CHAPTER 17

9.7K 219 1
                                    

Ynna's POV:

Sa sobrang takot na nararamdaman ko ay nanginginig na ako, kung hindi ko lang kasama si señyorito ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta nagkakabanggaan na 'yong mga tao dahil sa sunod-sunod at palitan ng putok ng baril.

kung hindi lang hawak ni señyorito ng mahigpit ang pulsohan ko ay baka kasama na ako sa mga natatangay ng mga tao.

Sa bilis ng lakad niya ay parang lumilipad na ako di ko na ata maramdaman kung nakakaapak paba ako sa sahig.

Natatalisod pa ako pa minsan-minsan dahil sa taas ng takong ko at pakiramdam ko nagdudugo na ito, ang sakit at hapdi ay nagsama.

"Se-señyorito ano po ba ang n-nangyayari? Bakit ang daming p-putok ng baril? N-nasaan po si Amanda? Iyong mga kasama po ninyo kanina?"

Dahil sa takot ay kanda utal-utal na ako, ang dami ko ring tanong baka mamaya niyan itapon na lang niya ako.

"Shut the fuck up will you!" Buliyaw niya sa akin, sabi ko na nga ba eh, napaka mainitin talaga ng ulo nagtatanong lang naman ako.

Pero ano daw? Di ko kasi naintindihan ang sinabi niya sa sobra kasing talino ko lumagpas na kaya di na ako nakakaintidi hehe.

Nakaalis na kami sa kung saan ginanap ang party kanina at ito kami tumatakbo sa mahabang... ano, ano nga tawag dito? Halloween? Hallway? Ay tama! Hallway.

Binabagtas na namin ang mahabang
hall way hindi kami makasakay sa elevator kasi ang daming taong nagsisiksikan umiiyak na din 'yong iba mabuti na lang at walang bata rito.

Bakit naman kasi dito nila naisipang mag barilan mga siraulo lang, ito namang si señyorito nagtatanong lang ako ng maayos di pa makuhang sagotin.

"Aray!" Puta! madapa ba naman ako. Akala ko hawak ni señyorito ang kamay ko eh, saan naba 'yon?

"Ugh!" Nang tingnan ko kung saan nanggaling ang tunog na'yon na parang namimilipit sa sakit ay agad nanlaki ang mata ko at namangha na naman sa kakayahan niya.

Nakikipaglaban si señyorito sa tatlong lalaking may takip ang mukha hindi ata maskara don? Ano---ninja!

Naka ninja ang mga kalaban ni señorito akmang susuntokin niya si señyorito sa mukha ay agad naman siyang nakailag at sinuntok niya ng malakas iyong kalaban kaya tumilapon naman ito.

Ako naman 'tong si tanga ay parang nanonood lang ako sa tv nakasalampak parin ako sa sahig dahil napilayan ata ako ang sakit-sakit ng paa ko kahit anong pilit kong tumayo ay diko magawa dahil namimilipit ako sa sakit baka malumpo na talaga ako ng tuluyan.

"What the fuck woman! Why are you still there?!" Tiningala ko ang mahal kong señyorito ngunit ganoon na lamang ang salubong sa'kin.

Ang sama-sama ng tingin niya sa'kin mga prends.

"A-aray!" Napahikbi na lamang ako ng bigla niya akong hinila patayo kung di lang niya nahawakan ang baywang ko ay baka sumalampak na naman ako sa sahig.

"Tsk." Kitams! 'Yan lang ang lumabas sa bibig niya samantalang kasalanan naman niya kung bakit ang sakit-sakit ng paa ko bitawan ba naman ako.

"Ay! Se-señyorito! Ibaba niyo po ako!" Napahiyaw ako ng bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal.

"Shut up." Mariin niyang sabi habang ako naman parang tuko na naka pulupot sa kaniya.

Hawak-hawak parin niya 'yong baril habang buhat niya ako, mahigpit akong naka kapit sa batok niya at nakatitig sa mukha niya kahit na natatakpan ng maskara.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon