First Encounter | 01

20 1 3
                                    

Eunice's POV

Gumilid ako sa isang tabi at sumilip sa lalaking nakangiti kasama ang kanyang dalawang kaibigan. Ganun ba talaga? Laging dalawa ang kaibigan pag male lead.

"Huy!?" Sulpot ng kaibigan kong supot.

"Wag mo ko pakialaman. I am admiring my soon to be husband at daddy ng magiging anak ko at ako" sabay hawak sa aking dibdib na kunwari I was imagining the scene with him. (and my kids)

"Pinagsasabi mo bes?" sabay tingin sa tinitignan ko.

"Ah~ kaya pala, alam mo wag ka na umasa sa kanya. They say he is a man of his words, totoo daw na aromantic siya. Lahat daw ng babae na nag-confess sa kanya tinurn down niya daw, ang sakit daw niya magsalita. Kumbaga it's impossible!" sabay ng pagngiti niya sa akin.

"Aba bakit kilala mo ba siya? Hindi diba? Walang imposible sa mundo atsaka may babae na siyang tinignan. Soon he will be mine" tugon ko sabay smirk.

"Ganto kasi yung nangyari bessy!" kinikilig kong sambit sa kanya.

Pagbaba ko ng second floor lumiko ako at hinanap ang pinto na magdadaan papuntang hell.

"HUMMS-3" sambit ko habang tuloy sa paglalakad.

"Ah! eto na un"

Bago ko pa mabuksan ang pinto. May demonyo nang tumambad sakin.

"HIIIII BESSY!" tumambad ang matamis na ngiti niya. Tinignan ko siya ng nandidiri.

"Ang panget mo sobra" hindi naman talaga totoo un. Maganda naman si Mikaela kaso may kulang sa kanya(ikaw UwU).

Nakasimangot na lang siya paglabas ng room. "Tara na nga!" sabay hila sakin ng braso ko.

Nag chikahan lang kami habang pababa ng hagdan. Dumaan muna kami ng canteen at bumili ng candy para may manguya habang pauwi. Nasa gate na kami nang hinanap ko ang driver ko sa gilid. May kumaway sa akin kaya madali naman akong lumapit pero nagtaka ako nang ibang mukha ang nakita ko.

"May bago bang driver na hinire ang parents mo?"

Chineck ko kung may text ba si dad sa akin pero wala ako nakita. "Wala naman tinext sa akin si dad, anyway baka nakalimutan niya lang basta uuwi nako. I am tired because of the numerous times our teacher called me!" sabay tawa ko. Sumabay naman siya sa pagtawa nang may sarkastikong tunog.

Nakipag-beso ako sa kanya bago ako pag buksan nang bago kong driver. I smiled at him nung nakita ko siyang nakatingin sa akin. Sinuot ko ang headset ko at nakinig sa kantang "Crazy" ng 4minute. I was banging my head in the air. Bet na bet ko ang kantang toh. Ikaw, bet ka ba?

"nal bogo michyeo

(C.R.A.Z.Y) ttara hae

  (C.R.A.Z.Y) modu da michyeo"

Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sumobra na ata ang head bang ko. Tumingin ako sa harap when I noticed this wasn't the way papuntang Golden subdivision. Mas sumakit ang ulo ko nang malaman na kinidnap nako. I sighed, hindi na bago sa akin to. Tinignan ko ang driver.

"Baliw ba kayong mga kidnapper kayo at wala kayong magawa sa buhay nyo!" sabat ko sa kanya. Mukhang nagulat siya nung napansin ko na kinidnap na pala ako. Tinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsadang hindi masyadong dinadaanan ng tao.

"WAG KANG GUMALAW!!!" sabay harap sa akin ng pocket knife. Hindi naman talaga ako gagalaw.

"Pipili na nga lang kayo ng mangkikidnap sakin ikaw pa ang pinili nila"

"Aba miss Hidalgo grabe ka naman makasakit sa mga salitang lumalabas sa bibig mo, baka gusto mo itikom ko yan gamit toh"

Tumahimik naman ako saglit. Nakita ko siyang may tinext kaya umurong ang ulo ko paharap para tignan yun kaya muli niyang ginalaw ang kamay niya na may hawak na kutsilyo.

"Psh ang tagal naman magtext niyan, wala ka bang pampatulog diyan. Nababagot nako ih"

Hindi niya ako sinagot. Bigla niyang nilayo ang kutsilyo at lumabas ng sasakyan.

Nagiisip ba siya!?, hindi niya ba muna ako tatalian. Gumalaw na kaagad ako para makalabas ng sasakyan. I was ready to run kaso may humawak na ng wrist ko at hinila ako. I know muay thai kung ito ba naman ay nangyayari sa akin lagi-lagi. Hindi ako nag iisip kung hindi ako matuto to protect myself away from harm. I was about to kick him, Nagulantang nalang ako ng natumba siya bigla-bigla. Tinignan ko ang katawan niyang bagsak sa lupa.

"Gwapo ka pa naman. Sinayang mo lang pwe!"

I was about to walk away, dun ko lang napansin ang isang sapatos ng panlalaki na provided na ng school na pinapasukan ko ngayon. Itinaas ko ang tingin ko at nagulat nang siya ang makita ko. I didn't expect this dahil sa tahimik niya sa school hindi mo siya mapapansin.

"Luke!?"

Chapter 1 ends.

Will You Be Mine?Where stories live. Discover now