Hello!
Una sa lahat, hindi ako makapaniwala na nakapagsulat at nakatapos ako ng story. Ito yung unang story na natapos ko. Sa lahat ng plots, sa lahat ng story titles at prologue na naisip ko way back 2015, ngayong 2021 lang ako nakagawa ng story. Doon sa mga una kong accounts, for sure ang daming drafts. But I'm so happy na nakapagtapos ako ng story kahit na halos six years akong nag-a-attempt.
Alam ko, madaming errors yung kwento, baka nakakalito pa nga kasi sa totoo lang, sinulat ko 'tong story na walang outline. Kung ano'ng papasok na eksena sa isip ko iyon ang isusulat ko. Akala ko dati ang imposible, akala ko nga tatapusin ko lang na Ten Chapters. Akala ko talaga hanggang sana na lang ako. Na sana makatapos ako ng isang story. Kahit wala ng reader, basta may matapos para naman mas mamotivate ako.
Hindi ko din inaasahan talaga na sa gitna ng pagtatapos ng first semester namin sa online school ay matatapos ko itong story. Ngayon nga na tinatype ko 'to, wala pa akong Epilogue HAHAHA, pero natapos ko na. Epilogue na lang talaga. Actually, napaka-imposible din para sa'kin na makatapos ng story sa month na 'to kasi nahihirapan din ako sa school works. Pero nothing is impossible, kagaya na lang sa story ni Cassiopeia Villareal.
Kasi sa totoo lang, Cassiopeia's story is supposed to end in an unpredictable way. Yung unang ending na naisip ko ay mapapagod talaga siya, kukuha siya ng lubid tsaka mag-aayos ng upuan. Pero bago yon ay tatawagan muna niya yung mga kaibigan niya, magpapaalam siya kaya malalaman ng mga kaibigan niya then end. Bahala na kayong mag-isip kung napigilan ng mga kaibigan niya o hindi.
Yung pangalawang ending ay mamamatay talaga siya tsaka magsisisi yung mga magulang niya.
Pero naisip ko, ang lungkot naman ata. Tsaka, at the middle of the story, I didn't thought na sobrang magiging close sila ni Patrick kasi nga wala akong outline. At dahil nga, nanaig ang 'Nothing is impossible', Cassiopeia's story ended with healing and acceptance.
The first purpose of Blue and Grey was to show to our parents na nahihirapan din tayo. That there are two stages or colors of heartaches. This is just for me. But I see blue as something in the stage 1 of heartache. Yung kaya mo pa lang na akuin lahat ng sakit, yung kaya mo pang buhatin lahat. The Grey for me is the Stage 2, yung sa sobrang pagod mo ay mawawalan na ng kulay lahat. Everything will be in between white and black, nakakalito.
This story was supposedly for parents, but since wala namang parents na babasa ng stories (sa tingin ko), so I thought, I should just make this story for teenagers who are under pressure. I want to make them look into the positive part of suffering from Anxiety or Depression, or both. I included friends and siblings to show that, you can have them as your listeners, hindi na kailangan maghanap ng special someone. Kasi baka mas mawala pa yung tiwala mo na binubuo mo sa iba kapag bigla kang naiwan. Kasi sa totoo lang, mas permanente na ang pagkakaibigan at pagkakaroon ng kapatid kahit na sa anumang klase ng relasyon.
Since wala pa namang gaanong reads ang story na 'to, I'll be revising it a little pero hindi ko naman na ia-unpublish.
Don't be afraid to tell your story to others, kahit huwag nang buo, basta mailabas mo lang yung kaunting sakit. I'm not forcing you to tell your story, pero kapag alam mong trusted yung tao, huwag mong hayaan na lunurin ka ng sakit, kasi baka siya na yung binigay ni God para sa iyo na makakarinig ng story mo.
Hanggang dito na lang kasi ginawa ko na 'tong essay. HAHAHAHA!
I let you hear half of my story, do you want me to hear yours?
- mistikenigma 🖤
-
For I reckon that the sufferings of this present time are not worthy to be compared with the glory which shall be revealed in us.
Romans 8:18 KJV
YOU ARE READING
Blue And Grey [COMPLETED] • mistikenigma
Novela JuvenilI just woke up one day, at the age of thirteen, the demon inside me is way more stronger than before. The demon inside my head talks a lot and louder than before. I fed him with flattering words and fruitful thoughts from people that when my downfal...