PANIMULA

2 0 0
                                    

PRECIOUS LIFE


AUTHOR'S NOTE!


- ANG ISTORYANG ITO AY RATED SPG--DEJOKE LANG! MWEHEHE. KUNG BABASAHIN MO TOH, WAG MO NANG ITULOY--JOKE LANG ULET. >_<

GEH! BASA KANA, ENJOY! MWUAH!


***

"Oh talaga? Kailan pa?"

Nandito ako ngayon sa tapat ng tindahan ni aling marites kasama ang bestfriend kong si johann, dito kami madalas tumatambay kapag nagkikita kami. Pinaguusapan namin ngayon ay yung kahina hinalang tao na sumusunod sakin o stalker kumbaga.



"Noong nakaraan pa hindi ko lang pinapansin" deretsyo kong sagot, tumaas naman ang kilay ni johann dahil sa sinabi ko.


"Hindi ka natatakot?" taas kilay niya paring tanong. Napaisip naman ako sa tanong niya. 'Hindi nga ba?', basta ang alam ko kahit katiting na takot ay wala akong maramdaman, hindi ko alam kung baket. Pero siguro dahil hindi naman ako mayaman. Sampid nga lang ako sa bahay namin e, kaya kahit ilang tao pa sumunod ng sumunod saken wala silang mapapala sakin dahil wala akong pero noe.

"Hoy, ano na?! Naparalize kana jan?" sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa hawak kong palstik ng softdrinks. Nilibre kasi ako ng tukmol natoh ng softdrinks, actually lagi naman niya akong nililibre kapag tumatambay kami dito sa tindahan ni aling marites. Nahihiya na nga ako minsan e, pero kapag nagkakapera naman ako nililibre ko din naman siya pero hanggang bubblegum lang mwehehe.

"Hindi" sumagot na ako baka magsisisigaw na siya dito e, mahirap na baka mapalayas pa kami. "Bakit naman hindi? Malay mo kung sino pala iyon at kung ano pang masamang binabalak sayo" seryosong sabi niya sakin, tumingin naman ako sa kalasada at tinuon ang paningin sa mga taong dumaraan.



"Ewan ko ba, eh sa wala akong maramdaman na takot e, anong magagawa ko?" mahina kong sambit sakanya habang nakatingin parin sa mga taong dumadaan dito sa tapat ng tinadahan.




"Hindi ka takot sa sumusunod sayo, pero sa nanay mo takot na takot ka" dahil sa sinabi niya ay mabilis ko siyang nilingon, nakatingin parin siya ng seryoso sakin. "Syempre nanay ko yun ano kaba? Tsaka Kailangan talagang matakot ka sa magulang mo" pagtapos kong sabihin yun ay binalik ko ulit ang paningin ko sa mga taong dumadaan.

"Tsk, eh hindi mo naman tunay na magulang yan si aling delia e, tsaka hindi karin naman niya itinuturing na anak" parang may biglang tumusok sa dibdib ko matapos banggitin ni johann ang mga salitang yun. Napayuko nalang ako tsaka pinaglaruan ang nga daliri ko.

Bakit ngaba ganun ang turing sakin ni nanay? Tinuturing ko naman siyang parang tunay kong ina, pero bakit hindi niya ako maituring na sarili niyang anak? Alam kong dapat hindi ako nagsasalita ng mga ganito sa isip ko, pero hindi ko matiis e. Sa sobrang laki ng respeto ko sakanya hindi ko siya magawang sagot-sagutin, kaya sa isip nalamang ako nagkakaroon ng pagkakataon magreklamo.



"Oh? Hindi ka makasagot noh? Kasi totoo, mabuti nga si manong ben e, tinuturing kang tunay na anak. Magkaibang magkaiba talaga ang ugali nilang dalawang mag-asawa, dahil si manong ben mabait pero si aling delia, walang kasing sam---!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Precious LifeWhere stories live. Discover now