Chapter Seven

47 1 0
                                    

Kumusta na kaya si kambal? Kawawa naman siya, no cellphone, no tab, no laptop sa kumbento. Oust muna siya sa outside world. Hindi ko siya macocommunicate araw araw, nakakalungkot man pero sabi niya sakin, dinala niya raw yung mini cellphone niya sa kumbento na parang calculator para hindi daw siya mabuko at mahalata na nagtetext. Ang pilya din ng kapatid ko, kahit bawal, ginagawa haha goodluck nalang talaga sa kanya.

Kumusta narin kaya si Chaning? Balita ko sa kanya through Amik, nagkakamabutihan na sila haha! Oops, hindi pala sila pwede kasi nga lalake ang tingin sa kanya ngayon ni Channy. Channy ang tawag ko kay Chaning. Pero seryoso, napaka dedicated din nung si Chaning pagdating sa mga espiritwal na bagay, mahal na mahal ko siya, , hindi ako bakla ha haha! Mahal na mahal ko siya bilang isang kapatid. Marami siyang sekreto na sa akin niya lang ibinunyag, ang swerte ko nga sa kanya eh kasi nagtitiwala si Channy boy sa akin. Ayaw kong isiwalat ang sikreto niya, it's private you know.

Namimiss ko narin ang mga magulang ko, pero bahala sila, kanya kanya na munsa kami ng trip ngayon. Sana balang araw, makita ko naman na nag bobonding kaming apat, yung masaya lang kami, hindi gaya nung nasa Pinas pa ako. Mayaman nga kami, hindi naman ako masaya kasi nga may kulang. Siguro kung ako ang nasa posisyon ni kambal ngayon, marami akong marerealize pagpasok ko ng kumbento. Pero kailangan naming panindigan ang kasinungalingang ito na alam kong hindi rin naman magtatagal. Wala naman kasing sikretong hindi nabubunyag hindi ba?

Mabuti nalang din at naka alis na ako sa apartment ko. Napaka walang modo naman kasi ang nag iwan ng patay na katawan ng pusa sa dating apartment ko. Kung sino man ang may gawa nun, baka may galit siya sakin, pero kung ex ko yun? Hindi naman siguro, never kong nakagalit ang mga ex ko and were friends, o baka naman mga business partners ni Mommy? O baka admirer ko na obssessed na obsessed sa akin? Ugh! ano ba naman ito, bahala na nga lang, hindi ko nalang iisipin, baka ma stress lang ako, I'm here to enjoy...

*Beep....

Teka, nag ring ang cellphone ko, makuha nga..

1 Message Recieved

From: 2343******

Kuya, si Amik to, this is my number, pasensiya kana ngayon lang ako nagparamdam, katatapos lang namin sa getting to know each other with my fellow seminarians... Kumusta kana? So far ang saya ng first day ko dito, sana maging ka kosa ko ang mga ibang seminarista dito. Kapag di ako nakapag reply meaning nun, sorry I'm serving, I love you twinnie, God bless you. Mwah!

Haha, text pala galing sa twinnie ko. I miss her so much, getting to know each other pala ha? Sana nga at marami siyang maging kaibigan dun. Baka may ma bakla pa nga sa kagwapuhan este kagandahan niya haha huwag naman sana. Pagkatapos kong basahin ang message ng kapatid ko nireplayan ko lamang siya ng....

I miss you twinnie, don't worry magkikita din tayo balang araw, enjoy your stay there in the convent. I love you, you know I always will.

Ang sweet namin hindi ba?

After receiving her text message, napangiti ako pero nakaramdam ako ng lungkot, ang lungkot kasi namimiss ko na si kambal. Yung mga kalokohan namin dati, yung tinatawanan lang namin ang mga horror movies dahil na dala lang sa make up, ang panggagaya namin sa malnourished na karakter sa Lord of the Rings na si "My Precious". Ang paggawa namin ni kambal ng prank videos at kung ano ano pa. Naalala ko tuloy nung gumawa kami ng prank sa school, gabi nun, kabilugan ng buwan, busy ang ibang istudyante sa pakpapraktis dahil foundation day na, ang iba gabi nang nakauwi, pina spider walk ko ang kapatid ko sa may halamanan ng school, doon din dumadaan ang iabng istudyante kaya piangkatuwaan namin ng kapatid ko na manakot ng mga tao haha! Ang dami rami naming nabiktima noon haha!

Makasulat nga sa note ng iphone 6 ko...

Page 1 of 365 Amazing Days ni Anik Gwapo:

"Amik" I miss this girl. She's my confidante, my girlfriend, my best bud, my princess, my boyfriend, my mom and my dad. Lahat na nasa kanya, and I know someday we will meet again. I miss you twinnie.

