Prologue

5 0 0
                                    

Bakit ba kasing kailangan magaral pa'ko dito? hindi ko naman hinihingi ang tulong niya para pagaralin ako sa mamahalin na paaralan na ito. Papunta ako sa paaralan bitbit ang bag ko dahil may binili akong cartolina kanina sa main gate. 7:30 na pero 8:00 pa naman ang pasok kaya okay lang iyon.

Mas malapit ang building namin sa north gate kaya doon na ako nagdaan. Malapit na'ko sa gate ng makita ko si pat na kumakaway sa loob,kinawayan ko siya at nginitian, nang nasa gate na ako papasok nang hinarang ako ng guard. Tinuro nya ang nakapaskil na "NO id NO entry"humawak ako sa dibdib ko para tignan kung andon ang lace ng id ko pero wala! hinagilap ko pa sa bag ko para tignan ang id kung nanduon, masyado na'kong nakakaabala sa mga tao dahil nakaharang ako sa daan nila.

naghihintay na rin sa'kin si pat sa loob kaya tumabi muna ako para itext si papa na pakidaan ang id ko dahil ihahatid nya mamaya si kael. pero hindi ko alam kung magrereply si papa dahil alam kong bumyahe nanaman siya! Tatawagan ko sana si papa nang may nanghila sa braso ko papunta sa gate.

ang sakit ng pagkakahawak niya sa wrist ko kaya pumipiglas pa ako pero lalo niyang hinihigpitan, ang bango niya at ang fresh niyang tignan alam kong hindi dapat ako nagpahatak sa kanya pero nandito na.

Nakaayos ang buhok niya, naka beige na polo at black slacks at black bag. "I'm fine" pilit na sabi ko sa kaniya, mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak sa akin at pumunta sa guard. "id mo?" tanong nanaman ng guard, sa lahat pa ng guard eto pa ang na-encounter ko! Malas! tinignan ko ang loob para tignan si pat kung andon pa pero wala na siya. Umiling ako sa guard at pinaparating ko sakanyang wala.

Nilapit ako nung humatak sakin na lalaki... i mean my past...

"I'm with her, let her in" blankong sabi niya at blanko rin ang mukha niya, kanina pa sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil in the first place wala naman dapat talaga ako dito! Nang pinapasok na kami ng guard bigla niyang inalis ang hawak sa wrist ko at tuloy tuloy naglakad.

hindi ako nakapagpasalamat kaya binilisan ko ang lakad ko para makasunod sa kanya huminto siya nang maramdaman ang presensya ko pero nasa likod niya parin ako, amoy na amoy ko ang pabango niya na...

"u-uh s-salamat" pinilit kong ngumiti dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kinakabahan ako.

aalis na sana siya pero huminto siya at "anata ni aitakatta" bulong niyang sabi pero rinig ko pa rin.

Mas lalo akong kinabahan dahil alam ko ang ibig sabihin nuon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Your scent in the streetWhere stories live. Discover now