Ilang buwan na lang manganganak na ang ate ko na asawa ng panganay namin. Kami naman ni Anie nagpapasalamat ako at wala pa kaming away kahit na dalawang buwan na kami. Kahit na iilan lang kami magkita, may tiwala naman siya sa akin at ganun din naman ako sa kanya dahil mahal namin ng isa't-isa. Nalungkot ako bigla ng nalaman kong nagkasakit si Anie at hindi na nakapasok sa school ng ilang araw.
"Mhine, hindi maganda pakiramdam ko", text niya sa akin.
"Hallah, bakit mhinecoh? Anong nangyari sayo?".
"Ewan ko mhine basta masama pakiramdam ko".
"Sige mhine, punta ako diyan", at dali-dali akon pumunta sa bahay nila at nagpaalam ako sa mama ko sa pamamagitan ng text. Bumili muna ako ng mga prutas at gamot para sa kanya.
"Gandang Hapon po Auntie, si Anie po?", pasabi ko bago ako pumasok sa bahay nila.
"Oh Oliver, pasok ka! Nasa kwarto si Anie teka at tatawagin ko lang. Upo ka muna", sagot ng Auntie niya.
"Oh sige po Auntie".
Nang lumabas na si Anie lumapit agad ako sa kanya. Hinawakan ko noo niya para malaman kung may lagnat siya o wala.
"Musta ka na mhine? Wala ka namang lagnat ah", sabi ko sa kanya na nag-aalala.
"Ok lang ako mhine", palusot niyang sabi kahit na halatang may masakit sa kanya. Hindi ko din alam kung may sakit ba talaga siya o wala dahil okay lang naman siya kung titignan pero ayos na rin to para makasama ko siya.
Maghapon ko lang siya sinamahan para naman maging okay na siya. Hinanda na rin niya ang prutas na binigay ko sa kanya, pinaghatian namin yun. Nag-uusap lang kami habang kumakain at nanonood ng TV hanggang sa maggagabi. Masama din ang panahon ngayon dahil may bagyong tumama sa bansa kaya nanatili muna ako dito sa bahay nila.
"Mhine, number nga ni Tita. Ipapaalam lang kita sa kanya", sabi ni Anie sa akin habang nakaupo kami na magkahawak ang mga kamay.
"Heto mhine", habang inaabot ko sa kanya ang cellphone ko na nag-aalinlangan na baka di siya payagan.
"Sigurado ka mhine na itetext mo si mama? Baka hindi yun pumayag eh. Huwag na lang kaya?", sabi ko sa kanya bago pa niya binalik sa akin ang cellphone ko.
"Oo mhine, para naman di sila mag-alala. Papayag yun", malakas niyang loob na sinabi sa akin.
"Kaw bahala mhine"
"Gandang Gabi po Tita, si Anie po ito. Puwede po bang mag-stay muna si Oliver dito sa bahay ngayong gabi?", text ni Anie sa mama ko.
"Ano sabi ni mama?", tanong ko kay Anie.
"Hindi pu-puwede Hija, pauwiin mo na si Oliver habang maaga pa", reply ng mama ko na pinabasa niya sa akin.
Halata sa mukha ni Anie ang pagkadismaya sa reply ng mama ko. Ganun din naman ako dahil gusto ko siya alagaan at samahan ngayong gabi. Hindi ko kayang suwayin ang mama ko dahil may sakit siya sa puso. Ayaw na ayaw kong nagagalit siya kaya sumusunod na lang ako sa mga gusto niya.
"Sabi ko sayo eh. Dapat di mo na lang tinext", nakangiti kong sinabi kay Anie.
"Sayang mhine pero okay lang, may next time pa naman",
"Oh sige mhine, alis na ako kung ganun pero wala akong payong pano ako makakauwi", sinabi ko sa kanya na sana wala siyang payong para di na ako makauwi.
"May payong naman ako mhine pahiram ko na lang sayo. Balik mo na lang pag nagkita na ulit tayo", sagot niya sa akin.
"Eh ano gagamitin mong payong pag lumabas ka?", umaasang wala talaga siyang gagamitin habang sinasabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Undying Love
RomanceAng kwentong ito ay tungkol kay Oliver na nainlove sa Best Friend niyang si Anie na kung saan nasaktan at natutong lumaban dahil sa pagmamahal niya sa kanya. Kaya nang nawala si Anie sa buhay niya, hindi na to tuluyang nakamove on. Naghanap ng kapal...