(Prologo)

11 1 2
                                    







"Show me your cutest smile, Red..."

"Come here, let mommy comb your hair..."

"Goodnight, little Red..."

"Kumain na tayo, anak?"

"R-run! Run Red!  Save y-your life! Hide s-somewhere that they could never find you!"

"Tumakbo kana, please!..."

"Red..."

"RED!!!"

"Excuse me, miss Red? Are you okay?" Napalanghap ng hangin ang dalaga nang makabalik sa realidad at naalala na ngayon ang espesyal na araw para sa kanya. Sa araw na ito magaganap ang pag-iisang dibdib nila ng anak ng matalik na kaibigan ng kanyang Ama, na si Dale.


Walang buhay ang dalawang pares niyang kristal na mga mata nang balingan niya ng tingin ang make-up artist niya. Medyo pagod na itong lagyan ng kolorete ang mukha niya dahil sa lagi itong nabubura sa walang tigil na pagpatak ng mala-talon niyang luha. Bakas sa mukha ni Red ang lungkot at kawalang-ganang mabuhay sa mundo, at lalo pa itong nalungkot ngayong matatali siya sa taong 'di niya naman gusto.


Suot niya ang napakagarang wedding gown na matagal-tagal ring pinaghandaan ng mga magulang ng kanyang groom, parehong sang-ayon ang mga magulang ni Dale at Red sa kasalan na ito. Kay tagal na nilang pinagplanuhan ang pag-iisang dibdib nila mula pa noong mga bata sila, upang mapatibay ang magandang samahan ng dalawang pamilya.


Nakaupo sa isang stool si Red habang inaayos ang abot leeg niyang buhok, pinapalamutian iyon ng puting bulalak ng mga hair stylist niya. Kulay abo ang kanyang buhok na may kulay bughaw sa dulo niyon. Nagmistula siyang prinsesa ng niyebe sa kulay ng kanyang balat, buhok at suot na wedding gown. Ngunit, kahit na natatakpan ng makakapal na kolorete ang maganda niyang mukha mababasa sa kanyang mga mata na hindi siya masaya.

"Huwag na po kayo umiyak. Nasisira po ang make-up niyo, miss Red..." Ani ng isa niya pang make-up astist.


"Final retouch na 'to...kanina pa dapat nagsimula ang wedding, bilisan niyo na dyan! Dumating na raw ang General, naku mga bakla!"

Napahinga ng malalim si Red at mahinang tumango sa dalawa. Sinikap niyang pigilan ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata at pilit na tinatanggap ang magiging buhay niya pagkatapos ng kasal.


Mula noong nalaman niya na nakatakda siyang ipakasal kay Dale, labis ang galit na nadarama niya sa kanyang ama, tutol siya sa gusto nito. Nakailang beses rin sila nagtalo tungkol dito at nauwi pa nga sa pagkasakitan, iyon ang unang pagkakataon na pagbuhatan siya ng kamay ng kanyang ama. Ilang ulit niya na ring sinubukang tapusin ang buhay niya ngunit ilang beses rin siyang pinigilan ng kaibigan niyang si Trina.

Kinuha na ng kasama niyang stylist ang puting belo saka iyon inayos sa kanyang ulo. Maingat nila iyon inilagay upang hindi masira ang magandang ayos ng kanyang buhok. Nang matapos iyon ay pinatayo na siya at inayos din ang saya ng kanyang gown.

"Jusmiyo! Pak na pak talaga 'tong bride natin! Ang ganda-ganda oh!" bulalas ng baklang nag-organized sa kasal.

Nagsitanguan naman ang iba nitong mga kasamahan at nakangiting pinagmasdan si Red sa napakagarbo niyang wedding gown.









"Where's my daughter? Is she already prepared for her wedding? How is she?" Sunod-sunod na tanong ni General Joselito sa kanyang sekretaryang si Donna.

How deep is your love?(on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon