Chapter 31 LIFE GOES ON

5 0 0
                                    

Nagpa iwan ang mag pinsan sa bar dahil gusto pa nilang mag party kaya hinayaan ko na sila, pinilit ko rin si Zach na manatili doon dahil kaya ko naman ang sarili ko pero he insist na hahatid niya ako.

Tahamik ako sa byahe namin at ramdam ko ang pag baling ni Zach sa akin pero hindi ko siya pinansin, ayaw kong pag usapan ang nangyari kanina dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko pagka tapos ng pag kikita namin ulit. Tama na iyong nakita ko silang mag kasama kahit gustong gusto kong mag tanong kanina kung sila ba talaga at natatakot ako kung sasabihin nilang oo ay madudurog ako, kahit alam kong durog pa rin ako at hindi ko alam kung kailan mabubuo ang puso kong nagkapirapiraso na ako din ang may dahilan nito.

"We're here" doon pa lang ako na tauhan at bumaling sa kaniya at naabutan ko ang mabigat niyang pag titig sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"I know you still-" pinutol ko kung ano man ang sasabihin niya at humarap sa kaniya

"Lets not talk about him, Zach. Thank you and good night" lumabas na ako at binuksan na ang gate pero hinawakan niya ako sa braso.

"I'm still waiting, Lyca. I believe that you will get over him soon, I can wait. Good night ang I love you" lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko, sanay na ako dahil lagi niyang ginagawa ito sa akin.

Pagkahiga ko ay pumasok sa isip ko ang pagkikita namin kanina. He looked hot with his undercut hair, nag mature din ang katawan niya like his model of some brand shirts at 'yung dating masiyahin niyang mukha ay naging seryoso na ngayon. Kung noon kapag tinititigan niya ako ay naka ngiti kahit ang mga mata niya, pero iba na ngayon dahil kung titigan ka niya parang hindi ka niya kilala. His pointed nose, brown eyes, perfect jaw line and his red lips iyon ang hindi nag bago sa kaniya.

Pero hindi ko siya sisisihin kung hindi niya ako papansinin may kasalanan ako at alam kong hindi katanggap tanggap ang rason ko, dahil una sinabi ko sa kaniya noon na hindi ko na siya kailangan. Hiningi ko ang kalayaan ko sa kaniya at noong pinagbigyan niya ako ay umalis siya para maabot ang pangarap niya, iyong ang gusto ko dahil iyon ang tama. Ngayon nandito siya mag papatuloy ang buhay ko dahil nakaya kong tatlong taon na wala siya kaya kakayanin ko kahit na nandito na ulit siya.

Wala kaming pasok ngayon at naisipan naming tatlo na mag shopping na lang, dahil nabitin daw sila sa bonding namin kagabi. Gustong sumama ni Zach pero tumawag ang mama niya kaya hindi na siya makakapunta ngayon araw, excited ang dalawa dahil mabibili na nila 'yung make up na gustong gusto nila.

Kahit maaga pa ay umalis na kaming tatlo dahil sa sobrang excited nila at kung mag saya sila parang wala silang hang over ngayon, parang ako pa nga ang lasing dahil sa mga iniisip ko kaya ang ending ay inaantok pa ako ngayon.

"Bumili kana rin ng damit mo, Lyca. At kung pwede 'yung mga uso naman, kahit payat ka maganda naman ang shape mo. Mag maong skirt ka, croptop o kaya shorts. Hindi 'yung lagi kang naka pantalon at mahaba ang damit, para kang lalaki sa ayos mo" noon pa nila ako gustong mag suot ng pang girly outfit, but I always say na hindi ko bagay at ayaw kong masyadong magpa kita ng balat. They understand me because of my past but they always say na hindi ko kailangan ikulong ang sarili ko sa nakaraan dahil kahit daw naka mara clara or showy ang mga suot ng mga babae kapag may manyak, babastusin at babastusin ka. Wala sa suot ng mga babae, nasa respeto ng mga lalaki iyon.

"Kayo na lang pass ako diyan" nagka tinginan ang mag pinsan at hinila nila ako kung saan, kaya pilit kong kumakawala sa hawak nila pero masyado silang malakas at iisa lang ako.

"Kung ayaw mong pumili, pwes! Kami ang mamimili para sayo" nakarating na kami sa isang boutique dito at pumasok na kami.

