Ikalabing Walong Subo

5 0 0
                                    

3:00am tumunog ang alarm.Bangon,click, pinatay ang alarm. tulog ulit.

4:00am tumunog ulit yung alarm. Kinapa ang cellphone, click, patay ulit ang alarm. back to sleep.

5:30am nagising na ako. kurap kurap. kusot ng mga mata. tingin sa oras. kurap kurap.

Napabalikwas ako at nagkakandarapang magbihis dahil 6:00am ang pasok ko. Wala  nang ligo ligo pa takbo na agad paalis kasi 30 to 45 minutes ang minimum travel time ko kung hindi matraffic kaso sa kasamaang palad e natyempuhan ako na may road construction kaya ayun late ako ng 30 minutes. Pinagtitinginan  tuloy ako pagdating ko. Sanay  na naman sila na late ako bakit nakatitig sila sa'kin?  Bigla na lang  nagtawanan lahat ng nasa cube namin. Maay kumalabit sa akin at paglingon ko bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Rob. Sa gulat ko napanganga lang ako.

"Ang gulo ng buhok mo. May bed marks yung mukha mo. May panis na laway ka pa sa  bibig. Tinatawagan kita kanina para gisingin ka pero nireject molang yung tawag ko. lagi mo na lang ako nirereject. Pasaway ka pa rin talaga."

Pinunasan n'ya ng panyo n'ya yung panis na laway ko saka ko lang naitikom yung  bibig ko at muntik pa tumulo laway ko. May  inilapag s'yang J.co  donut at coffee sa desk ko.

"Malamang hindika pa nag aalmusal. Kainin mo yan. Magkita tayo mamayang  aftershift sa parking lot."

Umalis na s'ya na hindi man lang ako nakapagsalita. pagtingin ko sa paligid pinagtatawanan na naman nila ako.Ampode pati yung T.L.namin imbis na magalit dahil late ako pinagtatawanan din ako. Lumapit si Pam sa akin at nag abot ng salamin sa akin habang nagpipigil ng tawa. Shit! mukha nga akong zombie na bagong gising. Mahirap idescribe basta ang pangit ko nung time na yun kaya sobrang nakakahiya. Pero imbis na mahiya tumawa pa ako nilapitan yung pagkain sa desk ko. Sunindot sundot ko yung  donut para tignan kung totoo nga. Natawa ulit ako. Shit totoo nga akala ko nananaginip ako kasi si Rob ang nagbigay. Pinadeliver n'ya galing Cebu?  Nagpunta  ako sa post n'ya at  tinitigan s'ya habang nagtatrabaho. Di pa ko nakuntento nilapitan ko s'ya at sinundot sundot yung mukha n'ya  tulad ng ginawa ko dun sa donut. Di n'ya ko pinapansin.  Tumigil lang s'ya sa pagtatype nung kinurot ko yung pisngi nya. Tumingin s'ya sa'kin at  hinila n'ya ako at niyakap. bumilis yung tibok ng puso ko sa ginawa n'ya at lalo na sa sumunod n'yang sinabi.

"Namiss kita Zai. Bumalik ka na sa desk mo at magtrabaho. Kapag nagtagal ka pa dito baka hindi na kita bitawan." Lumuwag ang kapit n'ya at bumalik na s'ya sa pagtatrabaho. Umalis ako sa tabi n'ya na nalilto.

Gutom lang siguro to. Pagkaupo ko ay kinain ko ng dalawang kagatan lang yung donut. Napangiti nalang ako bigla  at nababaliw na siguro ako. Nagtataka na yung mgakasama ko kung bakit ako tumatawa mag-isa. Ako rin gusto ko pagtawanan yung sarili ko sa reaksyon ko. Akala ko wala lang. Akala ko hindi na s'ya babalik. Akala ko okay lang kahit hindi ko na s'ya makita pa kahit kailan. Mali talaga ang akala. Nung nakita ko s'ya doon ko lang narealize kung gaano ko s'ya namiss at kung bakit palaging pakiramdam ko may kulang. Nararamdaman ko lang ito usually kapag in love ako. At napanganga naman ako bigla. Kailangan ko s'yang iwasan. Baliw na ako pero mas mababaliw pa ako kung sa kabila ng pinaparamdam n'yang special sa'kin, hindi pa rin ako ang pipiliin n'ya kundi yung girlfriend n'ya.

Pating sa Berdeng KaninTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon