TITO

2 0 0
                                    

"Oh, anong iniiyak-iyak mo dyan?." Tanong sa'kin ng tito ko.

Nakahiga siya sofa ng bahay na akala mo parang walang nangyari.

"W-wala p-po, t-tito." Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Maglaba ka na do'n sa labas, dalian mo. At darating ang anak ko!" Nakasigaw pang utos niya sa'kin.

Nang maulila ako, pinagpasa-pasahan na lang ako ng mga kamag-anak namin. Hanggang sa napunta ko sa tito kong walang kasing hayop.

Pinagsasamantalahan niya 'ko at ginagawa niya 'kong parausan.

Umaga, tanghali, hapon at gabi. Walang pinapalampas na oras na hindi niya ko ginagalaw. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Wala naman kasi akong mapagsusumbungan, walang maniniwala sa'kin at tinatakot niya rin akong papatayin niya 'ko kapag nagsumbong ako.

Habang naglalaba, maya-maya pa ay may paparating na isang babaeng napakaganda. Matangkad, maputi, sexy. Hanggang balikat ang buhok. Nakasuot siya ng itim na boots, 'yong hanggang tuhod,  tapos nakawhite na fitted croptop.

Siya ang anak ng tito ko.

Lumapit siya sa'kin at saka ngumiti. Tinignan niya lang ako saglit saka pumasok sa bahay namin. Nakakapagtaka dahil parang nag-iba siya.

Noon kasi ay kapag pupunta ito sa'min, ay parati akong binabati at kinikumusta. Kung sa bagay napakatagal ko na rin kasi siyang hindi nakikita kaya nagbago na siguro.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong paglalaba hanggang sa ilang saglit lamang ay may narinig akong sigaw.

Sigaw ng tito ko.

"Sino ka?!" Tila takot na takot sa kung ano man ang nakikita niya.

Agad akong sumilip sa bintana. Nakita ko ang tito ko. Nakaupo sa sofa. Ang anak niya naman ay nakatayo sa harapan niya.

"Ako ang anak mo, hindi ba?" Ngumisi ito na parang nakakaloko.

Ang ngiting 'yon ay hindi ko maipaliwanag, tila nagbigay sa'kin ng kilabot sa buo kong katawan.

Natawa ang tito ko, ngunit bakas pa rin dito ang takot. "Hindi ikaw ang anak ko. Kaya..."

Akmang hihipuin nito ang maselang bahagi ng parte ng katawan ng anak niya ng bigla itong maglabas ng espada saka pinutol ang braso nito na nagtangkang manghipo.

Teka, saan nanggaling ang espadang 'yon?!

"Ahhhhh! Ahhhhh! Tulooooong!!!!!!!" Sigaw ng tito ko na tila naiyak na sa sobrang sakit ng kaniyang sinapit.

Hindi ko alam ang gagawin ko nanigas na ko sa kinatatayuan ko. Wala akong magawa. Parang may nagsasabi sa isip ko na, tumayo lang ako at ang anak na nito ang bahala sa lahat.

Tumatabi-tabingi ang ulo ng anak ng tito ko. At sa isang iglap. Nagbago ang itsura nito. Ang itim nitong buhok ay nagkaroon ng kulay pula sa bandang gilid. At ang mga mata niya ay tila napaka mapanganib, nakadagdag panganib pa ang pula nitong mata. Napakaganda niya

AN: Yung itsura nung buhok niya parang yung kay Rogue ng X-Men.

"Ang ingay." Mahinanon na sabi nito.

Walang nagawa ang tito ko kung hindi ang sumigaw ng sumigaw. Hindi malaman kung ano ang dapat gawin.

Hanggang sa hinawakan ng babae sa buhok ang tito ko. Hinawakan ng sobrang higpit.

"Ahhhhhh–" Hindi na nakasigaw ang tito ko.

Napakurap-kurap at napanganga ako dahil sa ginawa ng misteryosong babae na 'to.

Mabilis nitong pinugutan ng ulo ang tito ko. Walang bakas ng kahit anumang takot o konsensya. Bakas rin ang kasanayan nito at tila alam na alam ang dapat gawin.

Pagtapos no'n ay walang kahirap-hirap na binitbit palabas ng bahay ng babaeng ito ang tito ko. Puno ng talsik ng dugo ang damit nito.

Nasa kanang kamay nito ang ulo ng tito ko. Tumutulo pa ang dugo. Ang itsura ng tito ko ay nakanganga at dilat ang mga mata habang wala ng buhay. Ganoon din ang katawan niya na hawak sa kaliwang kamay, duguan at wala ng buhay.

Lalo akong napanganga ng unti-unting umangat  sa ere ang babae. Lumipad ito papunta sa ilog na halos katapat lang ng bahay namin, at ilang metro lang ang lalakarin. Itinapon niya ang katawan ng tito ko doon ng walang kahirap-hirap.

Mabilis siyang bumalik at tumayo sa harapan ko. Ngumiti sa'kin na parang sinasabi niya na malaya na 'ko sa impyernong pinaranas sa'kin ng tito ko.

Akmang tatanungin ko ang babae kung anong pangalan niya ng...

unti-unti itong mawala sa paningin ko.

Ipagpapatuloy...

Lucid NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon