Kinaumagahan ay nagising ako na nauna pa sa sinet kong alarm. 9AM at nasa school na si mama. Si Miko naman ay pumasok na. He's working as a baker sa isang sikat na resto. Paglabas ko ng kwarto ay nakita kong pinag-iwanan nila ako ng breakfast. Agad ko namang kinain to at nagprepare pagkatapos para sa client meetup ko for today.
As always on time ako. 5 minutes after ay dumating na din ang ka meet ko. Mag-asawa sila kasama ang kanilang babaeng anak. Isang debut celebration ang gusto nila. Nag enjoy akong kausap silang tatlo. Intimate celebration ang gusto nila at family and close friends lang ang invited as much as possible.
Maya-maya pa ay nagpaalam na ako sa kanila at kinuha ko ang cellphone ko para i-chat si Ace.
GINO:
"Hi. Tapos na ako sa meeting ko"I-sisend ko palang sana ang message ko pero maya-maya lang ay may narinig na akong pamilyar na boses mula sa aking likuran.
ACE:
"I'm here na"GINO:
"Aba! On time ka masyado ah"ACE:
"Actually kanina pa ako dito. Nag-ikot lang ako at tumambay dun sa cafe na malapit lang sa pinag-meetingan mo"GINO:
"Oh siya. Tara na at nagugutom na ako"He's so cute pag nakangiti. Naku magaling tong manloko. Akala niya makukuha niya ako ah. Never! He's wearing a white polo shirt at naka brown chino short and paired with white sneakers. Ang linis niya tingan sa suot niya. Anyway tama na muna ang mga observations na yan at kakain muna kami kasi ako'y gutom na.
Habang nasa biyahe ay patuloy ang pag-observe ko maging sa mga gamit sa loob ng kanyang sasakyan. As expected kung gaano siya kalinis tingnan ay ganun din ang loob ng kanyang sasakyan.
GINO:
"Ano nga pala ang pinagkakaabalahan mo?"ACE:
"I'm an architect and I'm also helping my mom's flower shop minsan pag free ako"GINO:
"I see. Wala ka bang lakad na mas importante pa ngayon?"ACE:
"Kasi hindi dapat ako mangungulit sayo?"GINO:
"Oy hindi sa ganun. Kasi naman hindi na need ang ganito pa. Kinalimutan ko na nga lang mga nakita kong eksena eh. Pero sino ba yun?"ACE:
"That's Ian"Nag-hihintay ako ng susunod niyang sasabihin if sino ba si Ian sa buhay niya. Pero hindi nalang ako nagtanong pa kasi baka sabihin pa niya na pakialamero ako masyado. Di naman kami close para sabihin pa niya kung sino to sa buhay niya.
ACE:
"He was my partner for 5 months. We ended our relationship last week lang pero ayaw niya"Hindi ako nakasagot agad sa mga sinabi niya. I'm not really sure with his sexual preference to be honest. Akala ko talaga straight siya pero at the back of my mind unaasa din ako na hindi. Nakakagulat lang na sobrang deretcho ng pagkakasabi niya. Walang preno preno.
ACE:
"What's with the shock face?"GINO:
"Huh? Ah hindi lang ako makapaniwala"ACE:
"Saan naman? Sa wala na akong jowa or sa may jowa akong lalake?"GINO:
"I thought you're straight kasi"ACE:
"So do you expect me to act too girly kasi hindi ako straight at dahil nagka boyfriend ako?"GINO:
"Sorry hindi ganun ang ibig kong sabihin. I'm not expecting that you will open up that personal matter to me na ngayon mo lang nakilala"ACE:
"Why not. Mapagkakatiwalaan ka naman siguro"Nginitian ko nalang siya sa kanyang mga sinabi. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa destinasyon namin. And again, hindi ko iniexpect na sa isang bulalohan kami kakain. I'm not saying na ayaw ko ha pero siguro mali lang mga assumptions ko sa kanya. Pero speaking of pagkain, eto nga ang hinahanap ng sikmura ko kanina pa eh, yung mga lutong bahay.
Agad kaming naghanap ng pwesto namin at siya na ang pina-order ko ng kakainin namin. So guess what ano inorder niya? Isang special bulalo, bangus sisig at buttered shrimp.
ACE:
"Let me know kung may iba ka pang gusto aside sa mga inorder ko"GINO:
"Panalo na to ano ka ba. Okay na okay na to kaya tara kain na tayo"ACE:
"I hope you don't mind kung dito tayo kumain. Nasiraan kasi ako one time ng sasakyan at napadpad ako dito. Sobrang sarap ng mga luto nila at gusto kong matikman mo"GINO:
"Naku walang problema sa akin kahit saan tayo kumain. Importante, uuwi tayo ng busog"At nagtawanan nalang kaming dalawa. Ang dami naming napagkwentuhan. Ang paboritong ice cream flavor niya ay vanilla. Ang gusto niya sa spaghetti ay matamis at pinoy style. He's also into streetfoods at same kami na adik din sa isaw at chicken skin. Tama ako sa height niya na 5'8. Ang birthday niya ay June 15. May kapatid siyang babae na nag aaral pa at nasa college na.
Oh diba ang dami ko ng alam sa kanya. I enjoyed talking to him. Siguro dahil hindi siya boring kausap kaya ako din kinukwento ko buhay ko sa kanya.
Mahigit isang oras din kami sa karenderia bago kami magpasyang umuwi. Nagtake out pa ako ng special bulalo kasi gusto kong ipatikim kina mama at Miko. For sure magugustuhan din nila to.
Tahimik lang ang naging biyahe namin pauwi. Napagod din siguro kami sa kakakwento.
Nang makarating kami ng bahay ay nagpaalam na ako kay Ace.
GINO:
"Thank you pala sa pa late lunch Ace ah"ACE:
"Salamat din sa time mo. I hope pwede ka ulit sa susunod"GINO:
"Naku depende na sa schedule ko. Tsaka anong susunod ang sinasabi mo"ACE:
"Maybe pwede tayong lumabas ulit?"GINO:
"Ano ba tumatakbo sa isip mo? Sorry ayoko lang ng paligoy ligoy kasi"ACE:
"I'm asking you out again sana. Pero this time para magdate"

BINABASA MO ANG
Let's fall in love tonight
RomanceSi Gino ay isang freelance photographer na ayaw pumasok sa isang relasyon pero curious kung ano nga ba ang pakiramdam. Makilala niya si Ace, isang architect na ang hilig ay makipag-fling lang. Si Ace ba ang magiging unang boyfriend ni Gino who will...