CHAPTER 12

12.4K 199 1
                                    

Chapter 12: Failure

I'M FINE! I'm fine. I'm fine. Calm down, Aurora Pearls. Keep calm. You are fine with that. Pero kahit ilang beses ko ng sabihin na okay lang ako at wala lang sa akin ang lahat na iyon ay masakit pa rin.

Nandoon pa rin ang sakit. Napapapikit ako sa tuwing naririnig ko pa ang mga sinabi niya. Mas lalo lang akong nasasaktan. It's alright, it's alright self.

Bumuntong-hininga ako. I picked my phone on my pocket and I was about to dial the number of someone nang madulas sa kamay ko ang phone ko.

Great, just great. Lumuhod ako at gamit ang mga kamay kong nanginginig ay pinulot ko 'to. Halos wala na akong makita dahil sa mga luha ko.

It's okay, it's okay. You'll be fine, Aurora. Tumayo na ako at naglakad na. Napaigtad pa ako ng may nakabangga sa akin.

"Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" sigaw sa akin ng isang babae. Ngunit para akong isang bulag, bingi at pipi. Hindi ko pinansin ang babae at diretso lang ang lakad ko.

Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko kaya pinapahiran ko na lang ito. Nasa parking area na ako at maski ang kotse ko ay nakalimutan ko kung saan ko nai-park. Masyadong lutang ang isip ko.

"Oh, there's my car!" natatawang sambit ko at naglakad palapit sa kotse ko.

Limang hakbang ang nagawa ko at napahinto rin ako ng makita kong sumabog ito. At dahil malakas ang pagkasabog nito ay tumilapon pa ang katawan ko.

I automatically closed my eyes at hinintay ang katawan kong bumagsak sa semento.

"Damn!" I heard someone cursed at kasabay na bumagsak ako sa matigas ngunit may kalambutan ring bagay.

I open my eyes and only found out that it was DV. Si DV ba ang sumalo sa akin?

"DV..." I uttered his name.

"Hey, wake up!" aniya at unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko.

"Hold on, Aurora!" Naramdaman kong binuhat niya ako at patakbong pumasok ulit sa loob ng hospital.

Sa nanlalambot kong kamay ay inabot ko ang pisngi niya. Masuyong hinaplos. Napangiti ako.

I love you, DV.

ISANG LINGGO at tatlong araw na ang nakakaraan simula noong sumabog ang kotse ko sa hospital. At tumakas nga ako. Yeah, I escaped from the hospital.

"Madam, ayos na po ba ang sugat niyo?" He's talking about my wound, on my cheek and forehead.

"I'm fine, Bud. I'm going home today," bored na sagot ko kay Bud.

"You're drunk," aniya.

Ah, I'm not. Kaunti lang naman ang ininum ko ah?

"I'm really fine, Bud. Mataas ang tolerance ko sa alcohol. Just ready my car," balewalang sabi ko at tumayo na ako ngunit muntik na akong mabuwal. At maagap naman si Bud kaya nahawakan niya ako sa braso.

"I'm alright. Let me go, Bud."

"Alright. I'll driving you home, madam."

"No...no...no, Bud. Stay here and me? Uuwi na ako sa asawa ko at m-may pag-uusapan kami," wala sa sariling sambit ko.

"Fine. I know you can handle yourself," pagsuko ni Bud.

"Here's your key. Drive safe, madam."

"Alright!" masiglang sabi ko at mabilis na sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot ito.

My Wife's Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon