Swim.
Tahimik kaming pumunta sa parking lot kung saan naka-park ang sasakyan niya. He opened the door for me kaya pumasok na ako sa front seat.
Nilibot ko ang tingin sa kanyang sasakyan. Mukhang mamahalin ang sasakyan niya. As expected. Hindi basta-basta ang pamilya niya kaya halata sa kanyang pamumuhay.
"Do you have any plans to go somewhere?" He asked when he started the engine of the car. Bumaling ako sa kanya.
"It's now up to you. Wala akong alam na lugar dito sa Lucena," I said. Tumango siya at pinaandar na ang sasakyan. Ako naman ay tumanaw lang sa bintana ng sasakyan habang umaandar ito.
"Alam kong mali ang ginagawa ni Patricia sayo. Maybe I can talk to Paris to give some-"
"No. You don't have to. It's between me and my dad, Patricia and her mom," I said immediately. Tumingin ako sa kanya. He was just driving seriously.
"Hindi ko talaga sinadyang makinig sa usapan ng mommy at daddy mo noon. I was just passing by that time and then it happened,"
"Paano mo naman nalaman ang tungkol sa mommy ni Patricia and dad?" I asked curiously.
"Paris told it to me. Sinabi lang din ng mommy ni Paris sa kanya," he answered.
Bumuntong hininga ako. Syempre kapatid ng mommy ni Paris si Paula Gomez kaya natural lang na mag-open up siya rito.
"It's a very confidential matter but Paris was so persistent to mention it to me since...he knew that my brother and I had a dare with you," he said slowly.
"I didn't know na mga chismoso pala ang mga Suarez," I said while smirking. Agad siyang napapreno kaya mabilis akong napalingon sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"We're not gossipers!" He argued. My lips parted. Hindi ako makapaniwala na big deal pala sa kanya ang ganitong usapin.
"Bahala ka na! Mag-drive ka nga ng maayos kung ayaw mong mamatay ng maagap!" Iritado kong sinabi.
Nagpatuloy naman siyang mag-drive hanggang sa tumigil siya sa tabi ng isang high way. Kumunot ang noo ko.
"Why did we stop?" I asked, confused.
Tumingin ako sa kanya pero nakangisi lang siya.
"We're here!" He said and opened his door. Napamaang ako. What? In this high way? Ano namang gagawin namin dito?!
Binuksan ko ang pinto at masamang tumingin sa kanya ng makaharap ko siya. Siya naman ay malaki ang ngiti habang nakatitig sa kagubatan sa tabi. Sa tabi kasi ng high way ay may mapunong daan and I don't know kung saan ang dulo nito.
"Are you playing with me?" I asked bluntly. Natawa siya at hinawakan ang baba ko. Agad akong napaatras sa ginawa niya. He chuckled and held my wrist para hindi ako makaatras. Tatampalin ko na sana ang kamay niya ng bigla siyang nagsalita.
"There's a hidden way inside that forest through the river. And that river has a water falls. May hanging bridge din!"
Hindi na ako nakapagsalita ng hilahin niya ako patungo roon! Masukal ang daan na tinahak namin. Ramdam na ramdam ko ang mga ligaw na damo sa paligid since nakapalda pa ako. I am dam still wearing our uniform!
"Nasan ba tayo ngayon?" I asked. Tumingin ako sa kanya na seryosong seryoso sa paglalakad. Hindi ko rin namalayan na hawak-hawak niya pala ang aking kamay habang tinatahak namin ang masukal na daan.
"Gulang-Gulang, Lucena City. Don't worry nasa Lucena pa rin tayo," he chuckled.
I bit my lower lip as I stared at our entertwined hands. Hindi ko alam kung bakit kahit ang maliliit na detalye sa tuwing kami'y magkasama ay napapansin ko pa.
BINABASA MO ANG
Broken Days (SUAREZ SERIES #3)
RomanceMaria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focused in that mindset until a man shattered it all. Ang kanyang batong puso ay unti-unting nabubuksan. His eyes makes her forget her pain, his...