Kabanata 2: Goodnight

8 0 0
                                    

Sinubukang pigilan ni Ace ang lalakeng hindi ko alam kung saan galing kasi halata namang nagagalit ito sa kanya. Napasama na din ako sa eksena kasi masama din ang tingin nito sa akin. Teka nga lang naman kuya.

ACE:
"Not here. And it's not what you're thinking okay?"

Sasagot na sana ako para naman mahimasmasan ang kausap ni Ace pero nagpaalam nalang ito sa akin ng tuluyan. Feeling ko jowa 'yun ni Ace at napagkamalan tuloy kaming nagdi-date. Pero ganun agad? Hindi ba pwedeng tanungin muna kesa mag-react ng ganun? Ang hina naman ng trust nila sa isa't isa.

Haaaay! Bago ko pa makalimutan, mag-gogrocery pa nga pala ako para sa bahay. I'm an only child just so you know. Si mama ay isang school teacher na kung saan nag-aral ako ng elementary ko. Si papa naman, iniwan na kami bata palang ako at may ibang pamilya na. Wala na kaming balita simula ng umalis siya. Yung kasama namin ng mama sa bahay ay si Miko, ang kababata ko at pinsan ko sa side ni mama. Si mama na nagpa-aral sa kanya kaya sa amin na din siya lumaki kasi namatay si tita sa isang aksidente.

Medyo mahaba haba din ang pila kaya medyo isang oras din akong natapos sa pamimili ko. Pumunta na ako ng parking lot patungo sa aking sasakyan ng bigla kung nakita ang eskandalosong lalake kanina sa cafe. At ang nakakagulat pa nito ay may kahalikan itong ibang lalake.

Alam ba to ni Ace? Okay ba sila or magka-away pa rin? Teka bakit ba ako may pake sa kanila eh problema nila yun. Pero kawawang Ace kung ganun man.

Pagdating ko ng bahay ay agad na sumalubong at kinuha ni Miko ang mga dala ko.

GINO:
"Si mama?"

MIKO:
"Nagluluto ng hapunan insan"

MAMA:
"Oh anak ba't ngayon ka lang?"

GINO:
"Medyo mahaba lang kasi ang pila ma sa grocery. Kamusta po araw niyo?"

MAMA:
"Okay naman 'nak. Ikaw yata ang tatanungin ko kasi parang pagod na pagod ka ah"

GINO:
"Kaya nga ma eh. Sa biyahe lang to siguro. Pero dahil ang paborito kong pochero ang niluluto mo mapapasabak ako nito"

MAMA:
"Hahaha. Oh siya, magpalit ka nalang muna at ipapatawag nalang kita pag ready na"

GINO:
"Haaay naku ma the best ka talaga"

At binigyan ko si mama ng napakahigpit na yakap. I'm open nga pala kay mama pati na sa pinsan ko. Bandang college ko kasi naconfirm sa sarili ko na binabae ako. And I'm so lucky kasi napaka understanding ng mama ko. Sinusuportahan niya ako sa kahit anong ginagawa ko.

Nagpalit ako ng pambahay at chineck ko ang phone ko. May isang message kay Sandy, kaibigan namin at kasama sa work na siya namang in charge sa video. Meron kaming raket at need ko makipag meet up sa client bukas ng lunch time.

Pag sinuswerte ka nga naman. Hihiga na sana ako ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Laking gulat ko pa na si Ace ang tumatawag.

GINO:
"Ace?"

ACE:
"Hello. Sorry nakaabala ba ako?"

GINO:
"Hindi naman. Ba't napatawag ka?"

ACE:
"I just wanna say sorry sa nangyari kanina. Sorry if iniwan nalang kita"

GINO:
"Wala 'yun. Mukhang kailangan ka ng kasama mo kanina"

ACE:
"Yeah. Can I make it up to you instead? Maybe tomorrow? Lunch?"

GINO:
"Naku di naman kailangan. Okay lang yun. Tsaka may ka meet ako bukas na client namin"

ACE:
"After ng meeting pwede ka na ba?"

GINO:
"Oy Ace, seryoso di na kailangan. Tsaka wala ka naman kasalanan. Okay lang talaga"

ACE:
"Okay. Pero pag nagbago isip mo i-chat mo lang ako"

At natapos din ang tawag niya. Nakikipag-flirt ba 'yon or sadyang ganun lang siya mag-sorry? Kung pinilit pa niya ako baka pumayag na ako. Hahaha. Pero hindi na. Baka mamaya sumugod na naman ang jowa nun at baka ano pa gawin sakin.

Matapos naming maghapun ay nagkwentuhan pa kaming tatlo hanggang sa nauna na akong matulog kasi nga may meeting pa ako bukas.

MIKO:
"Nga pala insan, sorry kung biglaan ha pero pwede bang sumabay sayo bukas kasi may event kami"

GINO:
"Naku, may ka meetup ako bukas. Anong oras ba event mo?"

MIKO:
"Lunch time hanggang gabi"

GINO:
"Pareho pa pala tayo ng schedule. Pero sige na ikaw na gumamit ng sasakyan. Magtataxi nalang ako"

MIKO:
"Sure ka insan?"

GINO:
"Ikaw tong may event hanggang gabi kaya okay lang. Heto ang susi. Mag-ingat ha"

MIKO:
"Thank you insan ah. Oo naman"

GINO:
"Sige mauna na ako. Mama, goodnight po. Matulog na din kayo ha. I love you ma. Insan drive safely ha"

Bago ako matulog ay hindi ko alam ba't sinearch ko social media account ni Ace. Bakit ba eh sa curious lang ako eh. Wala naman sigurong masama. Nakita ko agad instagram niya at mabuti nalang at naka public.

Habang nagsscroll ako ay nakita ko na madami yatang may gusto sa kanya. May mga friendship kunwari pero obvious naman na iba ang gusto. Hmmmp.

Sa kakascroll ko ay napindot ko yata ang follow button ng hindi ko alam kasi bigla nalang siya nag message sa akin.

ACE:
"Thanks for the follow. Is that a "yes" already after ng meeting mo bukas?"

Nakakahiya man pero ang pangit naman pag i-unfollow ko pa. So papanindigan ko nalang to.

GINO:
"Naku mag tataxi lang ako bukas kasi hihiramin ng pinsan ko ang sasakyan"

ACE:
"Sakto. I can pick you up and then kain tayo after"

GINO:
"Desidido ka talaga no? Oh sige matatapos meeting ko siguro mga 2pm. Puntahan mo ko sa Little Monster Cafe"

ACE:
"O sige. Copy that. I'll see you tomorrow"

GINO:
"Yeah. See you"

ACE:
"Good night Gino"

GINO:
"Good night Ace"

I really don't know kung ano motibo niya sa pagyaya niyang kumain sa labas. Pero baka nga pambawi lang talaga at ako lang naglalagay ng malisya. Anyway I have to sleep na. Maaga pa ako bukas sa date, I mean sa meeting ko. 😀

Let's fall in love tonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon