CONVICTED

165 12 6
                                    

CONVICTED

Sa panghuhusga ng tao ako'y naiinis

Hindi muna tingan mga sariling bulok at panis

Bago ako husgahan sana kwento'y alamin

Tao din ako, may puso, may damdamin

Sa likod ng mga ngiti ako'y basag

Sa likod ng mga tawa ako'y wasak

Kung meron mang isa na makapapansin

Magtataka siya kung bakit ako'y buhay pa rin

Puso'y wasak pero ako'y humihinga pa rin

Mahirap magpanggap na lahat ay okay pa rin

Pero ang panahon ay lumilipas tulad nitong sakit

Sakit na dulot ng mga salita niyong kay pait.

#TAGA-ILOG09 /02/18/2015

Bulong ng Damdamin #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon