Naluluha ang magaganda kong mga mata habang nakarap sa pinagtagpitagping lona na bahay namin, ngayong araw na kami pupunta ng probinsya upang lumipat doon, Dinimolish kami ng gobyerno dahil lalawakan ang kalsada, para magawa ito kailangan kaming paalisin pero kahit ganoon hindj kami pinabayaan ng gobyerno at itinapon na lang.Binigyan parin nila kami ng matitirhan doon sa probinsya na kung saan hindi namin alam kung paano kami magsisimula, iba ang hanap buhay ng mga tao doon kumpara sa manila, kaya nga ang mga taga probinsya ay pumupunta pa ng manila para gumanda ang buhay, dahil sa pagkakaalam ko mahirap kumita doon.
Isa din sa rason kung bakit pumayag kaming mga squater na mailipat sa probinsya ay gusto nilang maranasan ang magkaroon ng magandang bahay yung bahay na materyales ay bato at bakal na kahit anong bagyo hindi magigiba, hindi kasi katulad ng mga bahay namin dito na isang hangin lang tumba na masandalan mo lang tatagos ka na, may instant super power ka tuloy.
"Chaks! Tama na pag dadrama jan! Panget mo kasi kapag nakatulala at naiiyak." Nawala ang pagdadrama ko ng mag salita ang Kapwa ko squater at kaibigan ko na rin na si Andang.
"Hindi ko lang maiwasan magdrama Chaks! kasi dito na tayo lumaki eh, dito na tayo nagka boobs." Aniya ko.
Sa lugar na ito na tinatawag na squater area ay nagkamulat kami, dito na ako nabuo at nagka boobs.
Tanda ko pa noon noong kwenento ni Inay saakin noong ginagawa nila ako ni itay, bumabagyo daw noon tas ang lamig daw, sa sobrang lamig daw noon dahil sa ulan nangalabit si itay kay inay, tas habang nag jerjeran sila hinangin ng malakas yung lona na bahay namin, ayon napalive show sila inay at itay sa gilid ng kalsada.
"Pilersss ka chaks! Wala kang boobs, ako lang nagkaboobs sa ating dalawa" kahit kailan talaga tung kaibigan ko na ito wala man lang support.
Si Andang kababata ko ang Chaka na ito, sperm palang ata kami friends na kami, ewan ko kung paano ko nasabi yun, ramdam ko lang.
Si andang ang kasama ko sa lahat katulad ng paghagis ng nakaplastic kong tae sa kabilang pader, uso dito sa amin kapag barado ang Kubeta na pinag dudumihan namin, magpaflying Soser kami. Doon kami tatae sa plastic tapos ihahagis na lang namin kaya tinawag yun na flying soser.
"Edi ikaw na may boobs, Gaga ka hanggang ngayon hindi mo padin sinasabi sa akin kung paano maachieved ang ganyang kalaking Dyoga" naiingit kasi ako sa boobs ni andang, ewan ko ba kung anong ginawa ng gaga na ito kung bakit lumaki ng ganyan ang boobs niya, siguro pinabombahan niya doon sa talyer, may jowa kasi siya doon yung nagka-Car wash don.
"Ara tyaka ko na sayo ituturo kapag may Jowa ka na din, yun kasi yung unang step para maachieved yung ganitong dyoga" gumalaw galaw si andang upang ipangalandakan sa akin kung gaano kalaki ang dyoga niya.
"Pano ako magkakajowa kung wala akong boobs?, sa panahon ngayon Chaks boobs na ang sukatan at tinitignan noh" Wika ko sa nadidismayang tinig.
"Sabagay Chaks may point ka, mga maliligaw ko kasi sa boobs ka lagi nakatingin, kulang nalang ipatong ko na yung boobs ko sa ulo ko para hindi na sila mahirapan tumingin." Sabi ni andang.
Nako nako..... Boobs na talaga ang basehan, pagmaliit ang boobs ipagpapalit kung magpalagay kaya ako ng walong boobs para hindi ako iwan ng magiging jowa ko para hindi na siya maghanap ng iba.
"Hey beybi!" Nagulantang ako ng sumulpot ang bungal at payatot na si bogart sa harap ko.
Isa pa to kaya gusto ko na umalis sa Squater area eh, umay na umay na ko sa itsura ni bogart, kung hindi ko lang ito kinakapatid ginilitan ko na to ng leeg.
"Beybi ka jan? Sa ating dalawa ikaw lang ang beybi" Irita kong sabi kay bogart na nagningning ang mata sa sinabi ko.
"Tulugu?" Parang timang niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Squaterella
RomanceArabelle Landipa is a Squater girl, pangarap niyang makatira sa bahay na gawa sa bato, kaya ng nadimolish ang bahay nilang pinagtagpi tagpi na lona sa tabi ng kalsada, sobra siyang natuwa, ipinangako kasi sa kanila ng gobyerno na pagkakalooban sila...