#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
"Where that guy came from, sobrang gwapo niya"namanghang sabi ni Chianna ng nakaupo na kami ngayon dahil tapos na ang praise and worship. Nagulat ako ng siniko ni Dan si Chianna mabilis naman nilingon si Chianna si Dan. Nakakunot ang noo ni Dan at seryoso ang mga mata niya.
"Kidding, of course mas gwapo ka sa kanya"natatawang sabi ni Chianna.Napailing nalang ako at binaling ang tingin sa harapan. Napahinga ako ng maluwag dahil nasa likuran lang kami ni Chianna nakaupo habang nasa harapan naman sila ni Yohan. Pero sobrang layo ng distansiya namin ni Yohan dahil malaki at malawak ang simabahan. Aminadong sabik akong makita siya pero hindi pa akong handang makita siya.
Habang may kumakanta sa harapan, isang offering song ay palihim kong sinulyapan si Yohan. Lumabas siya, dumaan siya sa may pintuan sa gilid ng stage. Nakinig nalang ako sa kumakanta at kalaunan ay kaagad akong tumayo para maglagay ng offering sa harapan.
Nang makabalik na kami sa upuan ni Chianna at Dan ay tinuon ulit namin ang tingin sa pulpito para makinig sa word of God. Habang nasa kalagitnaan kami ng pakikinig ay may bigla akong narinig na nag-uusap sa likuran ko.
"So what's the next activity?" napakagat ako ng labi ng marinig ang bosess niya sa likuran.Kung noon ay malalim ang bosess niya ngayon ay mas lalong lumalim. Hindi ko akalain na talagang nagmature physically si Yohan.
"Mamaya nalang natin iyon pag-usapan makinig muna tayo" wika ng isa sa kasamahan niya.
"Alright then" wika niya. Hanggang nagyon parin talaga ay hindi nag-bago ang lahat tumitibok parin ang puso ko para sa kanya.
"Hey miss, will you mind if i sit here" kumabog ang puso ko nang marinig ang bosess ni Yohan sa gilid ko. Para akong naistatwa at hindi siya nilingon. Nagulat ako ng biglang nilingon ni Chianna si Yohan at ako. Siniko niya ako at pinandilatan ng mata.
Dahan-dahan kong nilingon si Yohan at tumango sa kanya. Hindi man lang siya nagulat na nandito ako, napa-smirk lang siya at umupo na sa tabi ko. Kumabog ang puso ko ng magtama ang balikat naming dalawa kaya umusog ako ng konti ng sa ganoon ay magkaroon kami ng isang dangkal na distansiya.
"Alam naman natin na lahat ng kabataan kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan ay kaagad naging aktibo ang lahat" nagulat ako sa sinabi ng preacher na asawa ng pastor, ang pastora. Napalunok ako at tinuon ang atensiyon sa harapan para makinig.
"1 Corinthians chapter 13, doon masasagot ang tanong niyo tungkol sa pag-ibig" dag-dag ulit nito. Palihim kong nilingon si Yohan. Mabilis akong napaiwas ng tingin ng mapagtantong nakatingin din siya sa akin. Pinagtagpo ko ang dalawang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri. Hindi ako makakafocus nito sa pakikinig.
"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record for wrong" iyan lang ang narinig ko sa kabila ng isang chapter na binasa ng preacher. Napabuntong-hininga ako ng malalim.
"See" napalingon ako kay Yohan ng bigla siyang magsalita sa gilid ko. Napasmirk siya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"What do you think? About love, miss?" nagulat ako ng magsalita siya sa gilid ko. Napakagat ako ng labi at yumuko. Nanatili akong tahimik at hindi sinagot ang tanong niya.
"Do you think i can do that for you? Love is not self-seeking, love is patient that's why i let you go that time, even though you didn't hear my explanation, i always understand you" bumulong siya sa tenga ko dahilan para tumindig ang balhibo sa katawan ko. Ramdam ko rin ang mainit at mabango niyang hininga. Kahit na pawisan siya ay amoy na amoy ko ang panlalake niyang pabango.
"I'm sorry Yohan" yun lang ang nasabi ko at may luhang namuo sa mata ko.
"What are you talking about Miss I'm just stating my opinion" bulong niya ulit sa tenga ko at sarkastikong tumawa. Nagulat ako ng tumayo siya at iniwan akong tulala habang nakatuon parin ang tingin sa harapan.
Maybe I'm too late, siguro wala na akong babalikan. I choose to leave him dahil gusto kong ayusin ang sarili ko pero siguro huli na ang lahat. Baka nga siguro may pamilya na siya. He is 25 way back when i become their maid at noong nagkamabutihan kami. 30 na siya ngayon kaya malabong single pa siya.
Maybe i need to accept the fact na hindi kami para isa't isa. May luhang kumawala at dahan-dahan itong dumadaus-dos sa pisnge ko. Mabilis ko itong pinunsan. Hanggang ngayon tumitibok parin ang puso ko sa kanya at hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako sa sitwasyon naming dalawa.
Kapagkuwan ay narinig ko ulit ang isang verse na sinabi ng preacher na dahilan para tumatag ang pananalig ko na baka nga ay may nararamdaman sa akin si Yohan.
"Love never fails. But where there are prophecies, they will cease;where there are tongues, they will be stilled;where there is knowledge, it will pass away"
Love never fails wika ko sa sarili at naoabuntong-hininga sabay na yumuko.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
Roman d'amourIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...