Sorry if I'm so dramatic today, I just miss my sister very much. Like nawalan ako ng kaibigan, pero hindi naman siya nawala, nasa Pilipinas siya at ako nandito sa Madrid, finding myself, para kaming mag boyfriend at girlfriend na long distance relationship ang peg ng kapatid ko. I really miss you twin, like how I miss Mom and Dad.

Anik Gwapo

Maya maya may biglang nagtext sa akin, sa kabila ng aking pagsesenti may biglang sumira ng kadramahan ko, beep ng cellphone ko, it was an unknown number. Sino na naman kaya ito? Pagbukas ko ulit ng cellphone ko binasa ko agad yung text:

1 message recieved...

I know your secret. Kung ayaw mong mabuko kayo ng mom at dad niyo, meet me at Rondalles Cafeteria, 555 Street, tomorrow, dapat wala kang kasama, hindi ko kailangan ng pera, kapag hindi ka sumipot, goodluck nalang sa kakambal mo sa Pilipinas! Haha Binabalaan kita.

OH MY! Sino to? Paano niya nalaman ang sikreto namin ng ka--kambal ko? Kung hindi ako makikipagkita sa taong to, tiyak na mapapahamak ang kambal ko. Is this a threat? Should I tell my twinnie about it?

No! mag aalala lang iyon. Tatawag nalang ako ng pulis? No, mas lalong delikado yun, sabi niya hindi naman daw niya kailangan ng pera? Ano naman kaya ang kailangan niya, ako? Ang katawan ko? Baka pagbalik ko sa Pilipinas isa na akong malamig na bangkay, huhu huwag naman sana. No! Ano ba naman tong pinag iisip ko, nakakaparanoid naman.

*Beep.....

Nag ring ulit ang cellphone ko at agad na binasa ito....

1 message recieved...

Bwahahahahaha!

Kung sino man ang taong to, kailangan kong makipagkita sa kanya. Wala na akong pakialam kung mapapahamak ako, ang importante, ligtas ang kapatid ko. Sino kaba?

Minutes later....

Tumupad ako sa usapan namin, andito na ako sa Rondalles Cafeteria. Hindi ako tumawag ng Pulis. Hindi ko isusugal ang kaligtasan ng kaapatid ko sa paghingi ko ng tulong sa mga awtoridad. Kung sino man ang may pakana nito siguro ay may mabigat siyang dahilan. Pero ano naman kaya yun? Baka may atraso kay mom at dad yun? Hahai, nakakalito, nakakakaba pero bahala na si Lord, kung ito man ang magiging mitya ng aking pagpanaw, haha huwag naman sana, na saturated na ata ng asin ang utak ko.

Maya maya may isang babae ang umabot sa akin ng isang expresso. Spanish yung babae kaya hindi ko masyadong maintindihan ang pinagsasabi niya at ang tanging nasabi ko lamang ay "Salamat" haha yung totoo wala akong naintindihan sa sinabi niya. "Para tudo" ha ano raw? Yun lang ang naintindihan ko haha!

Tatanungin ko sana siya kung ano ang meron, hindi ko naman birthday, wala namang okasyon, ano to libre? Hindi ko iinumin ang kapeng iniabot niya baka mamaya may lason, nilagay ng nagpapabigay. Saan ka naba? Inip na inip na ako.. Magpakita kana kung sino kamang bruha ka o bruho. Hinding hindi kita uurungan.

Hindi ko namanlayan yung oras, kaya naglaro nalang ako ng unblock me at mapalad akong nakaabot sa ika 800 level. Pagtingin ko sa paligid may naalintana akong isang napakaseksing babae na naka shades, aattend ata ng lamay, nabalot ng kadiliman ang kasuotan eh, naka black high heels, black tank top dress, black accessories, black pati kili kili? Haha . Hulmang hulma ang kanyang curves, mataas ang buhok na kulay pula, at saka very red lips. Gosh! Hindi ko type ang mga ganyang babae, yes soyal siyang tignan but I don't buy it sorry! Ang arte ko noh? Haha!

Hinawi ko ang tingin ko sa kanya at nag focus na lamang ako sa paglalaro ng unblock me sa cellphone kong iPhone 6. Hindi ko inexpect ang susunod na mangyayari ang babaeng galing ng lamay, lumapit siya sa table ko at itinaas ang kanyang kanang kilay. Naka shades parin siya. Natulala lamang ako sa kagandahan ni girl galing lamay. Hashtag nganga! "Unblock Me? Mga batang isip lang ang mga naglalaro niyan ngayon, anong ka cheapan yan?" ang sabi ni girl galing lamay. Aba ang taray ah, Pinay pala itong babaeng ito.

"WALANG BASAGAN NG TRIP! At saka sino kaba? Kilala ba kita?" utal ko sa kanya, hashtag pasigaw yung reply ko ha, ang epal ni manang eh, manang galing lamay haha!

Tinanggal niya ng shades niya, na shock ako ng malaman ko kung sino siya. What a transformation. Is it real? Is this real?

The Twin's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon