Episode II- Daungan ng Kamatayan

1.8K 55 0
                                    

Kinakalawang na bakod na bakal. Nilulumot na sementadong daan. Mga upuang halos maagnas na dahil sa kalumaan. At tahimik na dagat.

Parang kailan lang ng unang tumuntong sa Sta.  Feliciana ang mag-anak na Salvador lulan ng barkong ipinangalan din ng may-ari sa lugar na iyon. Ang MV Sta. Feliciana. Ginagamit pa noon ang pier at marami pang mga turistang sa pier na iyon pinipiling dumaong. Ngunit may nangyaring nagpabago ng lahat. Sa di malamang kadahilanan ay nabutas ang barko na noon ay kinalululanan ng 300 pasahero at lumubog ito. Mula noon ay unti unti ng nawala ang mga dumadaong daun hanggang sa tuluyan na ngang abandonahin ng may-ari ang pier.

Ngayon ay saktong sampung taon na ang nakakalipas at di nila inaasahang may magkakainteres pang buksan muli ang daungan.

"Eh,  Sir talaga ho bang sigurado na kayo dyan sa disesyon nyong buksan uli itong pier? Eh marami ho kasing mga dapat pang ipaayos dito bago mabuksan ulit, eh. Tsaka simula ho nung lumubog yung MV Sta.  Feliciana sampung taon na ang lumipas eh wala na hong nagkainteres dumaong dito. Balibalita ho kasing lumubog yun dahil sa kagagawan ng mga maligno sa dagat nitong pier." Pagsasalaysay ni Mang Jerry kay Johnson. Ang lalaking nagkainteres na buksang muli ang daungan. Iniisip nya kasing baka dahil sa mga sinabi niya ay magbago ang isip nito.

"Mang Jerry kayo na rin ho ang maysabi na sampung taon na ang lumipas. Panigurado nakalimutan na iyon ng mga tao. At saka papalitan ko naman ang pangalan nitong daungan. Gagawin kong pier 63." Sagot naman nitong halatang di naniniwala sa mga sinabi niya.

"Kayo po ang bahala. Hindi po ako nagkulang sa pagbigay ng babala sa inyo. Wag po sanang kayong magsisi." Misteryosong pahayag ng matanda na tinawanan lang ni Johnson

Lumipas ang ilang araw at inumpisahan na ang paggawa ulit sa pier. Maraming dinagdag na mga bagong facilities  si Johnson para daw  mas makaakit sila ng maraming tao. Hanggang isang araw ay dumating ang kinakatakutan ni Mang Jerry.

Araw ng linggo kaya walang trabaho. Tahimik na tahimik ang buong pier.  Sa di kalayuan naman ay may mga batang masayang naghaharutan at nghahabulan hanggang makarating sila  sa may  pier.

"Wow,  ang ganda na nitong pier, ah. Di na katulad dati na nakakatakot." Komento ng batang si caloy.

"Oo nga noh nakakapanibago." Nasisiyahan ding pahayag ni ken.

"Oo at tsaka yung dagat parang inaaya tayong maligo, oh." Tila nahihipnotismo namang pahayag dn ni buboy.

"Tra ligo tayo?" Aya ni ken sa dalawa.

"Huh?  Eh diba bawal maligo dyan kasi malalim daw?" Pagdadalawang isip naman ni caloy. Hindi nmn sa hindi siya marunong lumangoy kaya siya takot sa malalim. Ang higit na kinakatakutan niya ay ang sinasabing maligno ng pier.

"Naduduwag ka lang ata, eh." Pang aasar naman ni ken.

"Hayaan mo nga siya kung ayaw niya tayo nalang." Pahayag naman ni buboy.

Agad namang naghubad ng damit ang dalawa at tumalon sa tubig. Sisid dito sisisd dun. Iniinggit pa nila si caloy para maingganyo din itong maligo. Mayamaya...

"Ahhhhhhhhh...............  Caloy tulong." Sabay na sigaw ng dalawa habang ngkakakawag.

Nabigla naman ai Caloy at agad ding tumalon sa tubig.

"Hahahahaha......" Di mawat sa kakatawa sina Ken at Buboy ng tumalon nga si Caloy pra saklolohan sila.

"Ang tapang mo,  loy. Isipin mo sasagipin mo kaming dalawa. Hahahahaha..."  Patuloy pring kantiyaw ni Ken sa kanya.

Nagpupuyos na umahon naman si Caloy at walang lingon likod niyang iniwan ang dalawa na tawanan prin ng twanan.

"Caloy, tulong!!!!!" Narinig nyang twag ng dalawa ngunit binalewala nya iyon sa pag-aakalang niloloko na naman siya ng mga ito.

SUMIGAW TUMAKBO MAGTAGO IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon