INSOMIA--POV's By:aka_ premium cracker
"Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa taas at minsan naman nasa ibaba."
Ang kasabihang pauili-ulit na tumatatak sa aking isipan. Hindi ko maintindihan kung bakit sa lagay'ng kong ito eh hindi ko naapreciate ang katagang ito. Siguro, kasi mula bata pa ako ang pamilya namin ay puno na ng problema. Hindi lang naman kami ang tao dito sa mundo ah, bakit parang kami lang ata ang suki nitong si PAPA "P" as in problems. Kulang na nga lang eh bigyan na kami ng Suki Card na may lamang isang milyong puntos , at nang sana ay makapag diskwento sa susunod na problemang mapupurchase namin nang wala sa oras.
Kung ako lang talaga ang papipiliin, mas okay na siguro sa akin na walang diskwento basta ba naman eh makakapili ako ng husto, yung talagang gusto ko. Eh kaso, wala eh. I have no choice but to face the reality. Ika nga eh, ACCEPTANCE is the best way to live life Happy. Agree naman sana ako sa Acceptance2x na yan eh. Ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit hindi kami nakakaranas ng tunay na Happiness. Sana pala naging Coke na lang kami, para maka.experience ng Happiness, hahahaha. Ang kaso, hindi eh. Tao rin kaming nasasaktan sa mga pangyayaring nagaganap sa amin.hindi nga lang siguro halata kasi parati lang naman kaming nakangiti at genuine pa.
Mababaw lang naman kasi ang aming kaligayahan. Bakit ba kasi may mga taong gusting-gustong pabagsakin ang pamilya namin. Hindi ko sila naiintindihan, eh mahirap lang naman kami. Oo, malaki ang bahay namin, pero Jusko naman! since elementary, ganun at ganun pa rin ang mukha nito. College na nga ako ngayon, at yun na yun pa rin. Ano ba ang nakita nila at pilit pa kaming pinapasubsob sa putikan gayung nasa putikan na kami since birth.
Ika nga we live life at its simpliest form. As in! super-duper SIMPLE. Hindi porke't ang ama't ina namin ay nagtatrabaho sa gobyerno eh nakakaluwag na kami. Iyan ang napakalaking pagkakamali ng karamihan sa atin eh. They tend to judge people without knowing the story behind. Anong Saveeh ? hahaha. Ahm. Siguro sa iba, pero in our case it's not. Coz we don't have anything but only our house and the land na kinatatayuan nito at ang aming utak. Ang sahod nila ay sapat lang sana sa pang-araw2x na gastusin kung hindi kami papasok sa pag-aaral. Kaso, Pilipino din kami kung saan itinuturing ang edukasyon na isang napakahalagang Kayamanan na maipapamana higit anu pa man. Kaya eto kami ngayon, nag-aaral ng mabuti para kung palarin ay maahon sa kahirapan ang pamilyang nakagisnan ay puro paghihirap. Take note iskolar ako. Kundi dahil sa Lolo't uncle ko hindi ako makakagrab ng scholarship. Malaking tulong din naman siguro yung grade ko ano. Hindi naman basta2x kumukuha ng iskolars pag di masyadong alam mo na. hehehehe. Peace po. Credit to them.
May nakatapos na sana kaming kapatid ngunit maaga namang nag-asawa. Kahit may pamilya na,eh hingi parin ng hingi, 'di na nahiya. Mula't sapul siya ang nagbibigay ng pasakit kina mamang and papang. Isa pa sya sa mga hindi ko naiintindihan, maayos naman ang pagpalaki ng parents namin sa kanya, bakit siya lumiko? Tapos, may paselos-selos epek pa, if kami lang ng kapatid ko ang binibigyan ng pera, pambayad na nga lang sa tuition..! Buti nga sya may diploma na. Eh kami wala pa. So, ano karapatan niyang magalit?! Isang taon kaya kaming nagparaya ng kapatid kong mag-stop muna para lang sa kanya. Tapos ngayon, kung makaasta wagas! Wla ba syang konsensya. Hindi na sya naaawa sa mga magulang namin. Tsk. Tsk. Tsk. Wala na ngang nabibili yan para sa kanilang mga sarili. Dahil lahat ng pera nila ay napupunta sa lahat sa mga utang, school at allowance. Mga Huwarang magulang talaga.
Minsan nga nakatulala lang ako sa lalim ng iniisip ko. Pa'nu ba naman, iniisip ko kung papano ko maiibsan ang mga paghihirap na tinatamasa namin ngayon. Siguro nga I'm paranoid na. But I can't help it to think and think and rethink, baka kasi may malakas na "ting" ang tutunog na syang hudyat na makakaahon na kami. Kaya siguro may insomnia ako. hehehehe. Alam ko naman na hindi sapat ang mag-isip lang ng mag-isip. I need to make an action. I mean, to act for what I am thinking is what I need to do. Ang problema lang, ang mga naiisip ko'y talagang napakaimposible. Eh papano, naapektuhan na ang iniisip ko sa mga librong nababasa ko na may happy endings at may mga supernatural powers. Lahat naman ata ng istoya with or without powers ay may happy endings kasi naman winawakasan na agad story pag okay na ang lahat. At yan ang tinatawag na Denouement. Oh huh'! may naalala pa ako sa literature namin.