"Madam, pinapa-follow up po ni Sir Boy 'yong contract po. If pipirmahan niyo or hindi po."
I almost forgot the contract pala from a multinational endorsement. 4 na buwan ng nakalipas. Herbert and I are still in a not good situation. Hindi na ako tinetext ni Herbert even tawagan.
Ilang gabi rin akong umiiyak dahil sa kaniya. Iniisip ko 'yong sa kontrata kung tatanggapin ko ba o hindi. Kung ano na ba ang nangyayari sa aming dalawa. Bakit ako lang ang may problema? Bakit parang sa kaniya okay lang?
"Jessica, please tell Boy na pag-iisipan ko pa rin." I said sabay lagay ng envelope sa bed side table ko.
Simon and Joshua are with my pamangkin. Hinayaan ko na kasi minsan lang naman sila nalalabas. Kaya nagkaroon ng time na mapag-isa.
I'm still checking phone, kung nag-text ba siya or tumawag. pero wala.
"Madam" Dumungaw si Jessica sa pintuan ng kwarto ko.
"Yes?"
"Si Sir Herbert nandito."
Bigla na lamang ako napahinto nang makita ko na nasa likod siya ni Jessica at may hawak-hawak na itim na paper bag.
Tinignan ko lamang siya at tila nawawalan ako ng sasabihin sa kaniya.
"Pwede na ba kita makita? Makausap? Hindi ba mainit ang ulo mo." Malumanay niyang sinabi.
Hindi ako nagsasalita at nakatingin lang sa kaniya.
Pumasok siya sa kwarto namin. "I brought some foods. Joshua told me na hindi ka masyadong kumakain."
"He texted you?" I asked.
"I insist. Huwag mo na pagalitan 'yong bata. I know kasi na, hindi mo ako sasagutin. So I tried to reach out Josh. Para malaman ang kalagayan mo." He said sabay kuha sa maliit na lamesa malapit sa cabinet at inilagay ito sa harapan ko.
"May salad akong binili. Prutas. Saka aroz caldo na paborito mo." He said sabay lapag ng pagkain sa lamesa.
He looked at me. "You still get mad at me?"
Hindi ako nagsasalita at nakatingin lang sa kaniya.
"Hindi ko alam kung ano pro-"
"Gusto ko na makipaghiwalay." Pagputol ko sa sinabi niya.
"Hah? Ano ba sinasabi mo Kris?" Pagtatanong niya.
"Ang sabi ko gusto ko na makipaghiwalay." I looked at him straight to eyes. Ngunit nakikita ko ang pagtataka niya.
"Hindi magandang biro 'yan, Kris." He said na seryosong tono. "Makikipaghiwalay ka ng walang dahilan? c'mon Kris? Ano ba?"
"Herbert, please lang. Just leave." I said sabay tayo at punta sa dressing room ko.
"Leave? Kris naman" Tumayo si HB at kumatok nang pilit sa dressing room ko.
"Pag-usapan naman natin 'to. Ayoko ng ganito Kris. Naguguluhan ako. May nagawa ba akong masama? May nasabi ba ako? Sabihin mo sa akin. Ayoko ng ganito tayo e." Patuloy niyang sabi.
Humihinga ako nang malalim dahil pinipigilan ko ang umiyak.
Naupo ako sa isang sulok at hinihintay na umalis siya.
Tumayo ako makalipas ng 20 minuto. Inaakala na wala na siya. Pagbukas ng pinto. I saw him, looking at my contract.
"Akin na 'yan!" Sabay kuha ko sa kaniya ng kontrata.
"You are not allowed to marry or being involved to a politician once you sign it. Ayan ba?" He said.
"I SAID LEAVE!" Sigaw ko.
"Hindj ako aalis, hangga't hindi mo sa akin pinapaliwanag 'yan." sabay turo sa papel na hawak ko. "Kaya ba makikipaghiwalay ka sa akin?" tumayo si Herbert.
"Kris sumagot ka. 'yan ba ang dahilan bakit ka makikipaghiwalay?"
Nakatingin lamang ako sa kaniya at nagpipigil na umiyak.
"Kristina Love, sumagot ka. Sumagot ka. Ayan ba ang dahilan bakit makikupaghiwalay ka sa akin?!"
"OO!" sigaw ko.
Hindi na naiwasan pa at tumulo na ang luha ko.
"Oo! Makikipaghiwalay ako sa'yo dahil sa kontrat na 'to' dahil malaking break ito sa akin and for me to be a successful endorser. I should not be involved to any politicians especially kung karelasyon mo." Patuloy ko habang umiiyak ako sa harapan niya.
"Pinili mo 'yan?" Nanginginig ang boses ni Herbert.
I removed the ring from my hand. "Take this. Or else, ibigay mo na lang sa babaeng mamahalin mo 'to." I grabbed his hand at nilagay ko ito sa kamay niya.
"You are free Herbert." I said.
Tinitignan niya lang ako.
"You may leave." I said. "Ayokong abutan ito ng mga anak ko. Ako ng bahala to announce sa publiko."
Hindi nagsasalita si Herbert at patuloy lang ako tinitignan.
"Hindi tayo para sa isa't isa Herbert. Ilang beses mo sinubukan, pero diba? Pinaglalayo tayo? Hindi tayo. Baka ang para sa'yo nasa ibang lugar."
Wala pa rin akong tugon na nakukuha sa kaniya.
"Umalis ka na please" Makaawa ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
"Kumain ka. Pagkalabas ko." He said sabay lumakad na papuntang labas.
I know in my heart. Mahal ko siya. pero hjndi ko kayang tanggapin na may nasira akong pamilya. May mga bata akong nasaktan dahil sa pagmamahal na ito para sa kaniya. I want him to be the best dad para sa mga anak niya. Katulad din ng pagiging ina ko kay Joshua at Simon.
I sat kn my bed and I noticed a peace of paper inside the black paper bag.
Kinuha ko ito.
To my lovely love love love Kristina,
I hope you are not mad at me na. I have something to tell you. Gusto kang makita ng buong pamilya ko. May reunion kasi. I'm just excited to announce na fiancé na kita. Sana hindi ka na magalit sa akin. I'm ready to face the public. Mahal na mahal kita. Sorry kung may nagawa akong masama.
Love, Hans.Hindi mahinto ang pagpatak ng luha ko nang mabasa ko ito.
Nasaktan ko si Herbert sa ginawa ko. Ngunit para sa ikabibuti niya rin 'yon bilang ama. Mabibigyan niya na ng pansin lalo ang mga anak niya na walang istorbo, walang nahahati ang oras. Lahat sa kanila. Lalo na't may maliliit pa siyang anak.
Biglang may nagpop-up na message sa akin.
From: HB SMART
Mahal kita.Mas lalong tumindi ang pag-iyak ko nang makita ko 'yon.
Alam ko Herbert. Pero hindi tama ang panahon para sa atin.
Hanggang dito na lang tayo.
BINABASA MO ANG
Love Me Till The End (Complete)
ФанфикKristina Love Aquino. A successful woman, well-known as the Queen of All Media of the Philippines and a great mother to her two sons. However, when her love life fails many times, she decides to not entertain anybody and concentrate on her work, unt...