No Way Out

215 13 14
                                    

18th of February 2037

12:32 p.m.

Sa mataas na sikat ng araw.

Naglalakad ako, pagewang gewang.. parang lasing. Ang totoo, lasing naman talaga ako. Lasing sa katotohanang ang mundong maayos na ginagalawan ko dati.. is already f*cked up! Pero mukhang wala namang pinagkaiba noon.. maliban na lang sa mga naglalakad na patay ngayon na kumakain ng lamang loob ng mga buhay na tao, yun ay kung may natitira pa bang buhay dito.

Masakit na ang mga paa ko.

I had this feeling noong nag-aapply pa ko ng trabaho sa mga nagtataasang buildings sa Ortigas.

Nakakauhaw ang 8 months na summer.. pati ang seasons nangbubwiset na rin. Buti na lang may built-in water station ang katawan ko. Yun nga lang nangangamoy mapanghi ang hininga ko.

Naisip ko na rin kumain ng lupa.. but it didn't work well. Akala ko same taste lang sila ng dinurog na brownies.. no sugar pala. Walang lasa. Para lang ito sa mga nagda-diet at gustong pumayat. Eh, ano pang ipapayat ko? Pati abs ko lumubog na.

Nakakaadik ang mag-isa, kung anu-ano ang maiisip mong gawin. Gaya na nga lang ng pagkain ng lupa.

Hindi ko inisip magpakamatay, takot ako. Takot akong masaktan, gusto ko kung malalagutan ako ng hininga.. yung tipong tinuturukan lang ng gamot. Parang yung little injection.. little or lethal? Ah! Basta parehas lang daw yun.

1:01 p.m.

Nakasalubong ko yung kakilala ko.. kinawayan ko. Snober. Peymus?!

Nilampasan lang ako. Kahit sa panahong ito, meron pa ring plastik, totoo ngang hindi sila kaagad nabubulok kahit sa paglipas ng mahabang panahon.

Nilingon ko sya pabalik. Nakita kong wakwak na pala ang likuran nya.. kaya naman pala.

Napakajudgemental ko naman.

Pero bakit nya ko nilampasan?

Dahil ba wala akong utak?

Hindi ba ko yummy?

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Marami na kong nakasalubong na walkers.. ni ha, ni ho wala akong narinig sa kanila.

Hindi man lang nakikipag-eye contact. Lahat sila nakayuko at mukhang ikinahihiya ang past life nila bilang mga tao. Lahat naman ng tao may kasalanan noong nabubuhay pa, kaya siguro ganun.

Continuous walking.. untill I accidentally saw my reflection on a broken window glass.

Mukha na pala akong zombie, haggard ang itsura ko.. lubog ang mga mata, upak ang mukha at madungis, punit punit ang damit.

I tried to smile and I saw the glow on my face.. its yellowish glow. Alaga ko pala ang ngipin ko, namaintain ko syang buo at madilaw. Walang ka effort effort.

3:21 p.m.

Malayo na ang nalakad ko.. mas malayo pa sa nilakad ng mga sundalong kasama sa Death March.

And I'm still alive.

Minsan darating talaga sa buhay ng tao ang swerte, at hindi ko expected na isa iyon sa mga araw na ito. Jackpot!

Isang abandunadong Grocery Store. Kakaunti pa lang ang branch nito noong 2014.

Maswerte ako at nag-boom ang company nito, dahil kahit saang sulok ka pumunta ay meron na nito.

Pumasok ako sa loob.

Masarap sa pakiramdam ang makakita ng mga decent foods, kahit pa expired na sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STARVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon