*click*click
*click
napangiti ako ng wala sa oras dahil sa ganda ng tanawin na napuntahan ko, inisa isa kong tingnan ang mga nakuha kong litrato saka sinuri ng mabuti
hmm papakita ko ito mamaya kay ate cassandra I'm sure magugustuhan niya ang mga to.
2 weeks na akong nagbabakasyon dito sa Mexico, dito kasi nakahanap ng magandang trabaho ang ama ko at dapat kasama ko si mama na magbakasyon kaso hindi naman daw niya pwedeng iwan sa mga tauhan niya ang flower shop na matagal na niyang business.
Napagpasyahan kong gumalang mag isa dahil parehong busy ang ate ko at si papa and this is not my first time here kaya alam ko ang mga pasikot sikot dito.
Ginabe na ako kakagala at ngayon nga ang last spot ko ay ang isa sa pinakamagandang lugar dito sa Mexico ang palace of fine arts (The Palacio de Bellas Artes)
"wow! mira ella es tan hermosa" napatingin ako sa di kalayuan sakin dahil sa lakas ng boses nito, nakita ko ang isang matangkad na babae at isang mestisang bata na sa tingin ko ay nasa walong taon pa lamang
nakatingin ito sakin at pasulyap sulyap sa gawi ko habang kinakausap ito ng magandang babae na kasama nito
kinawayan ko sila at nakita kong lumawak ang ngiti ng batang babae at nilapitan ako
"ver? Me dijo que ella es hermosa" mahinang bulong ng bata sa babae habang tinuturo ako kaya nangingiti namang tatango tango ito habang nakatingin sakin
ako ba pinag-uusapan nila?
"¡hola! señorita ¿hablas español?"
(hello miss, do you speak Spanish?)ngayon medyo pinagsisihan ko na ang hindi ko pag aral ng lenggwahe nila, may alam naman ako pero konti nga lang
"ahm sí señora, un poco" (yes ma'am, a little)
kinakabahan kong tugon dito baka kasi mali yung nasabi ko
"que bien" (that's okay)
"Lo siento, pero mi niña, aqui deci que usted es hermosa y quiere conocerte"
(I'm sorry, but my little girl here says you are beautiful and she wants to meet you)
"de verdad? gracias niña"
(really? thank you little girl)
syempre naintindihan ko naman hahalumuhod ako sa harapan ng bata bago ko binuka ang mga bisig ko, naintindihan naman ng bata na gusto ko siyang yakapin kaya masaya itong bumitaw kay ate at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap
"¿cómo te llamas?" tanong ko sa mestisang bata habang akap ko
"me llamo lozinda ¿y tú?"
(my name is lozinda, and you?)"me llamo phoebe, encantada y eres muy hermosa" malambing kong sabi dito at lumawak ang ngiti nito ng sinabihan ko siyang maganda rin ito, binalingan ko si ate na masayang nakamasid samin
maganda din ang kasama ng bata mapagkakamalan mo rin itong artista
"su hija, señora?" tinanong ko siya kong anak niya ito pero umiling siya kaya naguluhan ako, eh bakit sila magkamukha? natatawa ito bago sinabing pamangkin niya ang bata kaya mabilis akong humingi ng paumanhin dito.
Ilang minuto pa akong nakipag kwentuhan sakanila hanggang sa may pumaradang magarang sasakyan sa harapan namin na ikinamangha ko at may kasunod pang dalawang itim na kotse sa likod nito
nagsibabaan ang nakasakay sa itim na kotse at mabilis na binuksan ang pinto ng naturang sasakyan
and literally my jaw dropped ng bumaba dun ang isang magandang babae, nakaagaw pansin ito ng ibang namamasyal hanggang sa nagsilapitan na ito sa gawi namin, mabuti nalang naharangan ito ng mga men in black