One Shot: Pagtingin

18 2 5
                                    


One Shot Story

DISCLAIMER: This work of fiction.
Name, Characters, Business,Places,
Events,Locales, And incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner.Any resemblance to any persons.Living or dead,or actual events is purely coincidental.

This story is unedited. It might have typographical and grammatical errors.

                                                                                ***



Simula ng makita ni Alicia ang lalaking iyon noong nagbakasyon sila sa isang dagat ay hindi niya na ito maalis sa kanyang isipan.


Ang lalaki ay matangos ang ilong, perpektong kilay at labi kasama narin ang makinang na mga mata pagnatatamaan ng araw


Hindi siya maalis sa isipan ni Alicia, hindi niya alam kung nagtatrabaho ba don ang lalaking iyon. Kahit nagtatrabaho ang lalaking iyon sa resort na kanilang pinuntahan ay maputi parin ito. Napapaisip nga si Alicia na parang mas maputi pa sa kanya ang lalaki.


Ang bakasyon nilang iyon ay naganap noong kanyang kaarawan. Dumating sila ng kaniyang pamilya sa resort ng hapon. Paglapag pa lamang niya ng kaniyang gamit sa cottage ay dun niya ito unang nasilayan.


Kinikilig kilig pa siya dahil wala itong damit pang itaas habang naliligo ito. Mula sa di kalayuan ay alam niya na na gwapo ang lalaki may kasama pa itong isang lalaki na medyo may pagkamataba at moreno pero may itsura.


Sinabi ni Alicia sa kaniyang kapatid na si Mary anne ang tungkol sa lalaki at kinilig din ito.


Pagsapit ng hapon habang nakaupo si Alicia sa kaniyang kumot na nilatag sa tabi ng dagat at kumakain ng tsokolate kasama ang kaniyang kapatid ay nakita niya muli ang lalaking nakita niya kanina. Kinikilig kilig pa silang dalawa ng kaniyang kapatid na si Mary anne dahil may mga kasama na ang mga ito.


Ang lalaki ay may kasama pang 5 lalaki pero para sa kaniya ang lalaking nakita niya kanina na hindi alam ang pangalan ang nakakakuha parin ng kaniyang atensyon.


Sumapit ang kinaumagahan ay aalis sila bago magtanghalian. Nagulat na lamang siya dahil may nagpaabot kuno ng bulaklak para sa kaniya. Tinanong niya ang matandang nagabot sa kaniya ng mabangong bulaklak kung sino ba ang nagpabigay nito.


Mula sa kalayuan ay itinuro ng matanda ang isang lalaki. Nanlaki ang kanyang mata dahil siya ang lalaking kaniyang natitipuhan. Kinikilig kilig pa siya dahil naiisip niya na baka may gusto din sa kaniya ang lalaki na hindi niya patin alam ang pangalan.


Itinanong niya sa matanda kung ano ang pangalan nito. Sabi ng matanda ang pangalan daw nun ay Marco.


Marco ang pangalan nito.


Bago magtangahalian ay umalis na sila. Nalungkot pa siya dahil hindi man lang niya ito nakausap.


Paparating na naman ang kaniyang kaarawan kaya hiniling niya sa kanyang magulang na dun muli niya ganapin ang kaarawan. Di pa sana paayag ang kanyang magulang dahil dun dun sila nag diriwang ng kanyang kaarawang nung nakaraang taon, pero pumayag din sa huli ang kaniyang magulang dahil siya naman ang may kaarawan.


Pagdating nila sa resort na ang pangalan ay Kagwait Resort ay hinanap niya agad ang lalaki ngunit nabigo siya at nakaramdam ng lungkot. Pagsapit ng hapon ay naglatag ulit siya ng kumot at kumain tsokolate habang pinapanuod ang papalubog na araw. Kanina pa siya tinatawag ng kanyang Ate dagil kakaun na raw ngunit hindi siya nakinig.