May kinuha si Jenica na kulay red na maliit na damit at pinakita sa akin

"Ito bagay mo dahil maputi ka naman" umiling naman ako sa kaniya dahil sobrang iksi nito

"Ano ka ba! Hindi ako bata para suotin yan"

"Gaga nito! Croptop yan at siguradong kasya mo yan, kaya pumasok kana sa fitting room kami na lang ang bahala sayo" tinulak niya ako sa loob ng fitting room kaya wala na akong nagawa. Tinignan ko muna ito, dahil sigurado ba talaga siya na kasya ito sa akin?

"HOY! Isuot mo na 'yan Lyca" pagkatok nila sa labas,kaya hinubad ko na ang loose shirt ko at sinuot itong maliit na damit. Pag harap ko sa salamin ay kita ang pusod ko kaya binaba ko ito pero tumataas talaga.

"Labas na bilis" binuksan ko ang pintuan habang pilit pa rin binababa ang damit ko.

"WOW! Ang ganda mo" sabay na bigkas ng mag pinsan, sumimangot naman ako sa kanila

"Anong maganda dito? Nakikita ang pusod ko at ang aking tiyan" lumapit sa akin si Jannice at may ibinigay na black jeans at high heels na black

"Pasok ka ulit at suotin mo yan" hindi niya ako pinagbigyan na tumutol at hinila niya ako papasok. Sinunod ko na lang ang gusto nila para matapos na ito at maka uwi na.

Pag tingin ko sa salamin konting balat na lang ang nakikita sa akin dahil high waist pala itong jeans at sinunod ang high heels.

"PERFECT" nag apir pa ang dalawa at sinabi nilang bayad na ang mga damit ko

"Sinong nag bayad?" Tanong ko pero ngumiti lang sila.

Sanay naman akong may suot ng high heels pero hindi ako sanay sa damit na suot ko ngayon, kaya yumuko ako dahil halos lahat ng tao tumitingin sa amin. Hindi ko alam kung hinuhusgahan nila ako sa suot ko or ewan. Humarap naman sa akin si Jenica at hinawakan ang baba ko para mag pantay ang tingin namin

"Be yourself, Lyca. Be confident you are beautiful so chin up" tinapik niya ang balikat ko at ngumiti sa kaniya.

Papasok na sana kami sa restaurant na napili namin pero nakita ko kung sino ang nasa loob kaya hinawakan ko ang balikat ng dalawa, tinignan nila ako ng nag tataka pero ang mata ko ay nanatili pa rin sa mga taong nasa loob.

Benedict and Camille with their family. Parang seryoso ang pinag uusapan nila dahil nakikita ko ang galit sa mukha ni Benedict, umiwas siya ng tingin kaya sakto itong tumama sa akin.

"Lyca" napatalon naman ako at tumingin sa mga kasama ko

"Its okay. Lets go" pumasok na kami at ramdam ko pa rin ang tingin ni Benedict sa akin, umupo kami malayo sa kanila para hindi nila mapansin na nandito kami kahit na nakita na ako ni Benedict. I'm still not ready to face his mother, after what she said to me before.

"Thank you very much, Lyca. Thank you bec-"

"Hindi ko po ito ginawa dahil naki usap kayo. I did this dahil alam kong may mas malaki pang nag hihintay sa kaniya, ang matupad niya ang pangarap niya. Kaya wag niyo akong pasalamatan sa ginawa ko, kahit na labag ito sa loob ko but still I love him that's why I need to do this" ayaw ko siyang makulong sa akin kaya ginawa ko iyon, ayaw ko siyang hilain pababa dahil sa mga problema ko. I know maayos din ang lahat, pero hindi ko kayang nag hihirap siya.

Niyakap ako ng mahigpit ng mommy niya at hinalikan sa pisngi

"Maybe this is not the right time to the both of you. You need to heal from all the pain you are going through while he needs to fulfill his dream. Kung darating man ang pagkakataon na magkikita ulit kayo, baka pwede niyo pang ayusin ang mga naiwan niyo"

Pero sa nakikita ko ngayon, malabo na. Malabong malabo ng maayos kung ano man ang mga naiwan noon. Ang tanging magagawa na lang namin ngayon ay ipagpatuloy ang buhay namin na wala ang isa't isa.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon