"Son?" Dad asked.
Tumingin lang ako sa kaniya, hindi ko alam kung bakit niya ako tinawag. Actually, never niya akong tinawag na anak or like what he said.
"Umm, why don't we hang-out with your mom now?" He sincerely asked me.
This is new, why? Wala na akong ibang masabi o magawa. Minsan lang naman, and I want to make up after what I did.
"Okay, sure" I answered
"Great! So, I will wait you downstairs?" He's happy.
"No need, bababa na rin naman ako."
"Kung ganoon tara na!"
I don't know why kung bakit ganito ngayon ang trato niya sakin. Napatigil ako sa aking paglalakad, bakit parang ayaw ko na lang tumuloy? There is something wrong today. My excitement is draining, kinakabahan ako, naiiyak ako, pero bakit?
"Son, may problema ba?" Pag-aalala ni Dad.
Napatingin lang ako sa kaniya and umiling. Bumaba na si Dad and sumunod na lang ako, pero nawawalan ako ng gana. I saw my mom waiting outside, she's smiling. This is really new.
"Come on now, Son! Your mom is waiting. Alam mo namang mainipin yun." Masaya talaga si dad ngayon. Sana ako rin.
Sumunod na lang ako then sumakay sa sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon, pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako kinakabahan. Parang gusto ko na lang magstay sa bahay and cry.
"Son, we're here" Mom said
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa lugar na kung saan nila gustong pumunta. Hindi ko namalayan sa sobrang lalim ng aking pag-iisip at sa sobrang bigat ng aking nararamdaman ngayon. Nasa simbahan kami ngayon, sabi ni Mom gusto muna daw niyang makinig sa misa before we go somewhere else. Lalong bumibigat ang pakiramdam ko ngayon, ang sakit sakit na. I just wanted to cry right now. Nang makapasok kami sa loob ng simbahan, naghanap kami ng pwesto namin dahil nagsisimula na ang misa. Nagsitayuan ang mga tao at nagsimulang nagsi-awitan ngunit napatigil ako ng may nakita akong isang pamilyar na babae. Nagsimulang magpatakan ang luha ko sa nangyayari ngayon.
"Son, are you okay?" My mom asked
"Son?" Dad also asked
"Axton, okay ka lang ba?"
Hindi tumigil ang lumuluha kong mga mata, ang sakit sakit. Sana hindi na lang ako sumama, sana hindi na lang ako pumayag, napakasakit. Dahan-dahan kong tinuturo ang babaeng pamilyar sakin.
"Anak, bakit ka ba nagkakaganiyan?"
"Son, may problema ba?"
"She was mine, She Was My Universe first." I said while my tears falling and run away.
I'm sorry mi amor for everything.
BINABASA MO ANG
She was My Universe
Teen FictionIt's okay, its my fault. I'm sorry for ruining your life, but please always remember that I love you till death.