Kasabay ng paglubog ay may tumambad sa kanyang harapan na isang lalaki. Sa una ay nainis pa siya dahil hinarangan ang kanyang tanawin mula sa kulay kahel na langit. Ngunit napawi rin iyon dahil nakita na niya ang lalaking kanina niya pa hinahanap na halos isang taon niya na ito gusto.

"Hi." Sabi ng lalaki habang tinitingnan siya nito na may ngiti sa labi. Dahil sa gulat ay hindi niya alam ang gagawin sa paglitaw nito sa kanyang harapan.


Lumipas ang araw sa pagbabakasyon nila sa resort ay naging mas malapit silang dalawa sa isa't isa. Parati siya nito sinusundo sa kwarto kung saan sila natutulog ng kaniyang ate. Pinakiusapan niya ang kaniyang magulang na manitili pa ng limang araw.


Ngayon ay ang kanilang panghuling araw, sabi ni Marco ay igagala niya ang dalaga  sa bilihan ng souvenir. Habang naglalakad ay nagtatawan at asaran silang dalawa kulang nalang kapag may makakita sa kanila baka isipin na sila ay magkasintahan.


Binilhan siya ni Marco ng bracelet para sa kanilang dalawa (couple bracelet) nalaman niya ni Alicia na simple lang ang pamumuhay hindi sila mahirap at hindi rin sila mayaman. Pumupunta pala si Marco at ang kanyang mga kaibigan sa dagat upang manghuli ng alimasag.


Pagkatapos nila pumunta sa souvenir shop ay naghabulan sila sa mga buhangin hanggang sa mahuli siya ni Marco sa nga bisig nito. Umupo sila sa tabing dagat habang yakap yakap siya ni Marco sa likod. Kakaiba ang saya bg kaniyang nararamdaman halos magwala na ang kanyang mga laman loob sa tiyan at nakakaramdam ng mga paro paro.


Hababg nakaupo sila ay hindi na namalayan ni Alicia na tuluyan na siyang nakatulog sa bisig ni Marco.


Pagmulat ng mata ni Alicia ay alam niyang nandito siya sa kanyang kwarto. Napaniginipan na naman niya ang alaalang 'yon. Walong buwan na ang lumipas simula ng kanyang kaarawan sa resort.


Tinatamad pa siyang bumangon kahit napaka importante sa kanyang Ate ang araw na ito.


Ginising at pinapabangon na siya ng kanyang ina dahil may magaganap ng kasalan ngayong araw at siya ang bridesmaids.

Nandto siya ngayon nakaupo at nakaharap sa altar. Pinapanood ang kanyang mahal na si Marco na kinakasal sa kanyang Ate.


Hindi niya alam na pagkatapos ng kanyang kaarawan at nung umuwi na sila ay umaalis ang kaniyang Ate at nakikipagkita kay Marco.

Habang naging mas malapit sila ni Marco ay mas nagiging nas malapit ang kanyang Ate at kanyang mahal.

Nagyon nandito siya pinapanuod si Marco at kanyang Ate na nagbibigay ng pangako sa isa't isa sa harap ng altar at diyos.


Lunipas ang isang taon matapos ang kasal ng kaniyang Ate. Ngayon na naman ay kanyang kaarawan pero magisa siya oumunta sa kagwait resort.


Nandito siya ngayon nakaupo kung saan una niya nakita si Marco. Pagod na pagod na si Alicia at hindi na kaya ang sakit nung kinasal ang kanyang Ate at mahal. Matagal niya ng tinatago ang labis na sakit na kanyang nararamdaman pero ngayon ay tatapusin niya na iyon.

Unti unti siyang humahakbang palapit sa dagat habang tumutulo ang kanyang mga luha. Naglakad lang siya sa dagat at walang pakialam na unti unti na rin siyang lumulubog at tuluyan nang nagpakalunod.


Ang nasa iaip niya lang ngayon ay sa wakas tapos na rin ang kaniyang sakit na nararamdaman.

_________


End.


PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon