Ipinanganak na bulag si Chrystalene kaya naman tampulan siya ng tukso ng mga kapwa bata. Lumaki siyang malungkutin hanggang makilala niya si Timothy. Ang kaunaunahang lalaki na nagpabilis sa tibok ng puso niya. Ginawa niyang inspirasyon ang lalaking tila musika ang napakalamyos na boses tuwing kanyang maririnig. Napakabait nito sa kanya kaya lalong nahulog ang loob niya dito. Ngunit may mga bagay talaga na hindi pwedeng mangyari. Si Timothy kasi ay kasintahan ng nakababata niyang kapatid na si Marie. Mahal na mahal niya ang kapatid dahil ito lang ang tumanggap at nagmahal din sa kanya kahit pa ganun ang kalagayan niya.
"Ate, inaya na akong magpakasal ni Timothy!" Masayang balita nito sa kanya isang araw. Para naman siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa narinig.
"Huh? G-ganun ba? K-kelan?" Bahagyang nautal pa siya ng magsalita.
"Kagabi lang. Sinurpresa niya ako!" Halatang kilig na kilig ito na hindi man lang napansin ang pagkautal niya.
"Pumayag ka?"
"Oo naman! Sino bang hihindi kung ang mahal mo ang mag-aalok ng kasal sayo, diba? Isa pa 25 na ako. Nasa tamang edad na para mag-asawa." Puno ng kasiyahang tugon nito. Parang gusto niyang maglaho at kainin nalang ng lupa kaysa marinig ang iba pang sasabihin nito. Oo nga't mahal niya ang kapatid at ikasisiya rin niyang maging masaya ito. Pero iba pala pag ang mismong mahal niya ang binibida nitong nagdulot ng kasiyahan dito.
"Congratulation!" Niyakap niya ito ngunit hindi dahil masaya siya kundi para di nito mapansin ang malayang pagpatak ng kanina pa nagbabantang mga luha.
"Thanks, Ate. Maid of honor kita, huh. " Anitong gumanti din ng mahigpit na yakap.
Kay bilis lumipas ng mga araw. Hanggang sumapit ang araw ng kanyang kasawian. Ang araw na napagkasunduang kasal ng kapatid niya. At tulad nga ng nais nito ay siya ng maid of honor nito.
"Ate ayos ka lang ba? Ba't parang balisa ka ata?" Tanong nito sa kanya. Kanina pa kasi siya di mapakali sa kinauupuan.
"Marie, ayos lang ba talagang ako ang maging maid of honor mo? Baka mapahiya ka lang. Bulag ako, oh. Baka magkalat lang ako sa kasal niyo." Nag-aalalang tanong niya dito.
"Ate, ano ka ba. Kaya nga tayo nagpractice diba. To make everything perfect. Kaya wag ka ng OA dyan. Halika na at baka mainip na ang groom ko sa pag-aantay."
Sumakay silang dalawa sa bridal car. Kwento ito ng kwento ng mga masasayang bagay. Habang siya naman ay patuloy paring di mapakali.
"Marie, I'm sorry, huh." Maski siya ay nabigla sa lumabas sa kanyang bibig. Pero wala ng bawian iyon dahil nasabi niya na. Natahimik ito bigla dahil doon at ilang minuto pa muna ang lumipas bago nagsalita.
"Bakit Ate?May problema ba? Meron ba akong hindi alam?" Nanginginig ang boses nito ng magsalita. Gustong gusto niya itong yakapin. Akmang hahawakan niya sana ito ng bigla nalang pumreno ang driver nila.
"Anong nangyari, Manong?" Halatang kabado ang kapatid niya ng magtanong.
"Ewan ko po, Ma'am. May humarang po sa atin, eh."
"Bumaba ka dyan, Tanda!" Narinig niyang sigaw ng isang lalaki na narinig din niyang pilit binubuksan ang pinto. Naramdaman niyang napakapit sa kanya ang kapatid kaya niyakap niya ito.
"Huwag kang matakot. Andito lang ang Ate." Pang-aalo niya dito dahil ramdam niyang takot na takot ito.
"Kayong dalawa. Baba!" Naramdaman nalang niyang parang hihiwalay ang kamay niya sa katawan dahil mahigpit na kumapit doon ang kapatid niya ng hilahin ito pababa ng lalaki.
"Anong gagawin niyo? Para niyo ng awa wag niyo kaming papatayin." Pagmamakaawa niya dito.
"Tumabi ka dyan bulag kung ayaw mong ikaw ang unahin ko." Anang lalaki na itinulak siya kaya napahiga tuloy siya sa may damuhan. Dinaluhan naman agad siya ng kapatid. Niyakap siya nito ng marinig niyang napasigaw ito sa sakit.
BINABASA MO ANG
SUMIGAW TUMAKBO MAGTAGO II
KorkuSUMIGAW TUMAKBO MAGTAGO BOOK II Episode I- Ibalik Mo Ang Mata Ko Episode II- Daungan ng Kamatayan Episode III-Kaibigan Enjoy reading...