Dumaan muna kami sa locker room para kunin ang mga cellphone namin. Nauna akong pumasok at sinabihan ako ni Pam na nakita daw n'ya yung crush kong si Remus. Ang astig cute daw. Ako naman sumilip sa labas para tignan at sa kabutihang palad ay saktong papalapit naman s'ya sa locker room kaya kitang kita n'ya ako na nakadungaw sa pintuan at sinisilip s'ya. Nahiya ako kaya pumasok ako ulit agad sa locker room. Natawa naman ako nung nakita ko s'yang sumilip sa locker room na parang may hinahanap kasi nagtatago ako. Tagu-taguan maliwanag ang... ilaw hehe. Akala ko nakaligtas na ako kaso nung pagsakay ko ng elevator kasunod s'ya at ayun awkward moment. Errr.
"Hi Zai. Looking for me?"
"Uh.. no."
"Weh? really?" He said with a really mocking smile.
"No comment." I said while trying to escape his gaze.
"Ah.. So you were looking for me. Hey, how about we have lunch together?"
"Sorry may mga kasama ako, right Pam and Eli?"
"Do we know you?" sabi ni Eli t Pam with a nasty grin in their face and I even caught Remus shooting them a wink. Lagot sila sa'kin at babawi ako. Hmpf!
"Don't worry. It's my treat. Think of it as a friendly date."
Yeah right. ang mahiwagang friend zone. Eh di ayun nga kumain kaming dalawa sa labas and I never would have thought I'd be having such a good time. I was right and he really is a nice guy. Yung tipong maginoo pero medyo bastos type haha. Not bastos in an offensive way but in a witty and handsome way. Di ko alam kung papaano ipapaliwanag. Basta astig s'ya hehe. As I got back to my post I still had a goofy smile on my face na ipinagtaka nila Eli.
"OMG did you kiss?" tanong ni Eli.
"Baliw. Kiss agad agad? Nag ano lang kami..."
"OMG nag anuhan kayo?" tanong ni Pam.
"Nagkwentuhan mga sira!"
"Ahh akala ko nag ano kayo e..." bitin ni Eli.
"Nag ano?" tanong ko.
"Nagkainan!" sabat ni Pam.Laughtrip na naman.
At the back of my head I can hear Rob saying that I'm a hainanese rice with all the green stuff. Get out of my mind Rob!
BINABASA MO ANG
Pating sa Berdeng Kanin
CasualeAng kwentong ito ay kathang isip lamang bunga ng imahinasyon at pantasya ng may akda. anumang pagkakahalintulad sa tunay na buhay ay pawang nagkataon lamang. salamat B-)