you sure about that? Shaila alam mo naman siguro kung ano ang kayang gawin ni Justin. I'm sure susundan ka niya." Bulyaw sakin ni Star. Tinawagan ko siya kanina habang nagda-drive papuntang airport. Nag booked din ako ng flight kagabi papuntang Paris. Nandoon ngayon sila mama at papa for their business.
"Star please, huwag mong sasabihin sa kanya kung saan ako pupunta. Kayo na bahala sa kanya, Star. Mahal na mahal ko siya." Sagot ko bago ko patayin yung tawag. Hindi na siya hinintay na sumagot pa.
To be continued...
Naiiyak ako gagi.
So ayun maga-update ako kung maganda gising ko hahaha. Huwag kayo mag-alala madami na akong draft HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
SB19 jdd | Because of You 2✔
Fanfiction[COMPLETED] "Sinabi ko sa'yo noon ang pangarap ko, Shaila. Ang magkaroon ng simpleng pamilya na kasama ka. Pero ikaw mismo ang sumira sa pangarap ko na iyon noong iniwan mo ako." - Justin --- Cover by: @ichiro_