Chapter Thirty Five

35 0 0
                                    


Halos di ako makatulog kakaisip. Hindi ko inaasahang makikita ko sya sa lugar na iyon. Though di ko man sya nakita physically and personally, alam kong sya iyon. Alam kong sya iyon to the point na sumunod sya sa bahay namin.

I was still standing here in our balcony when I heard Laurel opened the door and closed it. "Masyado ka atang ovethinking. Alam mo namang bawal yan sa pagbubuntis mo. You should sleep already Monique." He suggested.

Bumuntong hininga ako at saka hinarap sya. He's wearing black plain shirt and shorts. He looked so manly. Natatanong ko din minsan sa sarili ko kung bakit di ko sya talaga kayang mahalin. Kahit ni minsan, di tumibok ang puso ko para sa kanya. He is perfect to be a husband but not for me. Maybe for somebody else.

"Iniisip ko lang kung dapat ko ba talagang dalhin si Yishea mamaya sa kasal ni Agony  at Charm. Gusto nyang makita ang daddy nya na ikakasal sa iba. Yan yung huling gusto niyang gawin bago tumutok sa paggagamot sa kanya. Baka kapag dinala ko sya doon, lumala pa ang kondisyon niya. I can't let that happen."

Lumapit pa sa akin si Laurel at saka niyakap ako. He slightly tapped my head. I hugged him back as I cried silently.

Kinaumagahan, maagang nagising si Yishea. Masyado syang excited sa kasal ng daddy niya kahit sa iba naman ito ikakasal at hindi sa akin.

Mint green ang motif ng kasal nila ni Agony kaya pinasuot ko din ng mint green si Yishea. Ako naman ay nakasuot lang ng plain white fitted turtle neck dress. Nagsuot din ako ng kwentas na babagay sa suot ko. Ini ponytail ko lang yung buhok ko para di masyadong magulo at hindi mainit sa leeg since naka turtle neck ako na damit.

Malapad na ngiti ang iginawad sa akin ni Yishea nang makita niyang ready na ako. Isinama na din naman ang isang nurse nya para mabantayan syang mabuti. Dala-dala din namin ang oxygen nya since di sya pinayagan ng doktor nyang kunin ito gaya ng ginawa namin kahapon. Baka kasi atakihin na naman si Yishea dahil sa nahihirapan syang huminga at baka ikamatay nya pa ito.

Tahimik lang kaming apat sa loob ng kotse. Ako yung nasa frontseat katabi si Laurel. Si Yishea naman ay masayang nakatingin sa labas.

"Mommy what time po magsisimula ang wedding ni daddy?" Biglang tanong ni Yishea sa akin.

"Ahm 10:30 AM baby. Malapit na." Sagot ko sa kanya.

Bumalik sya sa pagkakaupo niya saka tumingin ulit sa labas, pinapanuod ang mga kotseng kasabay namin na tumatakbo.

Habang papalapit kami sa simabahan ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa posibleng mangyari. Hindi ko masabi itong nararamdaman ko. Para bang any minute, may mangyayaring di ko magugustuhan. Panay lang ang tingin ko sa labas.

Napansin ata ni Laurel ang pagiging uncomfortable ko kaya binalingan niya ako. "Everything's gonna be ok, keep calm." Wika niya sa akin saka ngumiti.

Gustuhin ko mang wag na tumuloy pero di naman pwede. Ito ang gustong mangyari ni Yishea kaya pagbibigyan ko ang anak ko.

Pagdating namin sa simbahan, pinasakay muna namin si Yishea sa wheelchair niya at saka ini park ni Laurel ang kotse.

Una kaming pumasok. Yung nurse ang syang tumutulak ng wheelchair ni Yishea habang ako naman ay pinapayungan silang dalawa.

Kakasimula lang ng seremonyas nang makaupo kami sa pinakahuling upuan dito sa simbahan.

Tahimik lang kami na nakikinig sa seremonyas. Nakahawak naman si Yishea sa kamay ko habang nakatutok sa kanyang ama na kinakasal sa iba.

Parang tinadtad ng saksak ang puso ko nang makita kong umiiyak na si Yishea.

"Umuwi nalang tayo baby. Baka ano pa ang mangyari sayo dito." Pag-aya ko sa kanya kahit ako naman itong sa una palang ay di na gugustuhin pang pumunta.

Hindi Tayo Pwede (Paramour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon